ANGEL
"Huwag mo akong hahawakan! Nakakainis ka para bang ayaw mong magkaanak sa akin!" sabi nito.
"Sweetheart, hindi sa ganoon. Hindi ko kasi agad naintindihan ang gusto mong sabihin. Malay ko ba kung bakit tinawag mo akong Daddy."
Humaba ang nguso ni Angel. Kinabahan ako nang mamula ang mga mata ni Angel na parang iiyak na. Kinabig ko siya para yakapin.
"Sweetheart, masaya ako at magkakaroon na tayo ng baby. Ako ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo." Pang-aalo ko sa kanya. Napayakap na rin siya sa akin.
"Akala ko kasi ayaw mong magkaanak sa akin. Kasi iniisip mong may asawa ako noon at hindi na ako.."
"No. Wala akong inisip na ganyan. Minahal kita kahit ano pa ang nakaraan mo. Hindi kita pinandirihan o ano pa man. Tanggap kita kahit ano pang nakaraan mo. I love you, sweetheart with all my heart. I am so much happy na magkaanak sa iyo. Napakasaya ko dahil magkakaanak na tayo."
Pinahid ko ang luha niya sa mga mata.
"Thank you. Alam kong hindi ako karapat-dapat sa iyo. Pero pinakita at pinaramdam mo sa akin na espesyal ako sa iyo. Kinasuklaman ko ang sarili ko noon dahil feeling ko ang dumi ko dahil sa nangyari sa akin. Piinakita mong hindi ako ganoon. Nagtiyaga kang mabuo muli ang sarili ko." Napaiyak si Angel. Niyakap ko siya.
"Don't cry, sweetheart. Baka maging iyakin ang anak natin sige ka." Pagbibiro niya. Kinurot niya ang tagiliran ko kaya natawa ako.
"Promise, sweetheart. Magiging mabuti akong ama sa ating anak. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Para akong lumulutang sa ulap. Sobrang saya ko." Sabi ko. Napatitig ako sa magandang mukha ni Angel. "I love you so much sweetheart" hinagkan ko ang kanyang labi.
" I love you too, Titus,"sabi nito sabay yakap sa akin ng mahigpit.
Nag-stay muna sa magulang si Angel. Para mas maalagaan muna siya dahil nagtatrabaho ako. Ako na lang ang nagpupunta roon.
Limang buwan na ang tiyan ni Angel. Sabi nila mukhang lalaki ang magiging anak namin dahil matulis daw ang tiyan niya. Kahit ano pa ang kasarian ng anak ko mamahalin ko siya ng sobra kagaya ng pagmamahal ko kay Angel.
"Apat na buwan na lang, sweetheart at lalabas na si baby. Hindi na ako makapaghintay masilayan ang anak natin," sabi ko habang hinihimas ang malaking tiyan ni Angel. Hinawakan ni Angel ang pisngi ko.
"Sana kamukha mo ang anak natin. Para kahit nasa malayong destino ka nakikita pa rin kita," sabi niya. Napangiti ako.
"Gusto ko nga kamukha mo ang anak natin. Siguradong napakaguwapo o maganda ang anak natin."
We decided not to know the gender of the baby. We want it to be a surprise for both of us.
"Sana babae para kamukha mo, sweetheart," sabi ko. Niyakap ko siya. I really love my Angel.
PAUWI na ako nang tumawag ang isang security ko.
"Sir Titus, na-kidnap po si Ma'am Angel. Kailangan niyo po siyang puntahan sa address na ite-tex ko." Bigla akong kinabahan. Hindi puwede ito. Kabuwanan na ni Angel.
"Sige! Pupuntahan ko ang address. Huwag niyo muna ipaalam sa kahit kanino at baka mas lalong manganib ang buhay ni Angel." Bilin ko sa tauhan. In-endcall ko ang tawag. Nagtagis ang bagang ko.
Napaka walanghiya ng lalaking iyon. Pinuntahan ko si Logan. I need his help.
"Napadalaw ka?" sabi ni Logan nang makapasok sa loob ng bahay nito.
"I need your help, brod! Na-kidnap si Angel!" humihingal na sabi ko. Kinakabahan talaga ako. Ngayon ko lang naramdaman ang takot. Bihasa ako sa labanan sa kabundukan. Hindi ako natatakot sa kahit sinong rebelde. Kahit matamaan ako ng bala wala akong takot na sumuong sa mapangabib na labanan. Pero ngayon sobra ang takot ko. Hindi ko kayang mawala ang mag-ina ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/187453935-288-k217111.jpg)
BINABASA MO ANG
Barako Series #10 You're my Angel(Titus Nieves Story)
AcakNa love at first sight si Titus Nieves sa babaeng natagpuan nilang walang malay sa isang labanan. Ngunit ng magising ang babae hindi nito matandaan ang nakaraan o kahit ang pangalan nito. Sadyang mapaglaro ang tadhana. Bumalik ang alaala nito nguni...