KABANATA 25
Umaaray ako sa sakit tuwing dadampian ako ng gamot sa mukha ko. Hindi ako p'wedeng uminom ng pain reliver dahil sa pinagbubuntis ko, kaya sobra ang pagtitiis na ginawa ko.
"Masakit!" daing ko kay Greyson habang nakahiga ako sa kama at nakapatong ang ulo ko sa hita niya. Siya ang naglilinis ng lapnos ko at ramdam ko ang pag-iingat niya habang dinadampian ako ng mabilis na pampatiyo sa lapnos ko.
"Sorry."
Napatingin ako sa kanya at kita ko na seryoso siya pero napapangiwi kapag umaaray ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya. Nagpapasalamat ako at hindi siya nagbabago sa akin at patuloy akong nililinisan ng sugat..
Balitang-balita nung nakaraang mga buwan ang pagkita sa bangka ni Marie Go, Doctor Peralta, at iba pang tauhan ni Nika na tinapon sa harap ng presinto. Alam ko na si Greyson ang may gawa no'n, dahil tadtad ng bala, at pati ang nadadanasan ko sa kamay nila Nika ay gano'n ang ginawa niya ayon sa imbestigador ng humawak sa krimen.
Natatakot ako na baka malaman na si Greyson ang may gawa at hulihin, pero hanggang ngayon ay walang makuhang lead ang mga imbestigador sa suspect. Nais kong tanungin si Greyson kung talaga siya pero kung iisipin ang dinadanas ko ngayon, naisip ko na mabuti nga iyon sa kanila, dahil nararapat lang kela Nika na danasin din iyon na halos parang patayin na rin nila ako.
Dahil sa ginawa niya ay hindi na ako nakakalabas ng penthouse dahil ayokong pagtinginan ng mga tao dahil sa mukha ko. Mahigit limang buwan na ang pinagbubuntis ko at malaki na rin ang tiyan ko, kaya apat buwan na akong nagkukulong sa bahay dahil ayoko nga na lumabas.
"Baby, we need to see your doctor.. This is the day for your check-up. At malalaman na natin ang gender ng baby natin." aniya at nang matapos siya sa mukha ko ay kamay ko naman ang ginamot niya.
Hindi pa ako p'wedeng operahan para maayos ang mukha ko dahil sariwa pa ang sugat, at baka hindi ko daw kayanin ang sakit dahil buntis ako. Hindi ako p'wedeng saksakan ng anestisya at delikado rin lalo't ilang buwan na lang ay manganganak na ako.
"P'wede bang dito na lang ako sa bahay tignan?"
Napahinto siya at tumingin sa akin. Pero pinagpatuloy niya ang paggamot sa kamay ko.
"Hindi madadala ang ultrasound machine dito, baby."
Napahinga ako ng malalim dahil ayokong lumabas ng bahay. Kahit na nami-miss kong makita ang paligid at makalanghap ng sariwang hangin ay hindi ko magawa. Kahit anong pilit sa akin ni Greyson na lumabas at 'wag pansinin ang mga taong bibigyan ako ng tingin ay hindi pa rin niya ako mapilit.
"Baby, kailangan natin na mapatignan ng maayos ang pinagbubuntis mo at hindi p'wedeng palagi na pumunta rito ang doctor mo. May pasyente pa siyang iba at hindi daw siya makakapunta ngayon."
"Edi, bukas na lang."
Tinignan niya ako at umiling siya kaya bigong napabuga ako ng hangin.
"Tomorrow and another day, she's busy and you don't have a choice to see your doctor today, okay?"
Bumangon ako at nakatalikod ako sa kanya kaya hindi niya nakita ang takot na nararamdaman ko.
Naramdaman ko ang pagtayo niya tila nililigpit na ang mga gamot ko at panlinis sa sugat. Saglit lang din siyang pumapasok sa company niya at kahit sinabi ko na ayos lang na mag-isa ako dito sa penthouse para tapusin niya ang work niya, pero makikita ko na lang na agad din siyang nakakauwi kahit wala palang ilang oras siyang nakakaalis.
Dinala niya rin ako sa lupang binili niya raw kay Yen.. Hindi ko mapigilan na mas lalo pang mapamahal sa kanya ng makita ko ang halos magagawa na ang magiging bahay daw namin, at ang mas nagpaluha sa akin ay katabi lang no'n ang pinagawa niyang school na kapag gusto ko raw magturo ay maaari dahil malapit sa magiging bahay namin. At malapit lang din ang lugar sa opisina niya, p'wede na nga na lakarin sa lapit.
BINABASA MO ANG
The Male Ruler Woman (COMPLETED) Under Editing
Ficção GeralHindi naman siya kagandahan pero bakit kaya siya pa ang pinag-aagawan? Pilit niyang umiiwas pero ang mahanging hatid na dala ng mga hari ay hindi niya maiwasan. Naiipit siya sa mga tinaguriang hari ng Esteban University. Takot siya lalo na sa King o...