Chapter 19

3.6K 161 24
                                    

ANGEL

NAPATITIG ako sa anak kong si Zion. He looks like Titus than me. Nandito kami sa garden, pinaarawan ko siya. Maganda raw sa baby ang araw kapag 6:00 AM hanggang 7:00 AM. Hindi ganoon  kainit ang sikat ng araw. Napatingin ako sa dumating.

Ang aga naman yatang pumunta nitong hardinero ni Mommy, 6:30 pa lang ng umaga.

"Magandang umaga po, Senyorita," bati nito sa akin. Napasulyap ito sa anak ko. Napangiti pa nga siya.

"Napakaguwapo naman po ng anak niyo, Senyorita," sabi nito.

Ngumiti lang ako. Nagpaalam na rin na may aayusin sa kabilang parte ng hardin. Ewan ko kung bakit kapag nasa malapit ang hardinero namin tila may takot akong nararamdaman. Hindi ako komportable na malapit lang siya. Napasulyap ako sa anak kong nakatulog.

Nagpasya na akong pumasok sa loob. Tama na siguro itong kinse minutos na pagpapaaraw. Papadedihin ko pa sya dahil kanina pa siya dumede sa akin.

Every time na nasa malapit sa akin ang bago naming hardinero hindi ako mapalagay at takot ang namamayani sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Baka napapraning lang ako dahil sa kaiisip na baka isang araw nasa harapan ko na si Abraham. Kilala ko siya, hindi titigil iyon hangga't hindi niya ako nakukuha. Natatakot ako sa mangyayari lalo at may anak na akong dapat protektahan.

"Anak, aalis na muna ako kailangan kong bumili ng mga kagamitan dito sa bahay. Ikaw na munang bahala rito. Nandiyan naman ang ibang mga bodyguard." Paalam sa akin ni Mommy.

"Sige po, Mommy. Ingat po kayo," saad ko. Hinagkan ko ang pisngi niya bago siya umalis. Naiwan kami rito ng anak ko. Wala rin si Daddy dahil bumalik ng Manila dahil inasikaso nito ang negosyo namin doon. Nahihiya na nga ako sa kanila dahil imbes na makapag-enjoy pa ang magulang ko, ako ang iniintindi nila. Masyado na akong pabigat sa kanila.

Nang mapatulog ko na ang anak ko. Inasikaso ko namang ayusin ang kusina at maglalaba pa ako ng mga damit namin ng anak ko. Wala kaming tiga laba ngayon dahil Sabado nag-uwian sa kanya kanya nilang pamilya ang mga katulong namin. Kaya ako muna ang maglilinis at maglalaba ng damit namin.

Habang naghuhugas ng pinggan nakarinig ako ng kaluskos sa sala. Binitawan ko muna ang hinuhugasan kong plato at nagpunas ng kamay. Nagpunta ako ng sala upang silipin kung nagising na ang anak ko. Napahinto ako ng paglalakad nang makita ko si Jose ang hardinero naming titig na titig sa natutulog kong anak na nasa kuna.

"A-Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. Inilang hakbang ko ang kuna ng anak ko. Tiningnan ko ang anak ko kung nagising. Nakahinga ako nang maluwag, mahimbing pa ring natutulog ang anak ko.

"Pasensya na po, Senyorita. May itatanong lang po sana ako kaya pumasok na ako. Narinig kong umingit ang anak niyo kaya nilapitan ko." Wika nito. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya. Kita ko kung paano niya katiim titigan ang anak ko.

"Ano ba ang itatanong mo?" Iritable kong tanong. Hindi talaga ako komportable sa lalaking ito. Pakiramdam ko may gagawing hindi maganda sa amin kahit na maganda naman ang pakikitungo niya. Napasulyap ako sa labas, nakatingin sa amin ang bodyguard na kinuha ni Daddy kaya kampante ako na walang mangyayari sa aming masama kung sakaling gumawa ng hindi maganda itong si Jose.

"Iyong puno sa malapit sa fountain masyado ng mayabong, puputulin ko na ba yun, Senyorita?" Tanong niya.

"Sige putulin mo na kung nakakasagabal sa daan ang mga sanga niya." Saad ko. 

Napasulyap akong muli sa anak ko. Tumango si Jose at umalis na. Nakahinga ako ng lauwag nang nakaalis na siya. Hindi talaga ako kampante na kasama siya rito sa bahay. 

TITUS

HABANG hinihintay ang flight hindi ko maiwasang ma-excite na makitang muli si Angel. Naalala ko na lahat. Bigla na lamang nag-flashback sa akin. Nang minsang may maamoy akong pamilyar sa akin nang pumunta ako ng bahay nila Logan dahil nagluto ng sinigang si Danica.

Barako Series #10  You're my Angel(Titus Nieves Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon