TITUS
Nadala sa malaking ospital sa Zamboanga ang babae. Buti na lang tapos na ang operation namin. Puwede akong pumunta ng city. Hindi pa nila isinalang sa operasyon ang babae. Ino-obserbahan pa ang kalagayan niya. Kapag ayos na raw ang lagay nito saka isasalang sa operasyon.
Naupo ako sa tabi ng kinahihigaan ng babae. Pinakatitigan ko ang kanyang maamong mukha. She looks like a fragile that I need to taken care of. Kailangan kong malaman kung sino ang mga kamag-anak niya. Baka nag-aalala na ang mga ito.
Hinawakan ko ang kanyang kamay na may mga nakakabit na tubo. Napalingon ako nang pumasok ang doktor.
"Kumusta ho, Dok, ang lagay ng pasyente?" May binigay siyang folder. Tiningnan ko ang laman niyon. MRI result ng babae. Hindi ko naman maintindihan kung ano ang mga nakalagay doon.
"Makikita dito ang injury niya sa head. May clot sa kanang bahagi ng ulo nito. Kailangan niyang operahan but for now kailangan niya muna ma-obserbahan. Kapag okay na ang kalagayan niya kailangan na niyang sumailalim sa operasyon as soon as possible." Napabuntonghininga ang doktor.
"We also see some fractured in her left hand and in her limb. Pero kung makikita mo parang naghilom na ang crack. At ang nakakagulat madami siyang peklat sa likod nito at sa ibang bahagi ng katawan. She also has laceration in her private part and her anus. We don't know kung sa pagtatalik o may ginamit silang bagay dito." Napaawang ang labi ko sa sinabi ng doktor. Napasulyap ako sa babaeng nakaratay sa kama.
"I think she needs medical treatment for this. She is suffering too much. Maiiwan na muna kita." Paalam sa akin ng doktor. Nanghina ako sa narinig mula sa doktor.
Naupo ako sa tabi ng babae. Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Kaya pala ganoon na lang ang pakiramdam ko sa kanya nang una ko siyang makita. Para bang may obligasyon akong alagaan siya. Because she need to be taken care of.
I will be here for you, sweetheart. I will take care of you the best as I can.
Naging okay ang kalagayan ng babae kaya isinalang na siya sa operasyon. Naging successful naman. Nakahinga ako ng maluwag. Hihintayin na lang namin ang paggising nito.
INIWAN ko muna sa ospital ang babae. Kailangan ako rito sa kampo. Pero babalikan ko siya. Nagbilin naman ako na tawagan nila ako kapag nagising na ang babae.
"Ang lalim yata ng iniisip natin, brod, ah?" tanong sa akin ni Major Manuel. Napangiti ako.
"Inaalala ko lang yung babaeng natagpuan natin sa labanan. Napakasaklap ng nangyari sa kanya. Although, maituturing siyang kalaban dahil umanib siya sa mga rebelde. Pero sa likod niyon may hindi magandang nangyari sa kanya. Pakiramdam kong may obligasyon akong alagaan siya. Iyon ang nararamdaman ko ng makita ko siyang walang malay at duguan." Mahaba kong kuwento kay Maj. Esteban Manuel.
"I think na love at first sight ka sa babae. Kaya ganyan ang naramdaman mo." Natatawang sabi niya.
"Tama ka." Napabuntonghininga ako. Sana paggising ng babae maging maayos na ang lagay niya.
Nakatanggap ako ng mensahe sa text na nagising na raw ang babae. Kaya nagpaalam ako sa commander ko na pupunta ako ng City. Buti wala pa kaming operation nandito lang kami sa baraks.
Pagkarating ko sa Medical Hospital dumiretso na ako sa silid ng babae. Pagkapasok ko nakita kong kinakausap ng doktor ang babae.
"Dok. . ." tawag ko sa doktor. Napalingon ito sa akin. Napatingin din sa akin ang babae.
"Kumusta na po siya?" tanong ko sa doktor.
"I think maayos naman ang kalagayan niya. May ite-test pa kami sa kanya for random check para masigurong successful ang operation sa kanya." Tumango ako.
"Maiiwan ko muna kayo," sabi nito.
"Sino ka?" mahina ang boses nitong tanong sa akin. Natural lang siguro ito dahil nanghihina pa siya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi pa nito maidilat ng maayos ang mga mata.
"Ako yung nakakita sa iyo sa isang labanan. Nailigtas ka namin. Nakita kitang nakahandusay at duguan."
Umupo ako sa tabi nito.
"Naalala mo ba ang nangyari sa iyo?" nag-isip ang babae. Napakunot ang noo nito na parang nahihirapan alalahanin ang lahat. Napahawak ito sa ulo nito. Hinawakan ko ang balikat nito.
"Huwag mo munang puwersahin ang sarili mong alalahanin ang lahat. Kaka-opera mo pa lang kaya natural na sasakit ang ulo mo." Nag-aalalang sabi ko.
"W-Wala akong maalala. H-Hindi ko rin alam kung sino ako?" Napatitig ako sa babae. Nakakaawa ang naging sitwasyon niya. Naalala ko ang sinabi ng doktor. Kung gaano kadami ang mga peklat at sugat nito sa katawan at sa maselang bahagi ng katawan nito.
"Okay, magpahinga ka muna. Don't force yourself to remember everything. It's okay. I'm just be here if you need help." I said.
Napatingin sa akin ang babae. Kahit nakikita ang paghihirap sa mukha nito napakaganda niya pa rin. She is like an angel to me. Maamo ang kanyang mukha.
"S-Salamat sa t-tulong. Tatanawin kong malaking utang na loob ang lahat ng ito." napangiti ako.
"It's alright, sweetheart. If you need help, I'm just be here for you." Tipid itong napangiti sa akin.
Dahil siguro sa gamot nakatulog uli ang babae. Hinaplos ko ang kanyang maamong mukha. Bago ako umalis humalik muna ako sa kanyang noo. Kinausap ko muna ang doktor about sa kalagayan ng pasyente.
"I think nagkaroon ng amnesia ang pasyente. Dahil na rin sa naging operasyon nito. Pero titingnan pa natin kung babalik ng unti-unti ang alaala niya. Let's see sa mga susunod na araw," sabi sa akin ng doktor.
"Okay, thank you, Dok." Napamulsa ako at naupo muna sa bench doon. Nagpaalam naman ako sa commander ko na dito muna ako sa ospital. Kailangan ko sigurong mag-file ng leave kapag lumabas na ang babae. Aalagaan ko muna habang hinahanap namin ang pamilya nito. Baka nag-aalala na rin ang mga iyon.
Hindi lang awa ang nararamdaman ko para sa babae. Hindi ko masabi kung ano? Napahawak ako sa tapat ng dibdib kong sobrang tibok sa tuwing naiisip ko siya.
Copyright©2019
All Rights Reserved
By coalchamber13
BINABASA MO ANG
Barako Series #10 You're my Angel(Titus Nieves Story)
RandomNa love at first sight si Titus Nieves sa babaeng natagpuan nilang walang malay sa isang labanan. Ngunit ng magising ang babae hindi nito matandaan ang nakaraan o kahit ang pangalan nito. Sadyang mapaglaro ang tadhana. Bumalik ang alaala nito nguni...