KABANATA 17

48.7K 967 32
                                    

KABANATA 17


Naisip ko na wala rin naman akong magagawa kung patuloy akong lalaban kay Greyson. Hindi ko man aminin sarili ko pero alam ko na hindi ko mapipigilan ang katawan ko na kumilos sa kanya. Niloloko lamang ako ng isip ko pero hindi ng nararamdaman ko.

On the second day in school, inulan ako ng tanong nila Brenda at iba pang teacher na kasamahan ko patungkol sa pagkakabingwit ko raw sa isa sa mga Esteban.

Sa isip ko, isda ba si Greyson para mabingwit ko? Natatawa na lang ako at hindi ako naglabas ng ibang detalye dahil ayoko rin na pagchismisan pa nila iyon. Sinabi ko na lang na asawa ko si Greyson. Wala din naman akong choice kung hindi sabihin dahil nakita nila ang wedding ring ko.

Greyson gave me another phone. A pink one. He always calls or texts me to pick me up.. At araw-araw rin niyang tinitignan ang phone ko tila ba chine-check kung may ibang nagte-text sa akin.

In a month as a couple, natatanggap ko na rin ang ugali ni Greyson habang tumatagal. Wala na akong magagawa kundi ang sumunod sa agos dahil alam ko na magiging maayos naman ang pamumuhay ko sa araw-araw. He can buy everything I need, but not the expensive one. Katulad lang ng food, gamit sa school, at marami pang pangangailangan bilang babae. At hindi rin nababawasan ang pera kong naiipon dahil libre na ako sa pamasahe, tapos ay nagbabaon na lang ako ng pagkain sa school.

Weekends, walang pasok sa school at nagawa ko na rin ang lesson plan ko habang tulog si Greyson at hindi nangungulit. Balak ko sanang maglinis ng bahay kaya nagpalit ako ng sando at short para maayos akong makakilos.

"Let's go to the gym, baby?"

Napaidtad ako mula sa paghuhugas ng pinggan ng yumakap sa akin si Greyson at hinalikan ang balikat ko habang ginigitgit ako sa lababo. Naiilang ako dahil naka-boxer lang siya at shirtless pa.

Akala ko ay matatagalan itong bumangon kaya nga inagahan ko ang gising pero tila nagkamali ako. Kakaumpisahan ko palang maglinis, guguluhin na agad ako nito.

"I-ikaw na lang.." nauutal kong sabi habang panay ang ilag ng balikat ko sa labi niya.

"Mamaya mo na gawin 'yan, let's gym together."

"Greyson!" suway ko at agad akong naghugas ng kamay dahil hindi na ako mapalagay ng pinasok niya ang isang kamay sa short at panty ko, kaya naiipit ng hita ko ang kamay niyang nakahawak sa pribadong parte ng katawan ko. Tapos ang isang kamay niya ay pumipisil na sa dibdib ko.

Agad kong hinawakan ang mga kamay niya at inalis. Umalis ako sa harap ng lababo at sa harap niya.

"Saglit, magbibihis lang ako."

Umirap ako na kinangisi niya. Iniwanan ko na siya doon at napapabuntonghininga ako na tinungo ang closet. Hindi ko alam kung kailan ako makakapagpahinga. Napakahilig niya at walang araw na hindi siya nangangalabit. Gumagawa na lang ako ng paraan para matigil siya. Akala ko ang pagsunod sa gusto niya ay ang ikapapahinga ng katawan ko, hindi rin pala. Dahil sumunod o hindi ay gagalawin pa rin niya ako at hindi ko naman mapigilan na hindi tumanggi.

"Choose the jogging pants and jacket. 'Wag na 'wag kang magsusuot ng maikli dahil baka masilipan ka doon."

Nagulat pa ako ng bigla siyang magsalita. Tumabi syya sa akin para kunin din ang isusuot niya.

"Ano ba!" agad akong napatalikod dahil walang pasabi na hinubad niya ang boxer niya.

"Para naman hindi mo pa nakikita at nahawakan ito." humalakhak siya kaya tila nag-init ang pisngi ko.

Agad na akong lumabas ng walk-in closet habang bitbit ang damit na isusuot ko. Sa banyo ako nagbihis at napatingin ako sa mukha ko habang iniipitan ang buhok ko na pa-messy buns. Walang kabuhay buhay ang mukha ko at maputla. Tumingin ako sa pinto bago napatingin sa taas kung saan ko nilagay ang nabili ko kay Blenda na make-up.

The Male Ruler Woman (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon