Chapter 5

4.1K 171 15
                                    

TITUS

"Good morning," bati ko kay Donnabel. Kagigising lang nito. Maaga akong nagising para ipagluto siya ng agahan. Maaga din naman ang pasok ko kaya ayos lang. Tipid itong napangiti. Kahit medyo close na kami hindi pa rin ito nasasanay sa mga ginagawa ko sa kanya.

"Sana hindi ka na lang nagising ng maaga. Ako dapat ang gumagawa niyan. Nakakahiya naman na palagi mo na lang akong inaasikaso." sabi nito.

"Ayos lang naman sa akin. You need to rest more, para mabilis kang gumaling," sabi ko.

"Salamat sa lahat Titus. Kahit hindi mo ako kilala tinutulungan mo ako. Tatanawin kong malaking utang na loob ang lahat ng kabutihan mo sa akin." Tumayo ito at lumapit sa kinauupuan ko. Nagulat ako ng yakapin niya ako. I tapped her hand to let her know that it's okay. Hindi ko pa rin magawang yakapin ito pabalik. Dahil ayokong maging sanhi ito ng takot niya. Alam kong may trauma na ito sa nangyari sa kanya.

"Ayos lang. Kain na tayo baka umiyak pa ako." Pagbibiro ko sa kanya. Bumalik na ito sa pagkakaupo. Nakangiting pinagsaluhan namin ang umagahan.

PAUWI na sana ako nang masalubong ko si Logan sa kampo.

"Brod, samahan mo ako," sabi nito. Nagtataka ko itong tiningnan. Sa laki ng katawan ni Logan magpapasama pa sa akin? Anong meron?

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Birthday kasi ng pinsan ko. Baka mapasabak ako ng inuman kaya magpapasama ako." Tumawa ito. Maalala ko pala na ako ang lagi nitong kasama na umiinom. Madali kasing tamaan ng alak itong si Logan. Sa laki ng katawan, pero kapag nalasing parang wala na sa sarili.

"Sige. Ipapaalala ko sa iyong hindi tayo puwedeng magtagal doon," sabi ko. 

Hindi ko pa rin masabi kay Logan na may babae akong inaalagaan sa bahay ko. Inakbayan ako ni Logan.

"Thank you, brod!" masaya nitong sabi.

NAGPUNTA kami sa pinsan nitong si Noah. Nakita ko na ito dati pa. Binata pa noon ito. Pero ngayon ay may asawa na at may mga anak. Pumasok kami sa loob ng bahay. May mga bisita na nasa salas. Nakita ko ang mga pinsan nito. Nagsipuntahan na kami sa garden. May isang mahabang lamesa doon at mga upuan. Dito siguro kami mag-iinuman. Nagsiupuan na kaming lahat. May nakalagay na mga alak sa lamesa.

"Hey, Titus. What's up! Ngayon lang kita uli nakita," bati sa akin ni Alex na kadarating lang. Nagtapikan kami ng balikat. Kagaya ko binata pa rin ito. Balita kong napakababaero nito kaya walang sineseryosong babae.

"Yeah, it's been a while? May asawa ka na ba?" tanong ko. Natawa ito sa tanong ko.

"Wala pa. Busy ako sa trabaho ko," sabi nito.

"Anong busy sa trabaho? Sa mga babae iyan busy. Magiging matandang binata yan!" sabi ni Isaac. Nagtawanan ang mga pinsan nito. Parang napipikon na si Alexandro sa mga biro ng mga pinsan.

"Meron akong nililigawan! Kaya huwag ka nga!" biglang sabi nito.

"Aba, sino naman, Alex?" tanong ni machong Logan. Lahat napatingin kay Alex.

"Ah, ano? Teka! Bakit kailangan niyong malaman. It's such a private matter na hindi dapat pag-usapan," sabi nito sabay kamot sa ulo nito. Tinungga niya ang isang baso ng alak.

"Sus, may private ka pang nalalaman. Alam ko naman kung sino yun! Hindi mo naman niligawan, engaged na nga yan!" sabi naman ni Kael.

"Engaged ka ng gago ka! Hindi mo man lang kami in-Inform?!" sabat ni Jacob.

"Tell us kung sino ang malas na babae na napupusuan nitong si Alexandro," sabi ni Noah.

"Subukan mo Kael ibunyag, baka isumbong kita kay City. May kausap kang babae kaninang umaga. Balita ko ex mo iyon." Pagbabanta nitong si Alex kay Kael. Nanlaki ang mata ni Kael sa banta ni Alex.

Barako Series #10  You're my Angel(Titus Nieves Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon