Chapter 11

3.6K 153 7
                                    

ANGEL

NAGISING ako sa isang silid na hindi pamilyar sa akin. Inaninag ko ang taong natutulog sa sofa.

"Titus. . ." Mahina kong tawag dito. Napabalikwas ng bangon si Titus . Nakakahanga dahil halos bulong lang ang nasambit ko, pero narinig pa niya ang tawag ko.

"Sweetheart, maayos na ba ang pakiramdam mo?" Hinawakan niya ang braso ko. Para akong nakuryente sa paghawak niya sa akin. Nailayo ko ang braso ko. Natigilan naman si Titus sa ginawa ko.

"I-I remember everything." Naluha ako nang maalala ang mga nangyari sa akin noon. I feel helpless and so broken. Masakit dahil nag-iisa ako, wala akong mahingan ng tulong dahil itinakwil ako ng sarili kong pamilya. Kasalanan ko naman kaya ginawa ng pamilya ko sa akin yun. Naging masama akong anak at kapatid sa kakambal ko. Ito ang naging karma ko sa mga nagawa kong kasalanan sa kanila. "Titus, I am a bad person. I hurt my sister and told several lies to my family. I even faked my death. I-I killed someone. Siya ang ipinalit ko para palabasing patay na ako." Kwento niya habang naluluha.

That's what I need to do to get away from him. He is a demon person. Nagsisisi akong siya ang minahal ko. Pinagpalit ko ang pamilya ko para lang sumama sa kanya. Pero mali pala ang naging desisyon ko. Naging impyerno ang buhay ko sa kanya. He is a terrorist leader. He raped me many times. Hindi ko masikmura ang ginagawa niya sa akin. Pinagamit niya rin ako sa mga kasama niya. Napahagulgol ako ng iyak. Naramdaman ko na naman ang sakit at takot na sa dibdib ko.

"No, you're not. Walang perpektong tao. We made mistakes even me. I am not a good person too. Don't blame yourself, sweetheart." Sabi ni Titus.

"I don't want to go back there anymore. Please Titus ilayo mo ako sa asawa ko. Ayoko siyang makita natatakot ako sa kanya." Hinawakan ko ang kanyang kamay. Tumango si Titus bilang pagsang-ayon.

"Kahit hindi mo sabihin I will protect you. Itataya ko ang buhay ko para lang hindi ka niya  makuha. I promise you that." Ngumiti ito. 

Napakabuti niya kahit hindi man kami magkadugo pero pinakita niyang may halaga ako. Napayakap ako sa kanya.

"Salamat Titus makakabawi rin ako sa iyo pagdating ng panahon," sabi ko.

NAGULAT ako ng makita ko si Logan ang pinsan ni Noah. Hindi ko alam kung kakausapin ko siya. Nahihiya ako sa lahat ng mga nagawa ko dati. Alam kong may alam siya sa mga ginawa ko.

" Kumusta ka na Angel." Tanong nito. Napayuko ako

" I-i'm okay Logan." Sagot ko.

" Don't worry hindi ko sasabihin kay Heaven na buhay ka at alam ko kung nasaan ka. Iginagalang ko ang kagustuhan mong huwag munang magpakita." napatingin ako kay Logan. Mapakla akong napangiti. Gusto ko silang makita pero hindi pa sa ngayon. Gusto ko munang ayusin ang sarili ko.

I was broken na tipong pati kaluluwa ko ay nawasak na rin. Sobra ang naging kasalanan ko na pinagbabayaran ko na. Sobra pa nga ang naging kabayaran. 

Napaluha ako dahil pati sarili kong kapatid nagawa kong saktan. Deserve ko ang nangyari sa akin. This is my karma. 

 I faked my death, Logan. Gusto kong makatakas sa asawa ko. Impyerno ang naging buhay ko sa kanya." Napahinto ako sa pagsasalita. Naramdaman ko na naman ang sakit na idinulot sa piling niya. Pumatak ang luha ko sa mga mata.

"We're here to help you, Angel. Hindi namin hahayaang malapitan ka ng asawa mo. Dapat siyang magbayad sa ginawa niya sa iyo. What he did to you is inhuman. I can't believe it." Ipinahid ko ang luha ko sa pisngi.

"Napakademonyo niya. Siya ang lider na nagpapasabog sa mga iba't ibang lugar sa Mindanao. Madami siyang mga tauhan. May mga opisyal na nasa gobyerno ang kakampi nila. Sila ang nagbibigay ng mga armas at pera para sa kanilang agenda. I will help you Logan magbibigay ako ng mga information about sa mga plano nila," sabi ko.

Barako Series #10  You're my Angel(Titus Nieves Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon