KABANATA 5

46.1K 1.1K 167
                                    

KABANATA 5

Kahit malamig ang dinudulot ng aircon ng kotse ay hindi ko pa rin maramdaman ito dahil parang pinagpapawisan ako habang narito sa kotse kasama lamang si Demonyo. Hindi ako makagalaw, tikom ang bibig ko, at kinakabahan rin ako dahil naiisip ko na p'wede niya akong dalhin sa ibang lugar tapos ipapatay niya ako at ipapatapon. Napapikit ako at mas lalong natakot sa naisip ko.

Ano ba, Juliet! 'Wag mong isipin 'yan, baka magkatotoo!

"I forgive you.."

Napatingin ako sa kanya ng magsalita siya habang focus ang mga mababagsik niyang mata sa daan.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko at napakagat ako ng labi dahil nautal na naman ako.

"Tsk, palagi ka na lang nauutal kapag kasama ako. Gusto mong alisin ko 'yan?" aniya at bumaling sa akin saglit na may ngisi sa labi. Umiling ako at napayuko.

"Oras na magtaksil ka ulit sa akin, sisiguraduhin kong hindi ka na makakalabas." pagpapatuloy niya.

Napalunok ako sa kaseryosohan ng tono niya. Napakuyom ang kamay ko sa kandungan ko habang ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Bawat salita may kahulugan. Bawat diin ay may pinauungkulan. Bawat banta ay may kaakibat na kaba na siyang nararamdaman ko ngayon.

"I don't share what is mine." Dagdag niya pa, "If I mad, I can beat or kill anyone to release my anger to you. Kaya, 'wag na 'wag mo akong pagagalitin dahil matindi akong magalit, naiintindihan mo?"

Napatingin ako sa kanya at hindi na ako napakali ng kunin niya ang kaliwang kamay ko at mahigpit niyang hinawakan iyon.

"Aist! I can see our future if we get married."

Hindi ko na siya masundan. Kanina ay umaangkin siya, nagbabanta, tapos ngayon ay nagpaplano na siya ng kasal. Naka-drugs ata 'to, e?

Sinubukan kong kunin sa kanya ang kamay ko, ngunit napakahigpit ng hawak niya.

"H-Hindi ko alam ang pinagsasabi mo.." nagawa kong magsalita kahit sobrang hina no'n. Napasinghap ako ng bigla niyang iliko ng mabilis ang kotse niya kaya napalapit ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng lumapit ang mukha ko sa mukha niya.

"Aggressive girlfriend, eh?" aniya at ngumisi kaya agad akong napalayo sa kanya at kinuha ko ng malakas ang kamay ko kaya napabitaw siya.

Napatingin ako sa bubong ng kotse niya ng bigla iyong tumaas at nawala. Napatingin ako kay Greyson ng may pinindot. Inalis niya ang seatbelt niya at nagulat ako ng alisin niya rin ang seatbelt ko.

Nanlaki ang mata ko ng ilapit niya sarili sa akin at hindi ako makapaniwala na kusang nagda-drive ang kotse niya kahit hindi niya hawak ang manibela.

Napatili ako ng hilahin niya ako sa baywang at nalaman ko na lang nakaupo na ako sa kandungan niya paharap sa kanya. Parang huminto ang hininga ko at pulang pula ang mukha ko sa sobrang kahihiyan ng posisyon ko.

"Damn." Mura niya at hinapit pa ako palapit sa kanya. Napahawak ako sa dibdib niya at pinilit kong makaalis sa kanya pero hinawakan niya ang batok ko. Nanlaki ang mata ko ng sakupin niya ang labi ko. Pilit kong umaalis pero masyadong mahigpit ang hawak niya sa batok at likod ko kaya hindi ako makabitaw sa mapang-angkin niyang halik.

Sinuntok ko ang dibdib niya dahil halos hindi ako makahinga sa klase ng pagsakop niya sa labi ko. Nahigit ko lang ang hininga ko ng bitawan niya rin ang labi ko.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagngiti niya.

"It so hot." aniya at kinabig ako palapit. Naramdaman ko na minaneho niya ang kotse at hanggang sa marinig ko ang malakas na pagpreno at paghinto ng kotse.

The Male Ruler Woman (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon