KABANATA 26

44.3K 936 35
                                    

KABANATA 26

Isang malaking two storey house at pinaghalo ang kulay ng puti at gray ang nakapahid sa bahay. Ang ilang bahagi ng pader ay purong salamin at napakalaki ng lupain upang masakop ang day care school na pinatayo ni Greyson para sa akin.

Nakalipat na kami dito sa bahay at ginugol ko ang oras ko sa pag-aayos ng bahay para makalimot sa nangyari sa akin patungkol sa mukha ko. Hindi na muli ako napilit ni Greyson na lumabas ng bahay dahil sobra akong na-trauma na baka maulit muli ang nangyaring noong nakaraang buwan nung bumili kami ng gamit ng baby namin.

Palagi kong suot ang scarf kahit nasa bahay lang ako. Baka may biglang pumunta sa bahay namin at mabigla kung makikita ang mukha ko. Mabuti at malayo sa kapitbahay ang bahay namin, dahil kung hindi ay baka may makakita sa mukha ko.

Napahaplos ako sa tiyan ko na lalong lumaki sa nagdaang buwan. Hirap na akong maglakad at kumilos dahil sobrang laki ng tiyan ko. Kaya naman, hindi na muna pumapasok si Greyson para bantayan ako. At ama muna niya ang kasalukuyan muling namahala bilang break muna daw kay Greyson ang pag-leave niya sa company.

Lagi akong narito sa room ng magiging anak namin. Hati ang kulay sa asul at pink. May malaking higaan sila para kasya sila kapag matutulog. At may mga terno na rin silang gamit at maging ang diaper ay sobrang dami para daw handang-handa kami.

May malaking painting ring sa kwarto nila kung saan ang full body ultrasound nila nung buo na sila sa loob ng tiyan ko. Talagang nilaanan ng oras ni Greyson na ikabit iyon sa pader at siya ang nagpagawa sa artist no'n na kinasaya ko.

"Are you done, baby?"

Napatigil ako sa pagkabit ng sticker sa book album ng kambal. Kapag oras na lumabas sila ay dito ko isusulat lahat ng detalye sa kanila at larawan nila.

"Hindi pa." umiling ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkabit ng sticker.

I name them Jacinto Gaston and Jacinta Golie. J and G. Coming from the first letter of my name and my husband.

Naramdaman ko siya sa likod ko at yumakap habang hinahaplos-haplos ang tiyan ko at hinalikan ang balikat ko.

"Saka mo na ipagpatuloy 'yan, baby, let's eat."

"Busog pa ako." tugon ko at pinagpatuloy ang ginawa ko kahit pa nakayakap siya.

"No, you will eat with me. Stop that." maawtoridad niyang utos at inagaw sa akin ang ginagawa ko.

"Kasi naman!" nang lingunin ko siya ay tinignan niya ako ng seryoso at may pagbabanta.

Inalalayan niya ako sa pagtayo kaya wala akong magawa kundi tumayo kahit hirap ako. Agad akong napahawak sa tiyan ko dahil sobrang laki na niya at malapit na rin akong manganak kaya hirap na rin ako.

"Don't used that tone to me, baby." Sabi niya kaya sinamangutan ko siya.

Hindi niya pinansin ang pagsimangot ko dahil talagang seryoso siya. Hinawakan niya ako sa baywang at kamay para gabayan sa paglalakad, pero huminto ako kaya napahinto rin siya.

"C'mon."

Napahawak ako sa braso niya at bumigat ang hiningan ko dahil biglang sumakit ang tiyan ko.

"A-asawa ko.." lumanghap ako ng hangin dahil para akong nahihirapan, "Manganganak na ata ako.."

"Shit! Breath in, breath out, baby." Sabi niya at ramdam ko ang kaba niya at pagtaranta bago niya ako binuhat.

Napakapit ako sa damit niya at napahiyaw sa sakit. Nang makalabas kami ng bahay ay agad nyya akong binaba ng makalapit kami sa sasakyan.

"Kuya! Ate!"

The Male Ruler Woman (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon