KABANATA 4

44.4K 1.2K 150
                                    

KABANATA 4

Hindi ko alam na ang paglabas namin na iyon ni Greyson, mag-iiba ang ihip ng hangin para sa akin. Library period ko, naisipan kong hanapin at basahin muna ang aklat na naayon sa hinahanap ng home work ko. Wala akong aklat na base sa home work ko kaya kailangan kong gawin ang naiwang assignment ng professor ko bago pumasok sa trabaho.

Maingay na pagpasok at halakhakan ang nakapukaw sa akin. Agad kong niligpit ang gamit ko at agad na nagmadali ako sa pagtago sa isang shelf ng aklatan. Gumapang ako upang makapunta pa sa pinakadulo, pero pagdating ko doon ay may biglang huminto na pares na paa na suot ay isang leather men's boots na black, habang may mahahaba itong legs na suot ang maong boyfriend pants na nakatupi ang dulo nito. May panloob na green shirt na hakab na hakab sa katawan nito habang may itim na leather jacket na suot. Nang mapaangat ako ng tingin sa mukha nito ay nakita ko ang pag-alis ng itim na shades sa mata nito.

"Where are you going, baby?" tanong ni Greyson na naupo upang mapantayan ako. Tumingin siya sa akin habang may mapaglarong ngiti sa labi.

"A-ah.." Agad na pinulot ko ang mga gamit ko at tumayo ako, "K-kailangan ko ng umalis, may kailangan pa akong g-gawin.."

Tumalikod ako sa kanya upang umalis at hindi na hinintay ang sasabihin niya, pero napaatras ako ng sumulpot ang grupo ni Greyson na mga nakangisi sa akin. Napaatras ako pero agad din akong napaharap kay Greyson ng bumangga ako sa kanya. Sinandal niya ang isang kamay sa shelf habang nakangisi na nakatingin sa akin.

"Boss, tila iniiwasan ka ata. Naiilang pa ata si Miss Girlfriend."

Kung hindi lang ako takot kay Greyson, baka kanina pa samain sa akin si Jason. Ang laging sumusulsol kay Greyson kaya hindi matahimik ang buhay ko.

"H-hindi kita iniiwasan, k-kailangan ko lang talaga na umalis na.."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay naglakad na ako upang lagpasan si Greyson, pero may kamay na mahigpit na humawak sa braso ko, at dahil sa bilis ng pangyayari ay nabitawan ko ang gamit ko. Napapikit ako at napangiwi ng malakas na masandal ako sa shelf. Dumilat ako at napasinghap ako ng bumungad sa akin ang malapit na mukha ni Greyson. Nakatingin sa akin ang mga mata niya na parang maraming sinasabi at ang nakangisi niyang labi na parang nasisiyahan siya.

"Nakita mong parating kami kaya dali-dali kang nagtago. Pero dahil naabutan kita, ngayon ay sasabihin mo na may gagawin ka pa, baby.."

Napaiwas ako ng mukha ng haplusin niya ang baba ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa panginginig ko. Nakapatong pa ang dalawang braso niya sa magkabilang gilid ng ulo ko kaya hindi ako makakaalis.

"We need to go somewhere.. So, let's go." mahinahon at bakas ang tuwa sa boses niya na nakakapanibago.

Umayos siya ng tayo at kinuha ang kamay ko bago ako hinila na. Napapatingin sa amin ang mga estudyante kaya napayuko ako at pinilit kong kuhanin ang kamay ko mula sa mahigpit niyang pagkakahawak, pero hindi ko magawa dahil parang naka-lock na ang kamay ko sa kanya.

Pagdating sa parking lot ay binuksan niya ang side ng front seat.

"Get in." utos niya.

"H-hindi ako sasama sa 'yo, ayokong kasama ka."

Napatiim-bagang siya at kita ko ang inis sa mata niya. Napaidtad ako ng hampasin niya ang bubong ng kotse niya at kinorner ako habang nakatingin sa akin ng matalim.

"Sasakay ka o pipilitin pa kita? Choose wisely or else... you're dead, baby." banta niya.

Hindi ko na talaga kaya ang panggugulo niya sa buhay ko. Pati ang trabaho ko ay maapektuhan dahil sa kanya. At pati ang tahimik kong buhay sa paaralang ito ay nawala at napalitan ng bangungot.

The Male Ruler Woman (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon