Chapter 7

3.6K 152 6
                                    

TITUS

"Kumusta si Angel?" napatingin ako kay Logan. Bumuntonghininga ako.

"Nagkakaroon pa rin siya ng episode. Naawa ako sa kanya kapag umiiyak at nagsisigaw. She was pleading. I want to kill whoever did it to her. Logan, she was a raped victim. Kung malalaman mo ang finding ng doktor sa kanya. Masasabi mong buti naka-survive pa sya sa naranasan nyang hirap." Kumuyom ang kamao ko.

"She was raped?" Napaawang ang labi ni Logan sa sinabi ko. Nagtagis ang bagang nya.

"Hindi lang yun, brod, pinahirapan sya. She has healed wounds on her back and also sa mga kamay nya. She also had lacerations to her private part. Parang may ipinasok na kung ano. Napakahayop ng gumawa nun sa kanya. Kaya pananagutin ko kung sino man ang gumawa nun sa kanya. Kaya ayaw ko pang ibalik si Angel sa pamilya niya. Alam kong mali pero ito lang ang alam kong tama para maging ligtas sya. Hindi ko hahayaang may manakit sa kanyang muli. Ako mismo ang papatay sa kanila." Nagtagis ang bagang ko. Napakahayop ang ginawa nila. Hindi makatao.

"Hindi ko alam ito. Ang alam ko lang sumanib sa rebelde si Angel. Mayroon syang hindi magandang reputation noon. Hanggang doon ang alam ko. Nakita sya ng pinsan ko, ang asawa ng kakambal nya sa isang engkwentro ng mga rebelde sa Zamboanga. Hindi ko akalain na ganun ang naranasang hirap ni Angel sa kamay ng mga rebelde," sabi ni Logan.

"Hindi niya matandaan ang lahat ng nangyari pati na ang buo nyang pagkatao. Kapag pinipilit nyang alalahanin ang lahat sumasakit ang ulo niya," sabi ko.

"So, hindi mo muna isu-surrender sa pamilya niya si Angel? Pero brod, mas kailangan sya ng pamilya nya ngayon. Maybe they can help Angel to get better. Alam mo bang sobrang nag-aalala na sila. Nakokonsensya ako sa tuwing nakikita ko si Heaven. Kasi nagsisinungaling ako sa kanya."

"I'm so sorry, Logan, dahil nadamay ka pa rito. Pero hindi ko susundin ang kagustuhan mo. Huwag kang mag-alala kung maayos na sya, pangako ibabalik ko si Angel sa pamilya nya. But not now," sabi ko.

"Brod, matanong kita. Do you like Angel?" Tanong ni Logan sa akin. Tumango ako.

"Una ko palang siyang nakita. Nabighani na ako Logan. Hindi ko alam nakaramdam na lamang ako ng kakaiba sa puso ko." Napangiti si Logan sa sinabi.

"Naks, brod in love ka na nga! Sa wakas tumibok na muli ang puso mo! Pero brod may asawa si Angel. Hindi mo sya puwedeng angkinin dahil nakatali na sya sa iba," sabi ni Logan.

" I know." Malungkot na tugon ko. Masakit sa part ko na may ibang mahal si Angel. Masama itong naiisip ko. Hinihiling ko kasi na hindi na makaalala si Angel at sa akin na lamang sya. Alam kong makasarili ang nasa isip ko. Pero ano naman ang magagawa ko mahal ko sya. Ayokong malayo sya sa akin.

GABI na ako nakauwi dahil sa pakikipagkwentuhan kay Logan. Uminom lang din kami ng kaunti dahil nakabantay ang asawa ni Logan na si Danica. Takusa kasi itong kaibigan ko. Nakakatuwa nga sila sa kabila ng pinagdaanan nilang unos sa pag-iibigan nila. Sila pa rin ang nagkatuluyan.

Pagkapasok ko ng bahay napansin kong magulo ang living room. Kinabahan ako kaya nagmadali ako para puntahan si Angel sa silid nito.

"Sweetheart!" Tawag ko kay Angel. As much as possible hindi ko sya tinatawag sa tunay nitong pangalan. Pagkabukas ng pinto nakita ko si Angel na nasa isang sulok at nanginginig sa takot.

"Sweetheart, anong nangyari?" napaangat ng tingin si Angel. Puno ng luha ang kanyang maamong mukha. Nadudurog ang puso ko kapag nakikita ko syang umiiyak.

