TITUS
DALAWANG linggo mula nang bumalik sa pamilya niya si Angel. Kaya nangungulila ako ngayon. Nasanay na kasi ako kapag uuwi ako at sasalubungin ako ni Angel. Pinagluluto niya ako ng hapunan at sabay kaming kumakain. Nakaramdam ako ng pangungulila. Ayaw ko man na iwan siya roon wala naman akong magagawa. Pamilya niya yun. Ano ba naman ako?
Pagkapasok ko ng gate binati ako ng mga security guardd. Tinanguan ko sila bilang tugon. Wala ako sa sariling pumasok sa silid ni Angel. Pagkabukas ko ng pinto bumungad sa akin ang malinis na silid. Walang bakas nang kahit ano sa higaan. Maayos ang pagkakasalansan ng mga unan at walang lukot ang bedsheet. Ibig sabihin walang humiga roon. Napatawa ako sa sarili ko.
Obvious naman dahil wala si Angel dito. Dumiretso ako sa kama at humiga. Ninamnam ko ang kamang hinihigaan ni Angel. Inamoy ang bedsheet, nandoon pa rin ang amoy ni Angel. I miss her. Sinadya kong hindi labhan ang bedsheet para nandito pa rin ang amoy niya.
Napaangat ako ng ulo nang makarinig ng ingay mula sa ibaba. Bumangon ako para tingnan kung sino. Pagkababa nakarinig ako ng ingay sa kusina kaya nagpunta ako roon.
"Angel?" Tawag ko sa kanya nang makita ko siyang nakatayo sa harap ng ref. Napalingon ito sa akin.
"Anong ginagawa mo rito? Dapat sinabi mo sa akin na pupunta ka pala rito. Nasundo sana kita?" Nilapitan ko siya at hinapit sa beywang nito.
"Gusto ko kasing i-surprise kita. Pumayag naman sila Mommy na pumunta ako rito. Don't worry hinatid ako nila Daddy." Kinintalan ko ng halik ang kanyang noo.
"I miss you, sweetheart." Niyakap ko siya ng mahigpit. Natawa si Angel sa ginawa ko.
"Parang isang taon mo akong hindi nakita, ah? Kung makayakap ka halos hindi na ako makahinga."
Kumawala ako ng pagkakayakap, pero hindi ko tuluyang binitiwan ang beywang niya.
"Eh, kasi na-miss ko ang luto mo. Na-miss ko ang amoy mong sinigang," biro na sabi ko. Hinampas niya ang dibdib ko.
"Totoo naman? Ang palaging niluluto mo ay sinigang. Kaya kinikilig ako sa asim." Natatawa kong biro. Napanguso si Angel sa sinabi ko.
"Gustong-gusto mo naman ang sinigang ko. Ang dami mo ngang kinakain kapag yun ang niluluto ko," sabi niya.
"Masarap ang luto mo. Parang bumabata ako kapag kumakain ng sinigang mo." Nagkatawanan kami.
"Ano ang iluluto mo pala, sweetheart?" Tiningnan ko ang mga gulay na nasa ibabaw ng counter top.
"Magluluto ako ng pot roast beef. Magugustuhan mo ito. Baka magiging pangalawang paborito mo na ito," nakangiting sabi nito. "Umupo ka muna riyan habang nagluluto ako."
Sinunod ko ang utos niya. Umupo ako para panoorin ang ginagawa niya.
"Saan mo natutunan ang pagluluto ng pot roast beef?" tanong ko.
"Kay Mommy. Madalas kasing yan ang niluluto niya. Tinuruan niya akong magluto." Nakangiting sabi nito. Nai-imagine ko kung paano niya ako alagaan kapag mag-asawa na kami. She is a hands on wife, sigurado ako diyan. Hindi man maganda ang nakaraan niya, pero nakikita ko sa kanya ang pagbabago. She is trying to change herself, and I accept her, whatever her past. Hindi naman mahalaga ang nakaraan sa akin. Ang mahalaga sa akin ang kasalukuyan.
"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ni Angel. Napangiti ako.
"I'm just happy, nandito ka," sabi ko. Tinitigan niya ako na parang hindi naniniwala. Kinuha ko ang kanyang dalawang kamay. "I'm telling the truth, swetheart. Napakalungkot ng araw ko nang wala ka rito sa tabi ko," malambing na sabi ko. Kinurot niya ang tagiliran ko kaya natawa ako.
BINABASA MO ANG
Barako Series #10 You're my Angel(Titus Nieves Story)
DiversosNa love at first sight si Titus Nieves sa babaeng natagpuan nilang walang malay sa isang labanan. Ngunit ng magising ang babae hindi nito matandaan ang nakaraan o kahit ang pangalan nito. Sadyang mapaglaro ang tadhana. Bumalik ang alaala nito nguni...