ANGEL
Napabalikwas ako ng bangon. Halos maligo na ako sa sarili kong pawis. Lagi ko na lamang napapanaginipan ang babaeng kamukhang-kamukha ko. Bakit ganoon? May kakambal ba ako? Bakit umiiyak siya sa panaginip ko? At ako sinasaktan ko ang babaeng kamukha ko. Masama ba ako noon? Pilit kong inaalala ang lahat, pero walang akong maalala ni katiting na detalye ng buhay ko.
Napaluha ako.
Dahil kakaisip napahawak ako sa ulo ko nang magsimulang sumakit ng sobra ang ulo ko. Napaiyak ako sa sakit.
" Ahhh!" daing ko habang hawak ang buhok ko. Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Biglang bumukas ang pinto. Dinaluhan agad ako ni Titus. Alalang-alala ang mukha.
"Sweetheart. . ." tawag nito sa kanya. Napahagulgol ako ng iyak. Hindi ko alam kung ano nga ba ako noon? Isa ba akong masamang tao? Napayakap sa akin si Titus. Pinapakalma niya ako. Ramdam ko ang kaginahawaan kapag nasa tabi ko si Titus. Siya ang nagpapagaan sa mabigat na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman. Para bang may pinagdaanan akong masakit sa nakaraan ko. Natatakot akong balikan ang lahat. Ayokong bumalik ang alaala ko. Dahil hindi ko sigurado kung matatanggap ko ba ang katotohanan sa buhay ko.
"It's okay, sweetheart. Nandito lang ako hindi kita iiwan." Hinaplos niya ang buhok ko. Napasandal ako sa dibdib ni Titus. I feel safe with him. He is my hero. Sa ganoong ayos nakatulugan ko na ang paghikbi at paghagod nito sa likod ko.
Nagising akong magaan ang pakiramdam. Unlike last night na sobrang sakit ng ulo ko. Dala siguro ng pagpipilit kong isipin ang mga bagay na gusto kong maalala. Siguro hindi ko muna pipilitin ang sarili kong alalahanin ang lahat. It takes time to remember everything about my past. Nagpasya akong bumangon sa kama upang lumabas ng silid. Nahihiya na ako kay Titus. Ako na nga ang nakikitira pero pasanin pa niya ako. Kailangan kong tulungan ang sarili ko para hindi ako pabigat sa kanya. Ayokong abusuhin ang kabaitan sa akin ni Titus.
Naabutan ko pa si Titus na naghahanda sa mesa. Napatingin ito sa akin nang maramdaman niya ang presensya ko. Nakasuot na ito ng pangsundalong uniform.
"Good morning, Titus," bati ko sa kanya. Hindi ako makatingin ng diretso sa mata niya. Hanggang sa ngayon ilag pa rin ako kapag nakatitig na sa kanyang magandang mga mata. Kahit na sabihin na walong buwan na ako rito. Hindi pa rin ako sanay. Malawak itong napangiti. I like his smile nakakahawa.
"Good morning, sweetheart. Halika ka na nakahain na ako." Pag-anyaya niya sa akin. Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang siko ko para alalayang umupo. Hindi na ako ilag sa kanya kapag hinahawakan niya ako.
"Thank you. Ako dapat ang gumagawa rito sa bahay mo. Nakakahiya na sa iyo Titus. Nagiging pabigat na ako sa iyo," sabi ko. Napayuko ako at pinagsiklop ang mga palad ko.
"It's okay, sweetheart. Bisita ka rito kaya ako ang dapat mag-aasikaso ng lahat ng pangangailangan mo. Don't force yourself to do things here in mya house. I can handle all of this. Kaya ko lahat ang gawaing bahay. Ang laki kaya ng muscle ko. Tingnan mo?" Pina-flex niya ang kanyang braso. Napahagikgik ako kasi may pataas taas pa siya ng kilay habang pinapalaki niya ang muscle sa braso.
"I love seeing you smile, sweetheart. Nagiging malakas ako. Ikaw kasi ang vitamin ko." Kinindatan niya ako. Napakagat ako sa labi dahil pinipigilang matawa.
"Ang OA mo, ha? Ano ako enervon?" birong sabi ko.
"Hindi ka Enervon. Hindi kompleto ang vitamin na iyan. Isa kang Centrum kasi complete!" Tuluyan na akong natawa. Luko-luko talaga ito.
TITUS
Nagtaka ako nang tawagan ako ni Logan. Gusto raw niya akong makausap ng personal. Pagkapasok ko pa lang ng restaurant nakita ko si Logan. Siya lang kasi ang pinaka-macho sa resto kaya mapapansin mo agad. Lumapit ako.
BINABASA MO ANG
Barako Series #10 You're my Angel(Titus Nieves Story)
RandomNa love at first sight si Titus Nieves sa babaeng natagpuan nilang walang malay sa isang labanan. Ngunit ng magising ang babae hindi nito matandaan ang nakaraan o kahit ang pangalan nito. Sadyang mapaglaro ang tadhana. Bumalik ang alaala nito nguni...