Chapter 20

3.6K 143 8
                                    

TITUS

NASA bisig ko ang anak kong natutulog. Buti na lamang nakadating ang ambulansyang tinawag ni Drei kung hindi baka mawala na ng tuluyan si Angel. Hindi ko kakayanin iyon.

Napasulyap ako sa taong parating. Pag-aalala ang nakarehistro sa kanyang mukha.

"Kumusta na ang lagay ni Angel? Kasalanan ko ito." Ani ng Mommy ni Angel. Naupo ito sa tabi ko at napasulyap sa anak ko.

"Wala po kayong kasalanan huwag niyo pong sisihin ang sarili niyo." Wika ko.

Sadyang mautak lang ang Abraham na iyon. Kaya niyang magpagalaw ng mga tao kahit wala siya rito.

"Ako kasi ang nag-hire sa hardinero. Hindi na ako nag-background check sa lalaking iyon dahil naawa ako sa kanya. Kailangan niya raw ng trabaho at may sakit pa ang anak niya. Muntik pang mapahamak ang apo ko dahil sa kapabayaan ko." Naiiyak na turan ng Mommy ni Angel.

Napasulyap kami sa Doktor na lumabas sa silid ni Angel. Napangiti ang doktor sa amin.

"She's out of danger. Ililipat lang siya sa recovery room puwede niyo na siyang makita." Napahinga ako ng maluwag sa narinig. Hinagkan ko ang noo ng anak ko. May pag-alala pa rin ako dahil nakakawala pa si Abraham. Alam kong hindi papayag ang lalaking iyon hangga't buhay pa kami. Kailangan mahuli siya sa lalong madaling panahon.  

"Nag-alala ako sa kaligtasan ng anak ko at apo. Lumayo na nga kami, pero nasundan niya pa kami. Ano pa bang kailangan niya sa anak ko? Impiyerno ang naging buhay niya sa kanya. Hindi pa ba sapat iyong pagpapahirap niya sa anak ko? Napakademonyo ng lalaking iyon. Hindi ko akalaing mas masahol pa siya sa hayop." Naiiyak na turan ng Mommy ni Angel. 

"Huwag po kayong mag-alala gagawin ko po lahat ng magagawa ko para mahuli ang lalaking iyon. Hindi dapat siya binubuhay." Sagad hanggang langit ang galit ko sa lalaking yun.

Inuwi muna ng Mommy ni Angel ang anak ko sa bahay. Pinalagyan na ng security ang buong bahay at mayroon na rin pulis sa paligid. Kailangan kong bantayan si Angel dito dahil baka pumunta naman dito ang demonyong yun. Pero sigurado akong napuruhan ko ng grabe ang lalaking yun. Dalawang tama ng baril ang bumaon sa katawan niya. Kaya sigurado akong hindi pa nito kayang rumesbak.

Nakatulugan ko na ang paghihintay na magising si Angel.

Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong nakatutok na matulis na bagay sa leeg ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at napatingin sa taong nasa harapan ko.

"S-Sweetheart, what are you doing?" tanong ko. Walang emosyon ang mga mata ni Angel. Parang ibang tao siya.

"Papatayin mo ako kaya uunahan na kita." Umatras ako ng itatarak niya sa leeg ko ang kutsilyo.

"Sweetheart, calm down it's me. I will not going to hurt you, okay? Just calm down." Nanginginig ang mga kamay ni Angel habang hawak nito ang tinidor. Anong nangyari sa kanya bakit ganito na siya? She seemed doesn't recognize me.

"I will kill all of you! You ruin me! Mga demonyo kayo!" Galit na turan nito habang umiiyak. Kumuyom ang kamao ko. Gusto kong tadtarin ng bala si Abraham ngayon. Siya ang dahilan kung bakit nagkaganito si Angel. Tumayo ito at sinugod ako. Naagapan ko ang pagtarak ng tinidor sa akin.

"Papatayin ko kayo! Binaboy niyo ako!" Umiiyak na turan niya. Awang-awa ako sa kanya. Ayokong nakikita siyang ganito. Nasasaktan ako.

Naagaw ko ang tinidor at tinapon sa malayo. Mahigpit kong niyakap si Angel ngunit hinampas niya ang likod ko. Ngunit hindi ko siya binitawan.

"Sweetheart, hindi kita sasaktan. Mahal na mahal kita. Please, tama na. . ." Napaiyak ako habang pinapayapa ko siya sa pag-iyak. Dinudurog ang puso ko kapag naririnig ko kung paano siya tumangis. Hindi ko maatim na makita siya sa ganitong kalagayan.

Barako Series #10  You're my Angel(Titus Nieves Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon