KABANATA 22

51.1K 914 34
                                    

KABANATA 22

Sinuklay ko ang buhok ni Greyson habang nakaunan ang ulo niya sa hita ko. Napapangiti ako dahil hindi ko akalain na agad din kaming magkakabalikan. Masaya ako dahil kitang-kita ko ang excitement at tuwa sa kanya ng malaman niyang magkakaanak na kami.

Kaya nga kinabukasan palang ay gusto niya akong dalhin sa hospital ng Lolo niya para daw ipatingin ako. Sinabi ko naman sa kanya na nagpatingin na ako. At agad na naman siyang sinumpong ng selos ng malaman na sinamahan ako ni Stephen at ito pa daw ang unang nakaalam na buntis ako kesa sa kanya.

Kung hindi ko lang pinagbigyan muli ay baka sinusumpong pa ito. Mahal na mahal ko na talaga siya, kaya kahit anong sumpong nyya ay ayos na sa akin, ang mahalaga ay tanggap niya na magkakaanak na kami.

Nagpa-drive siya sa bodyguard niya dahil wala daw siya sa mood na mag-drive ngayon. Nag-iinit na lang ang pisngi ko dahil alam ko naman na pagod siya dahil na rin hindi niya ako tinantanan kagabi. Pagkatapos kasi sa kotse ay umuwi kami sa penthouse niya at doon ay humirit pa siya.

Tumagilid siya ng higa kaya nakaharap na ang mukha niya sa tiyan ko. Napangiti ako ng halikan niya ang tiyan ko.

"Are you hungry?"

Tumingin siya sa akin kaya umiling ako at muling sinuklay ang buhok niya. Napatigil lang ako ng maupo siya at umayos ng upo. Inakbayan niya ako kaya napasandal ang mukha ko sa dibdib niya bago humawak sa hita niya.

"After the check-up, I will take you to the office."

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam pero napangiti ako.

"Dadalhin mo ako sa opisina mo? Talaga?"

"Yes, you heard me." aniya at hinalikan ang ulo ko.

"Pero bakit?"

Natawa siya tila ba nakakatawa ang sinabi ko kaya sinuntok ko ang tiyan niya.

"Bakit ba napapatanong ka pa? Of course, you are my wife. And you have the right to see my work place."

Bigla ay naisip ko ang mga co-worker ko na sila Mylene. Napangiti ako dahil makikita ko sila. Pero ng maalala ko na nandoon si Cora, at baka nandoon din si Yen ay nawala ang ngiti ko.

"Why?" tanong niya tila napansin ang pagwala ng ngiti ko, kaya ngumiti muli ako.

"Wala. Ah, makikita ko muli ang mga kaibigan ko sa dati kong trabaho, gusto ko silang kumustahin."

Ngumiti siya at tumango. Sumandal muli ako sa dibdib niya at napangiti dahil tila bumabait na 'tong si Greyson. Himala at lahat ng sabihin ko ay sinusunod niya.

"Master, narito na tayo."

Dahil sa sinabi ng bodyguard niya ay napaayos ako ng upo at tumingin sa labas. Namangha ako dahil ang laki ng hospital ng Esteban. At masyadong moderno. May mga foreigner pang mga lumalabas mula sa loob.

Inalalayan ako sa pagbaba ni Greyson ng mauna siyang bumaba ng kotse. Agad na pumulupot ang braso niya sa baywang ko at binitbit ang dala kong hand bag.

Agad na pinagtinginan kami ng tao tila nakilala nila si Greyson. Pero walang nagtangkang lumapit at hanggang tingin lang sila.

Mula ng malaman ni Greyson na buntis ako ay inalis niya agad sa closet ko ang mga pants, high heels, at iba pang masisikip na damit. Binili nyay pa ako ng sangkatutak na dress kaya wala na akong nagawa kundi iyon ang isuot at maging ang flats. Masyado siyang strikto ngayon pero masaya naman ako dahil nakikita kong concern siya sa akin at sa magiging baby namin.

"Ang laki at ang ganda ng hospital ng Lolo mo."

Tumingin siya sa akin saglit at tumingin muli sa daan.

The Male Ruler Woman (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon