KABANATA 18
Dumalaw kami sa parents ni Greyson at ito ang unang beses na haharapin namin ang parents niya bilang mag-asawa na kami. Sa klase ng reaksyon nila ay para hindi na sila nagulat ng malamang mag-asawa na kami ni Greyson. They happy that finally we are settle down for real.
Napatingin ako kay Greyson na nakikipag-usap sa Dad niya habang nakikipag-inuman rito. Tila masinsinan ang pag-uusap nila dahil masyadong seryoso ang kanilang mukha.
Nung nangyari muli ang gulo sa pagitan nila ni Lincoln, masasabi ko na mas humigpit ang pagbabantay niya sa akin. Kaya pati sa eskwelahan na pinapasukan ko ay may bodyguard akong kasama. Naiinis ako dahil pakiramdam ko ay wala siyang tiwala sa akin.
Oo, dati ay gustong-gusto ko si Lincoln, pero iba na ang gusto ko, at siya iyon. At tingin ko nga ay higit na doon ang nararamdaman ko. Kaya nga natatakot ako dahil hindi ko alam kung ano ang tunay niyang nararamdaman sa akin. He always tell me how much he liked me, but I don't know if he love me so much.
"Hija, are you happy for being a wife of my son?"
Napatingin ako kay Ma'am Maqi na gustong tawagin ko na raw siya na Mom. Nahihiya man pero natutuwa ako dahil gano'n ang gusto niyang itawag ko sa kanya.
Nararamdaman ko na nag-iingat siya na may masabing iba sa akin. At tila nais niyang malaman ang nararamdaman ko patungkol sa pagiging asawa ng anak niya sa akin.
"Masaya naman po, kaso po minsan ay nakakasakal siya."
Hininaan ko lang ang boses ko dahil ayokong marinig nila Greyson. Hinawakan niya ang kamay ko at malungkot siyang tumingin sa akin.
"I'm sorry for that, Hija." napabuntonghininga siya at binitawan ang kamay ko bago napatingin sa mag-ama niya, "Tila nasa dugo na nila iyon. Hindi ko rin kayang suwayin ngayon si Greyson dahil si Gab mismo ay kinukunsinti ito. Dati ay sumusunod sa akin 'yang batang 'yan, pero ngayon ay hindi na siya sumusunod kapag pinagsasabihan ko na tigilan ang pananakal sa 'yo. Pero sabi niya ay hindi naman daw pananakal iyon, gusto niya lang protektahan ang kanya kaya wala daw makakapagsabi sa kanya na sinasakal ka niya."
Napayuko ako dahil napansin na rin pala ni Mom iyon.
"Hija, if my son hurt you physically and emotionally, just tell me."
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Imbes na ipagtanggol niya ang anak niya ay sinasabi pa niya sa akin na magsabi ako sa kanya kapag pinapahirapan na ako ni Greyson.
"Bakit niyo po sinasabi 'yan?" tanong ko.
"Because, I know he hurt you someday like what Gab did to me when I try to leave him."
Napasinghap ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na nasaktan na siya ni Sir Gab. Alam kong hindi lang emotional pati physical.
"Anong pinag-uusapan niyo?"
Nagulat pa ako ng biglang sumulpot si Greyson sa harap namin. Narito kami ni Ma'am Maqi sa lamesa at kinakain ang luto niya.
"Wala, sinabihan ko lang ang asawa mo sa mga gawaing bahay."
Natawa si Greyson at napailing sa sinabi ng Mom niya.
"No need, Mom. Hindi naman katulong si Juliet para gawin pa 'yon, pero sabagay wala kaming katulong kaya siya muna."
Kinuha ni Greyson ang kamay ko kaya napatayo ako habang nagtataka na nakatingin sa kanya.
"We need to go, Mom."
Kaya pala parang inaaya na niya ako, pero hindi pa ako tapos kumain at balak ko sanang tulungan si Mom na magligpit.
"Ah, tulungan ko muna si Mom na magligpit. Saka maaga pa naman." sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Male Ruler Woman (COMPLETED) Under Editing
Ficción GeneralHindi naman siya kagandahan pero bakit kaya siya pa ang pinag-aagawan? Pilit niyang umiiwas pero ang mahanging hatid na dala ng mga hari ay hindi niya maiwasan. Naiipit siya sa mga tinaguriang hari ng Esteban University. Takot siya lalo na sa King o...