KABANATA 28
Mahigpit na nakahawak sa aking kamay si Greyson. Ngunit nagbitaw rin kami ng tuluyan na akong ipasok sa operating room. Nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala pero hindi na siya p'wedeng sumama sa akin, kaya ngayon ay nakaramdam ako ng takot. Pero kung para ito sa ikaayos ng mukha ko ay kailangan kong tatagan ang loob ko.
Inalis ko na sa isip ko ang natanggap na mga larawan ni Cora at sulat na pinadala ng sender. I trust Greyson. Alam ko na sinisiraan lang ng nagpadala sa akin nung larawan ni Cora si Greyson para magkasira kami. Hindi ko gusto iyon, lalo't may anak na kami. Alam ko naman na hindi magagawa ni Greyson iyon, dahil alam kong mabuti ang loob niya.
May sinaksak si Doctor Wilson at hindi ko alam kung ano ang sinaksak niya pero unti-unti akong nakaramdam ng antok, hanggang sa lumabo na ang paningin ko at unti-unting pumikit ang mga mata ko.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero nakakarinig ako ng boses ngunit hindi pa malinaw.
"Baby.."
May mainit bagay na humahaplos sa kamay ko. At palagi kong naririnig ang pagtawag sa akin ng 'baby'.
Parang ngayon lang ako ng nakahagilap ng hangin sa paglanghap ko. Parang nagising ang diwa ko mula sa mahabang pagkakatulog. Dinilat ko ang mga mata ko ng unti-unti at sa pagbukas ng mga ito ay sobra akong nasisilaw at hindi ko maidilat pa ng maayos ang isang mata ko.
Sa pagpikit ko ng mata ay naging malinaw na ang aking mga naririnig. Boses ni Greyson iyon. Dumilat muli ako at sa aking pagdilat ay mukha niya agad ang bumulaga sa akin dahil nakatunghay siya sa akin habang nakangiti.
"Finally, you awake." niyakap niya ako agad at ramdam ko ang sobrang tuwa niya sa yakap niya.
Napatingin ako sa likod ni Greyson at nakita ko si Miss Grace na nakangiti habang nasa tabi niya ang kanyang asawa.
Nung una ay nalilito pa ako kung anong meron, pero nang maalala ko ang surgery na ginawa sa mukha ko ay agad kong kinapa ang mukha ko. May balot ito ng benda kaya hindi ko alam kung ano na ang itsura ko.
"N-naging successful ba ang surgery?"
Umalis ng yakap sa akin si Greyson at nakangiti na tinignan niya ako.
"Hindi pa totally successful dahil pakikinisin at ibabalik sa dating kinis ang mukha mo. Pero kung tatanungin ang naging surgery sa mukha mo, ninety nine percent successful, Juliet." sabi ni Miss Grace.
Hindi ko napigilan na mapangiti at maingat na kinapa ang mukha ko na nababalutan ng benda. Kaya pala parang gumaang ang pakiramdam ng mukha ko na dati ay nabibigatan ako, lalo na sa pakiramdam ng loob ko dahil naiisip ko na ang pangit ko lalo, pero ngayong sinabi ni Miss Grace na ninety nine percent na maayos na ang mukha ko ay sobra-sobra na ang gaan na nararamdaman ko ngayon.
Bumukas ang pinto at nakita ko ang pagpasok ni Doctor Wilson. Humawak ako sa braso ni Greyson at tila nakuha niya ang nais ko. Inalalayan niya ako sa pag-upo at nilagyan ng unan ang likod ko kaya nakasandal na ako habang nakaupo. Naupo siya sa tabi ko at inakbayan ako kaya lihim akong napangiti dahil tila inaatake siya ng pagka-possessive niya. Masasabi ko na may itsura si Doctor Wilson kaya siguro ganito si Greyson.
"Good morning." bati ni Doctor Wilson kaya nagulat ako at agad na napatingin sa pamisig na relo ni Greyson.. Hindi ko akalain na matagal din ang naging tulog ko. Mula sa alas tres ng hapon kahapon ng magsimula ang surgery tapos ngayon lang ako nagising ng alas syete ng umaga, "How are you, Mrs. Esteban?" Tanong niya sa akin.
Ngumiti ako at humawak sa mukha ko. Talaga nga na magaling siya. At oras na makita ko na manumbalik ang mukha ko ay saka ko sasabihin na sobrang galing talaga niya.
BINABASA MO ANG
The Male Ruler Woman (COMPLETED) Under Editing
Ficción GeneralHindi naman siya kagandahan pero bakit kaya siya pa ang pinag-aagawan? Pilit niyang umiiwas pero ang mahanging hatid na dala ng mga hari ay hindi niya maiwasan. Naiipit siya sa mga tinaguriang hari ng Esteban University. Takot siya lalo na sa King o...