KABANATA 15
Sakit agad ang naramdaman ko ng mamulat ang inaantok kong mga mata ng magising ako. Ramdam ko ang sakit sa paa ko at maging ang pagkabugbog ng katawan ko. Nang maalala ko ang nangyari kung bakit ganitong kasakit ng katawan ko ay bigla akong namula.
Napasinghap ako at napakuyom ng kamay habang nakahawak sa kumot ng maramdaman ko ang paggalaw ni Greyson na hanggang ngayon ay nakayakap sa akin mula sa likod ko habang ramdam ko ang mabalbon niyang binti na dumidikit sa binti ko na parang hindi ako hinahayaang makabangon man lang sa pamamagitan no'n.
"You're still hurt?" bulong niya sa tenga ko habang pinipisil pisil ang tagiliran ng baywang ko at hinalikan ang balikat ko.
Pinilit kong umiwas ngunit mas niyakap niya lang ako habang pareho kaming nasa ilalim ng kumot na siyang tumatakip sa kahubaran namin.
"Anyway, I have a good news for you, baby." aniya at naramdaman ko ang saglit niyang pag-alis ng yakap. At nang makuha nyay siguro ay hinarap niya sa akin ang isang brown envelop, "This is the result of your board exam. And the good news is...you are passed! It's great right?" dagdag niya at hinawi ang buhok ko at inipit sa tenga ko.
Pumikit ako. Masaya ako dahil nakapasa pala ako, pero ang lungkot, pagkabigo, at takot ay nanaig sa akin para kay Greyson. Nalulungkot dahil may nangyari sa amin. Paano kung ginagamit niya lang ako? Paano kung mabigo ako kung umasa ako sa kanya, tapos sila pala ni Cora. At natatakot na maiwan mag-isa, masayang ang pag-aaral kung dahil dito sa nangyari sa amin ay magbunga. Wala pa naman siyang ginamit na proteksyon. Aakuin niya ba kung mabuntis ako? Paano kung hindi?
"Being a good and understanding boyfriend, I let you to continue your field.. Pero syempre, kailangan pa rin kitang bantayan dahil baka magtaksil ka na naman na hindi ko pinapahintulutan na gawin mo.." aniya at hinalikan ang tenga ko kaya napadilat ako.
Balak ko sanang bulyawan siya ng may umalingawngaw na isang tunog na nanggagaling sa phone niya na nasa side table. Inabot niya iyon at tinignan. Sinubsob niya ang mukha sa leeg ko at hinarap sa akin ang phone niya.
"This is all my admirer but no one can captured my eyes and mind." aniya habang ini-scroll ang mga text sa kanya ng mga admirers daw niya.
Nakita ko na hindi mga naka-save ang mga number dahil walang mga pagkakakilanlan. Nakita ko ang nag-text sa kanya at pakiramdam ko ay si Cora iyon.
"I need to go back in company. Kailangan kong tapusin ang meeting. Kaya saglit lang ako, ha?" aniya sa tonong nagpapaalam pa.
Pumikit ako ng halikan niya ng mariin ang pisngi ko at bumangon na siya. Narinig ko ang papalayo niyang yapak kaya doon ako nagsimulang humagulgol ng tahimik. Napadilat ako at napatingin sa phone niya na iniwan niya sa tabi ko.
Lumingon ako sa gawing banyo at narinig ko ang pagbuhos ng tubig. Napatingin ako sa phone niya at hinawakan ito. Nakita ko na bago lang na wallpaper kung saan ay magkatabi kami matapos naming magtalik. Tulog na tulog ako nito habang nakahalik siya sa pisngi ko ng kuhanan niya kami ng litrato. Namula ako sa kahihiyan. Nakakahiya! Nagawa pa niya ako kuhanan matapod niya ako hindi tantanan!
Pinindot ko ang nag-text at nakita ko na si Cora nga iyon.
Cora:
Greyson, where are you? You need to be here right now.
Hindi lang iyon ang text niya kundi marami pa pero merong nakapukaw sa akin na text niya.
Cora:
I like you, please, stop chasing that ugly girl. I know you like me too. I give you everything, even my body.
Hindi ako makapaniwala na masyadong desperada ang Cora na iyon. Akala ko na mahiyain at walang kamalditahan, pero nagkakamali pala ako. Pero hindi ako nagkakamali ng kutob na may gusto siya kay Greyson. Tapos nilait pa ako.
BINABASA MO ANG
The Male Ruler Woman (COMPLETED) Under Editing
Fiction généraleHindi naman siya kagandahan pero bakit kaya siya pa ang pinag-aagawan? Pilit niyang umiiwas pero ang mahanging hatid na dala ng mga hari ay hindi niya maiwasan. Naiipit siya sa mga tinaguriang hari ng Esteban University. Takot siya lalo na sa King o...