KABANATA 8
Sa hapunan ng pamilya ni Greyson ay para na naman akong nasa isang mamahaling kainan. Punong-puno ng nakahaing masasarap na pagkain ang lamesa habang nakaupo na sa kanya-kanyang upuan ang pamilya nila, at kasama ako doon.
"Hija, anong plano mo pagkatapos ng graduation mo?" tanong ni Ma'am Maqi habang inaasikaso ang maliit pang mga kapatid ni Greyson.
"Gusto ko po sana na mag-take ng board exam, tapos plano ko po na magturo sa probinsya na kulang po ang mga guro."
Akmang mag-re-react si Greyson ay tumikhim ako kaya natigilan siya at nilagok ang tubig niya at pagkatapos ay padarag niyang binaba iyon sa lamesa.
"Baby, are you mad?" tanong ni Ma'am Maqi sa kanya. Ramdam kong tumingin siya sa akin bago sa Mommy niya.
"I'm not mad, Mom. And don't call me baby, please." halong banas at nagpipigil ang boses ni Greyson.
Tinikman ko ang lutong fish fillet at ngumuya, napatango ako dahil masarap.
"Bakit? Matagal na kitang tinatawag na 'baby', ah?" may pagtataka pero natatawa na tanong ni Ma'am.
"Basta po, ayoko no'n, iba na lang ang itawag mo sa akin, Mom."
Naalala ko kung gaano kalabag sa loob ni Greyson ang nais ko upang magustuhan ko siya. Malabo naman na magustuhan ko siya dahil wala sa kanya ang katangian na magugustuhan ko, pero kung ang pagpabor sa akin ng sitwasyon ang magiging dahilan para hindi na niya ako higpitan ng tali sa leeg ay gagawin ko hanggang sa makatapos lang ako at makalayo.
Alam ko na masamang maglaro ng damdamin ng iba, pero tiyak naman ako na hindi malalim ang pagkagusto niya sa akin. Tingin ko nga ay malabo na ang mata niya para magustuhan ako. Ang pangit ko kaya, ordinary face, ordinary girl. Wala sa mga type na kagaya niyang lalake na mamahalin ako.
Kinuha ko ang notes at book ko upang gumawa ng home work. Nakabalik na naman ako sa EU kaya kung ano ang aralin doon ay iyon ang pinag-aaralan ko. Alam ko na sayang ang effort ni Lincoln, pero hindi na ako p'wedeng bumalik doon dahil tiyak na ako naman ang ibu-bully nila Emilyn dahil sa nasaksihan nila ang pagitan ko at ni Greyson.
Suot ko ang jacket na pink ni Cienti, yakap-yakap ko ang notes at book ko ng maisipan kong gumawa ng homework sa nakita kong kubo sa garden.
Hindi ko na mahagilap ang mga tao sa bahay pagkatapos ng hapunan. Sa laki ng bahay ay hindi na rin halos magkakitaan ang may-ari. Kasambahay at minsan sila Cienti lang ang nakikita ko, pwera kay Greyson, syempre, katabing kwarto ko lang siya.
Paglabas ko ay nakarinig ako ng tunog ng pagtalbog ng bola. Napatingin ako sa kabilang side ng bahay kung nasaan ang court at kung saan din naroroon ang kubo, at nakita ko na si Greyson iyong nasa court na tumalon para i-shoot ang bola sa ring.
Napatingin siya sa akin kaya agad akong umiwas at nagmadaling maglakad para lagpasan siya, pero napa 'ack' ako ng hawakan niya ang hood jacket na suot ko at napabalik ako ng ilang hakbang ng hatakin niya iyon.
"Where are you going?" tanong niya na mariin.
Humarap ako sa kanya at kung dati ay halos mahawakan niya lang ako ay natatakot na ako sa kanya, ngayon ay parang kampante na ako.
"Rule number 4?"
Rule number 4: bawal maging demanding sa pagtatanong kung saan ako pupunta at kung sino ang kasama ko.
Tumikom ang bibig niya tila ba nagtitimpi siya at nais ng sumabog, pero napahinga siya ng malalim.
"I just want to know, okay?"
BINABASA MO ANG
The Male Ruler Woman (COMPLETED) Under Editing
Fiksi UmumHindi naman siya kagandahan pero bakit kaya siya pa ang pinag-aagawan? Pilit niyang umiiwas pero ang mahanging hatid na dala ng mga hari ay hindi niya maiwasan. Naiipit siya sa mga tinaguriang hari ng Esteban University. Takot siya lalo na sa King o...