" Nakita ko sya! Ayoko syang makita natatakot ako! Papatayin nya ako!" umiiyak nasabi nito. Hinawakan ko ang kanyang balikat.

" Sinong sya?" tanong ko.

" Yung lalaki na palaging nasa panaginip ko. Kukunin nya ako! Ayoko sa kanya! Titus umalis na tayo rito pumunta tayo sa malayo," sabi nito. Napayuko si Angel at itinago ang mukha sa kanyang tuhod.

Tumayo ako upang tingnan ang buong kabahayan. Wala naman kahina-hinala sa buong bahay. Naka-lock naman ang mga bintana pati ang pinto sa kusina. Tanging living room lang ang magulo. Nagkalat ang mga throw pillow at may basag na vase na nakapatong sa center table. Nagpasya akong bumalik sa taas.

"Nakita mo sya? Paalisin mo ang lalaki! Kukunin nya ako Titus! Ayoko sa kanya! Ayoko!" umiling iling ito. Humagulgol nang iyak si Angel. Napayakap ako nang mahigpit sa kanya. Masakit sa akin na naririnig ko sya kung paano tumangis.

"You're safe now sweetheart. Hinding hindi ka magagalaw ng lalaking yun. I promise to you." pagpapanatag ko sa kanya.

Kailangan kong tawagan ang Doktor ni Angel. Lately kasi nanaginip na naman sya. Palagi nyang binabanggit ang isang lalaki. Hindi kaya ito ang asawa nya? Baka isang battered wife si Angel. Hindi ba obvious? Kaya nga labag na sa loob kong ibalik sya sa pamilya nya. Ayokong bumalik sya sa asawa nya.

DINALA ko si Angel sa kanyang Doktor. Buti hindi naman sya tumanggi. Sinabi ko naman na makakatulong ito upang maging matatag sya at hindi matakot muli.

Naiwan ako sa labas ng clinic ni Dra. Magdangal. Sana naman maging maayos na si Angel. Ayoko syang umiiyak ako mismo ang nasasaktan kapag nakikita ko siyang umiiyak. Napalingon ako sa taong pumasok ng clinic. Nakasuot ito ng hood at nakasuot ng shade. Kausap nito ang Secretary ng Dra. Napatitig ako sa lalaki at hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Naririnig ko ang usapan nila ng Secretary. Nagtatanong ang lalaki kung sino ang pasyente ni doktora nasa loob. Napatayo ako ng babanggitin na ng Secretary ang pangalan ni Angel. Hindi ko alam parang kinukutaban ako ng masama.

"Ah, Miss," tawag ko sa Secretary ni Dra. Magdangal. Napatingin sa akin ang lalaki. Bigla itong nagpaalam na aalis muna.

"I have to go. I'm going back later," sabi nito. Napakunot ako ng noo. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking ito. Napatingin ako sa kanyang braso na puno ng tattoo. Napatutok ang mata ko sa isang tattoo nito na angel na kulay puti at may letter A na nasa tabi nito. Napasunod ang tingin ko ng lumabas na ito ng clinic.

"Do you know that guy?" tanong ko sa Secretary.

"Hindi ko po kilala. Nakakapagtaka nga po dahil palagi rito nagpupunta para lang tanungin sino ang pasyente ni Dra. Napansin ko po every time nandito kayo nandito rin ang lalaking yun." Kinutuban na ako ng masama sa taong yun. Hindi kaya kilala nya si Angel? Kailangan kong mag-doble ingat ngayon. Nasa panaganib si Angel nararamdaman kong malaki ang koneksyon nito sa lalaking yun.

Lumabas na si Doktora.

"Dra. kumusta po ang kalagayan nya?" tanong ko. Napatitig sa akin ang Dra.

"She is not really okay, Titus. Bumabalik muli sa kanya ang mga traumatic incidents that happen to her before. That is why nagkakaroon sya ng takot muli. She may experience distress as a result she feels threatened, anxious, and frightened. She mentioned a man that she always in her dream. She said she saw it in your house. She describes it. Madami raw itong tattoo sa katawan." Sabi ni Dra. Magdangal.

Hindi kaya ang lalaking nagpunta rito ang lalaking palaging nasa panaginip ni Angel? Kailangan kong mailipat ng ibang lugar si Angel. Hindi na sya ligtas.

Copyright©2019All Rights ReservedBy coalchamber13

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Copyright©2019
All Rights Reserved
By coalchamber13

Barako Series #10  You're my Angel(Titus Nieves Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon