KABANATA 21
Nagkaroon ako ng medical examination para malaman ko kung talagang nagalaw ako ni Lincoln. At sobra-sobra ang pasasalamat ko ng lumabas ang result na hindi niya ako ginalaw. Pero ang mas nagpagimbal sa akin ay ang malaman kong dalawang linggo na pala akong nagdadalang tao. Tama ang hula sa akin ni Lola, pero hindi pa ako naniwala. Mabuti na lang at walang nangyari sa baby ko.
Masaya ako dahil magkaka-baby ako, pero nalulungkot ako dahil ang ama nito ay sinaktan ako. Balak kong magturo sa malayong lugar na hindi na muli magtatagpo ang landas namin ni Greyson o sino pa man. At nagpapasalamat ako kay Stephen na tinulungan ako.
Siya ang nagbayad lahat ng medical examination ko, maging ng check-up ko. At sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanya ng sabihin niyang may alam siyang lugar na malayo sa syudad na kulang sa mga guro ang eskwelahan..
Kaya sinabi ko na gusto kong magturo. May bayad naman daw iyon kaya makakakuha na ako ng pera at makakaipon ako bago pa man ako manganak.
Kakayanin ko kahit mag-isa ko lang palakihin ang magiging anak ko. Wala na akong pakialam kung hindi ako pinaniwalaan ni Greyson, ang mahalaga ay nagpaliwanag ako sa kanya. Problema na niya iyon kung paniniwalaan niya ako. Pero lumipas na ang ilang linggo pero tila nga hindi niya ako pinaniwalaan at tila si Yen na ang gusto niya.
Bitbit ko ang gatas ng mapadaan ako sa sala. Nanonood si Stephen at nakita ko na news ang pinanood niya.
Report:
Bagong-bagong balita. Ang Smith company ay bumagsak na. Dahil ang sales ng lahat ng produkto nila sa gamit ng mga cruise ship ay bumagsak. Ngayon ay sinasara na ng bangko ang kanilang company dahil nagkabaon baon na sa utang ang Smith family nito lang nakaraang linggo. Ang nakuha naming iba pang impormasyon ay pinabagsak ng GSE estate company ang Smith Company sa hindi malamang dahilan.
Napamaang ako sa napanood ko. Nalugi na sila Lincoln at kita ko ang video ng pagsara ng company nila. Si Greyson ang may gawa. Natatakot tuloy ako na ako ang isunod niyang ilugmok sa lupa.
Hindi ko napansin na nanginginig pala ang kamay ko sa takot kaya nabitawan ko ang hawak kong baso ng gatas.
"Shit! Ayos ka lang, Juliet?" tanong ni Stephen na agad akong nilayo sa bubog at tinignan ako upang tignan kung may naging sugat ba ako.
"A-ayos lang ako, pasensya na."
Lutang na lumuhod ako para pulutin ang mga bubog pero pinigil niya ako.
"Juliet, ako na."
Napatingin ako muli sa television at nakita ko ang malamig na mata at seryosong mukha ni Greyson na kabababa lang ng sasakyan niya. Agad na sumugod ang mga paparazzi pero agad na naharangan ng bodyguard ang mga ito.
"Mr. Greyson, who's next?"
Iyon ang naging tanong ng reporter na syyang nagpahinto kay Greyson. Kinabahan ako at napahawak ako sa dibdib sa sakit ng nararamdaman ko dahil sa takot.
Humarap si Greyson sa camera at pakiramdam ko ay nakikita niya ako sa klase ng tingin niya.
"One of these day, I'll show up to you."
Iyon lang ang sinabi niya at kinabahan ako dahil pakiramdam ko ay sa akin niya sinasabi iyon. Agad na akong nagsilid ng damit sa bag at sinabi ko kay Stephen na dalhin na niya ako sa lugar na malayo sa syudad.
"Juliet, hindi alam ni Greyson ang bahay ko kaya ligtas ka rito. Saka 'di ba, wala na kayo no'n? Kaya, bakit natatakot ka pa kung magpakita man siya sa harap mo? Labanan mo siya at kahit na anong mangyari ay 'wag na 'wag kang sasama sa kanya."
BINABASA MO ANG
The Male Ruler Woman (COMPLETED) Under Editing
Genel KurguHindi naman siya kagandahan pero bakit kaya siya pa ang pinag-aagawan? Pilit niyang umiiwas pero ang mahanging hatid na dala ng mga hari ay hindi niya maiwasan. Naiipit siya sa mga tinaguriang hari ng Esteban University. Takot siya lalo na sa King o...