KABANATA 3
Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang malambot na labi ni Lincoln sa aking noo. Kaya inspired ako sa klase at kahit medyo may iniinda pa akong paso ay parang nawala iyon dahil sa kakaisip ko sa nangyari sa locker room.
Tumunog na ang bell at kanya-kanya ng labasan ang mga estudyante, kaya gano'n din ako. Yapos-yapos ko ang dalawang aklat ko habang sukbit-sukbit ko sa balikat ang bag ko.
"Juliet! Sabay ka na sa akin!"
Inilingan ko si June na sakay ng kanyang kotse habang nakababa ang salamin nito at sumasabay sa lakad ko ang andar ng kotse niya palabas ng university.
"Hindi na, June. Salamat na lang."
Napanguso siya kaya natawa ako, "Okay, sige, lagi ka naman tumatanggi." aniya.
Palagi nga siyang nag-aaya, ngunit tinatanggihan ko. Lalo't nakakahiya at tingin ko ay maabala ko pa siya kung sasabay ako. Minsan nga iniisip ng mga nerdy na gusto daw ako ni June, pero hindi iyon ang tingin ko. Mabait lang talaga si June at wala akong malisyang nilalagyan sa pagtrato niya sa akin.
Napahinga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Napatingin ako sa mga punong siyang nagiging silong sa mahabang daan na para lang sa Esteban university. Nagkakalaglagan ang mga tiyot na dahon mula sa puno na may dahon na kulay kahel. Hindi ko alam ang tawag do'n, pero sa itsura niya ay parang autumn.
Natigilan ako sa pagtingala sa mga naglalaglagang dahon ng may biglang humaharurot na puting kotse na pamilyar sa akin. Bigla itong huminto at sa mismong harap ko pa. Kumabog ang dibdib ko sa kaba at alam na agad ng mga paa ko ang dapat gawin. Tumakbo ako para maiwasan ito, pero bago ko pa magawa iyon ay nakarating na agad sa harapan ko si Demonyo.
"B-bakit?"
Ngumisi siya at sinuklay ang buhok niya na tingin ko ay napakalambot. Kumikinang ang dalawang magkaibang hikaw niya sa isang tenga na lalong nagpapakita kung gaano nababalutan ng kabarumbaduhan ang isang katulad niya. Inaamin ko na bagay sa kanya, pero ayoko sa mga lalakeng nagsusuot ng hikaw.
"Get in.." hindi iyon pakiusap kundi pautos.
"S-sorry, m-may gagawin pa kasi ako." hindi ko alam kung nasaan ang tapang ko sa ibang bagay, pero kapag nakakaharap ko si Greyson ay parang nawawala iyon. Nakakatakot kasi ang awra niya, para bang any moment ay makikipagbasag ulo siya..
Gumalaw ang panga niya at tinignan ako ng seryoso bago igalaw ang ulo tila sinesenyasan ako na pumasok. Dahil tila kung hindi ko siya susundin ay matitikman ko ang galit niya. Napahigpit ang yakap ko sa libro ko at napayuko ako. Humawak siya sa likod ko at inakay ako kaya wala akong magawa kundi ang mapasunod.
Hinintay niya na makaayos ako ng upo bago niya sinara ang pinto ng kotse niya. Pangalawang beses ko pa lamang mararanasan na makasakay sa isang magarang kotse, pero hindi ko naman hiniling na sa demonyong ito ako makasakay. Saglit lang ay nakaikot na siya at sumakay. Nagkabit siya ng seatbelt at tumingin sa akin.
"Fasten your seatbelt." utos niya kaya agad kong sinunod kahit nahihirapan ako dahil hindi ko ito mahila sa panginginig ng kamay ko, "Relax.." aniya at siya na nagkabit.
Tinapakan na niya ang gas ng kotse niya kaya umusad na ang sasakyan niya sa mabilis na pagpapatakbo. Nakayuko ako at napapikit dahil nalulula ako sa bilis niya. Naramdaman kong parang bumagal kaya napadilat ako at napatingin sa harapan. Hindi katulad ng una na sobrang bilis, ngayon ay mild lang. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay seryoso lamang na nakatingin sa daan habang ang isang braso ay nakapatong sa pinto at bintana ng kotse habang ang mga daliri niya ay pinaglalaruan ang labi niya. May mapaglarong ngisi o ngiti sa labi niya, hindi ko alam kung para saan iyon.
BINABASA MO ANG
The Male Ruler Woman (COMPLETED) Under Editing
Ficțiune generalăHindi naman siya kagandahan pero bakit kaya siya pa ang pinag-aagawan? Pilit niyang umiiwas pero ang mahanging hatid na dala ng mga hari ay hindi niya maiwasan. Naiipit siya sa mga tinaguriang hari ng Esteban University. Takot siya lalo na sa King o...