KABANATA 12

43K 1K 40
                                    

❗❗SPG❗❗🔞

KABANATA 12

Ang malamig na hangin ay napakasarap damhin sa balat habang naghihintay ng new years eve. Ramdam na ramdam ko na talaga ang panahon, lalo't sobrang saya ko talaga.

Busy rin ang lahat sa pag-prepare ng pagkain habang ang mga batang sila Avo at Gil ay naghaharutan at tumatakbo sa malawak na lupain nila.

The christmas for me is full of joy, not just because of the gift that I received from Nika, Nancy at Erion. Pati sila Mylene binigyan rin ako ng regalo na talagang pinadala pa nila sa akin dahil nga hindi ako nakarating sa nakaraang christmas party ng company. Pero ang talagang nakapagpasaya sa akin ay ang kakaibang pasko kasama ng pamilya nila Cienti. Tapos hindi ko akalain na sasagutin na nila Ma'am Maqi ang gastusin ko sa board exam kapag naka-graduate na ako at nakapag-review. At nilakad rin nila ako upang ang una kong papasukang eskwelahan ay ang Angel's foundation.

Lahat iyon ay sekretong sinabi sa akin, kaya walang alam doon sila Cienti, lalo na si Greyson.

"Hmm, lamig."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko sa harap ng bina-barbeque kong hotdog ng biglang pumulupot ang mga braso ni Greyson sa baywang ko at niyakap ako mula sa likuran ng mahigpit.

"N-nag-iihaw ako."

Napapikit ako at napakagat ng labi ng mautal ako. Kaakibat na ata ng buong sistema ko ang ganoong hobby kapag nasa malapit lang si Greyson.

"Go ahead, dito lang ako." bulong niya at kumuha ng isang ihaw na hotdog at kumagat siya bago itapat naman sa akin iyon, "Tikman mo, kanina ka pa nakababad rito, amoy usok ka na tuloy." aniya at napakislot naman ako ng amuyin niya ako para sabihing amoy usok na ako.

"Okay lang ako, saka busog pa."

Biniling ko ang hotdog kahit super duper ilang na ako sa ginagawa niya. Hindi man lang siya mahiya na makita kami ng parents niya na ganito, at minsan ay ako na lang ang nahihiya kapag kaharap ang mga ito.

"Juliet, Greyson, halika na kayo at hayaan niyo na lang sila Mory d'yan!"

Inagaw sa akin ni Greyson ang spatula at small electric fan bago ako hinila. Mahigpit niyang hawak ang kamay ko at hinila ako patungo sa pamilya niya na mga nakaupo sa isang mahabang pabilog na rattan chair habang may pa 'C' shape table kung saan nakahanda ang ilang nilutong pagkain at inumin.

Naupo kami sa pangdalawahang rattan chair at inakbayan niya ako kaya napahawak na lang ako sa tuhod ko habang naiilang na hindi makatingin sa pamilya niya.

"Try this, Juliet." alok sa akin ni Ma'am Maqi, tukoy niya sa malagkit na sapin-sapin.

"Salamat po." ngumiti ako at kumuha ako ng platito at tinidor. Mukhang masarap kaya dinamihan ko ang kuha. Tinikman ko at napatango ako.

Napatingin ako kay Greyson na kumuha ng wine at ininom habang nakaakbay pa rin ang kamay niya sa balikat ko.

"Dad, sa lunes, papasok na ako sa company." aniya sa Dad niya na kainuman niya.

"Are you sure?"

Tumango siya tila determinado na talaga siya. Ano kaya ang company na hahawakan niya? Ang bata palang niya pero kahit gano'n ay kaya na niyang humawak ng isang company kahit pa easy-easy lang siya.

"Yes, Dad. Gusto ko na rin na kumita ng sarili ko dahil may pinag-iipunan na ako."

Bumaba ang kamay niya sa baywang ko kaya napatigil ako sa pagkain ng sapin-sapin at halos sumakit ang dibdib ko dahil sa boltaheng kuryenteng dumadaloy sa katawan ko.

The Male Ruler Woman (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon