Chapter 8

3.4K 139 13
                                    

TITUS

"Lilipat ka ng bahay?" nakakunot ang noo ni Logan.

"Kailangan kong mailayo si Angel sa taong gustong kunin siya. Nag-aalala ako sa kaligtasan niya. Kailangan ko siguro munang mag-leave ng isang buwan. Para maasikaso ko ang paghahanap ng bagong bahay. She needs me Logan." sabi ko. Tinungga ko ang alak na isinalin ko.

"Bakit kailangan ikaw ang magprotekta kay Angel kung may pamilya naman siya? Sila dapat ang may karapatan na gawin yan. Hindi ikaw brod." napabuntong hininga ako.

"I know natatakot akong kapag binalik ko na siya tuluyan na siyang mawawala sa buhay ko. H-hindi ko kakayanin mawala si Angel sa buhay ko brod. I already love her." sabi ko. Inakbayan ako ni Logan.

"Naiintindihan ko ang nararamadaman mo. Pero mali ang itago mo siya. Mas lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon. Kung mahal mo siya hindi mo hahayaang malayo sa kanyang pamilya. Ito lang masasabi ko brod. Kung kayo ang itinadhana ng diyos para sa isa't isa. Kahit ano pang humarang sa landas niyo kayo pa din sa huli." sabi ni Logan. Tinapik niya ang balikat ko.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mahirap sa akin ang magdesisyon pa sa ngayon.

Nakalabas na ako ng sasakyan ko ng biglang may sumipa sa may tagiliran ko. Napasandal ako sa pinto ng sasakyan ko. Napaangat ako ng tingin ng sisipain na naman ako ng lalaking nakatakip ang mukha. Tanging mata lang ang makikita. Nailagan ko ang kamao nitong lalanding sana sa mukha ko. Tumama ito sa may salamin ng sasakyan ko. Nagkaroon ng crack ang salamin dahil sa pagkakasuntok dito. Ginawaran ko ito ng malakas na sipa sa tiyan. Napaupo ang lalaki. Kinuwelyuhan ko ito at sinapak sa mukha. Napabaling sa kabila ang mukha nito. Nahawakan niya ang isang kamay ko. Napaluhod ako ng inipit niya ang isang paa ko. Ginawa ko din ang ginawa nito. Inipit ko sa isang paa ko ang paa nito. Pareho kaming natumba sa semento. Nakipagbuno ako kahit masakit ang isang paa ko. Inuntog ko ang ulo ko sa noo nito. Naramdaman kong lumuwag ang pagkakaipit nito sa paa ko. Kahit hilo ako. Hindi na ako nag-aksaya ng pa panahon. Isang malakas na sapak ang pinakawalan ko. Nawalan ito ng malay. Kinuha ko ang phone ko at tumawag ng pulis. Kailangan malaman ko kung sino ang gustong patumbahin ako.

Nag-stay ako sa presinto upang kasuhan ang lalaking nagtangka sa buhay ko.

"Hey, brod! Anong nangyari?" bungad na tanong sa akin ni Logan. Tinawagan ko kasi ito.

"My gustong pumatay sa akin. Iniimbestigahan pa ng mga pulis." naupo kami ni Logan sa bench sa loob ng presinto.

"Sino sa palagay mo ang may gustong tumbahin ka?" tanong sa akin ni Logan. May suspect na ako kung sino.

"I think yung lalaking may tattoo na lagi kong nakikitang umaaligid sa amin ni Angel. Siya lang ang alam ko. Gusto niyang kunin si Angel. Hindi ko papayagan yun! Magkakamatayan muna kami bago niya makuha si Angel!" Nagtagis ang bagang ko.

"Kailangan mong mag-ingat brod. Ayon sa pinsan ko miyembro ng terorista ang asawa ni Angel. Madaming koneksyon ang lalaking yun." pagpapaalala sa akin ni Logan.

"That's what I am doing right now. Pinalagyan ko na din ng security ang paligid ng bahay ko. Kaya kampante akong hindi magagalaw si Angel. I need to protect her with her husband." tinapik ni Logan ang balikat ko.

"Talagang mahal na mahal mo si Angel. Pero sana naman mag-iwan ka kahit kaunti para sa sarili mo. Remember walang matandaan si Angel sa ngayon. What if makaalala na siya. Posible na bumalik siya sa asawa niya. We don't know what will happen." napabuntong hininga ako. Alam ko naman yun. Pero umaasa ako na hindi mangyayari na babalik si Angel sa asawa niya. Sa kabila ng ginawa nito sa kanya. Hindi makatao!

Narinig kong nagring ang phone ko. Sinagot ko ang tawag.

"Hello."

"Sir, may mga taong gustong pumasok dito sa bahay. Napapalaban po kami ngayon Sir!" sabi ng Security na nagbabantay kay Angel.

Barako Series #10  You're my Angel(Titus Nieves Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon