TITUS
Naging maayos naman ang kalagayan ni Donnabel . Pinangalanan ko siyang Donnabel dahil wala na akong maisip. Pangalan ito ng kapatid kong babae na namatay. Hanggang ngayon hindi pa nito maalala ang pangalan o kahit sino sa pamilya niya. Sumailalim siya sa phsychological treatment dahil sa naranasan nitong trauma. She always had a bad dream. Minsan nahuhuli ko siyang umiiyak at takot na takot. Noong una naghi-hysterical pa ito kapag nananaginip. Kaya tinuturukan namin siya ng pampakalma.
Dito ko na siya pinatira sa bahay ko. Kumuha na rin ako ng private nurse niya para tingnan siya, if ever na nasa trabaho ako. So far, nagiging maayos na siya. Paminsan na lamang ito nagkakaroon ng episode. Kaya todo alalay ako sa kanya.
Pagkapasok ko ng bahay nakita ko siyang nakaupo sa sofa at tila may hinihintay.
"Donnabel, I'm home!" anunsiyo ko. Napatingin ito sa akin. Malawak na ngiti ang binigay niya sa akin. Tumayo ito para lapitan niya ako. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila patungong sa kusina. Nagpatinaod na lang ako.
"Halika! Nagluto ako ng dinner mo," masayang sabi nito. Natutuwa ako dahil hindi na siya takot sa akin. Noong una ilag na ilag siya lalo kapag hinahawakan ko siya. I asked her doctor kung bakit ganoon ang reaction niya, whenever I am near with her. According to the Doctor she suffered a traumatic incidents in her life. Like she was battered or she was raped. That 's why she reacted that way. Kaya as much as possible iniiwasan kong hawakan siya unless siya ang hahawak sa akin. When I laid my eyes on her I feel I have an obligation to her.
Napangiti ako nang makita kong may mga nakahain ng pagkain. May dalawang putahe ang nandoon.
"Oh, you cooked all of this?" I asked her. Pinaupo na niya ako sa upuan. Kinuha nito ang plato at inilagay sa harapan ko.
"Yes, I hope you like it." Kimi itong napangiti.
"You know how to cook?" tanong ko uli.
"Baka nga marunong ako. Kasi bigla ko na lang naisip ang putahe na iyan," sabi nito.
"Mukhang masarap, ah?" I smelled the dish.
"Ang sarap ng amoy. Mukhang mapapadami ang kain ko nito." Napatingin ako sa kanya dahil nakatayo ito sa tapat ko. Nakatingin siya sa akin.
"You can join me here. Ayoko namang mag-isa akong kumakain. Come on." I invite her. Atubili pa ito kung uupo siya at makikisalo sa akin.
"Okay, lang ba?" tanong nito sa akin. Napakunot ako ng noo. I nodded at her. She hesitantly sat down opposite me. I smiled at her to show that it is okay.
I put rice on her plate. She looked at me as if I had done something she didn't expect me to do.
"Bayad ko sa pagluluto mo," sabi ko na lamang.
While eating I couldn't help but stare at her. At any angle she still beautiful. Although she even had a scar on her left cheek due to her accident. She manages to be beautiful.
"M-may problema ba?" She asked me when she noticed me staring at her. I shook my head.
"Ang sarap ng luto mo. Siguro chef ka, no?" She smiled for my compliment. Umiling ito.
"S-Salamat," sabi nito.
I know she felt awkward. So I lighten the situation. I tell about what I do at work.
I remember whenever we're in war. Minsan may mga joke kaming nakahanda kahit ang corny sige pa rin for past time lang. Mahirap ang buhay sa malayo, lalo sa labanan. Buhay ang nakasalalay sa amin.
"May joke ako," sabi ko sa gitna ng pagkain namin. Napaangat ito ng tingin. Napapangiti ito sa akin.
"Ano namang joke iyan?" tanong nito. Napahinto pa ito sa pagsubo.
BINABASA MO ANG
Barako Series #10 You're my Angel(Titus Nieves Story)
DiversosNa love at first sight si Titus Nieves sa babaeng natagpuan nilang walang malay sa isang labanan. Ngunit ng magising ang babae hindi nito matandaan ang nakaraan o kahit ang pangalan nito. Sadyang mapaglaro ang tadhana. Bumalik ang alaala nito nguni...