Chapter 22

3.4K 151 17
                                    

TITUS

HALOS lumabas sa loob ng dibdib ko ang puso ko dahil sa bilis ng tibok. Nasa byahe na kami papunta sa Batangas. Na-trace na namin ang lugar kung saan si Abraham.

Pinagdarasal kong walang ginawang masama si Abraham kay Angel. Dahil kung mayroon man baka makalimutan kong may batas. Ako mismo ang hahatol sa kanya ng kamatayan. Kahit makulong pa ako mapatay ko lang ang lalaking iyon.

"Relax ka lang, brod. Maliligtas natin si Angel." Pagpapanatag sa akin ni Logan. Ayoko na sana siya isama dahil delikado. Ayokong magalit sa aki si Danica kapag may nangyaring masama kay Logan.

"Hindi ko maiwasan brod na mangamba sa kaligtasan ni Angel. You know Abraham, he's evil." Napakuyom ako ng kamao. Nanginginig ang kalamnan ko sa galit sa lalaking iyon. Inakbayan ako ni Logan.

Narating namin ang lugar. Nakipag-coordinate muna kami sa mga pulis sa pinuntahan naming lugar bago naming puntahan ang hideout ni Abraham. Nalaman naming sinusurveillance na pala ng mga pulis iyon. Dahil may mga hindi pangkaraniwang gawain ang mga nakatira roon. May mga ilegal na armas na dinadala sa lugar na iyon. Ayon sa Intelligence report dinadala iyon papuntang Mindanao para i-distribute sa mga kaanib nilang terorista. Madali na lang nilang ibyahe ang mga kargamento dahil malapit ito sa dagat.

Tama ang pagpunta namin dahil ngayon din ang reyd ng mga pulis sa lugar. Nagbilin ako sa pulis na may hawak na hostage ang suspect nila. Dinala ko ang baril ko in case na mapalaban ako, may gagamitin akong pananggalang.

"Ready na brod?" Tanong ni Logan na machong-macho sa suot niyang pangsundalo. Tumango ako. Tinungo na namin ang hideout ng mga terorista. Kasama namin ang pulis na magre-raid sa lugar.  Hindi maalis sa dibdib ko ang kaba at takot para sa kaligtasan ni Angel.

ANGEL

GULAT ang rumehistro sa mukha ko nang makita ang tatlong bata at sinabi ni Abraham na sila ang anak ko.  

Marahas akong napatingin kay Abraham na may mapaglarong ngiti sa kanyang labi.

" Patay na ang mga anak ko. Sino sila?!" Paanong nangyaring buhay sila? Napngisi lang ito.

"Mama.. Mama..Mama.." sabay sabay nilang bigkas. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa narinig sa kanila. 

" Hindi naman ako masama dahil kilala ka pa rin nila. Kung gugustuhin ko, itatanim ko sa isip nilang wala ka na." Nag-igting ang panga ko. Ang kapal ng mukha niyang sabihing mabuti sya. Bakit kailangan niya pang gumamit ng mga inosenteng bata para lang paniwalaang nagbago siya at babalik ako sa poder niya. Hindi ko gagawin iyon dahil masaya na ako kay Titus. 

"Ibigay mo sa akin ang mga anak ko! Napakasama mo! Ano ang ginawa ko sa iyo para gawin mong lahat sa akin ito! Minahal kita Abraham. Lahati binigay ko pero wala akong mabuting napala sa iyo." Umiiyak na wika ko.

Nag-iba ang mukha ni Abraham naging mabalasik na parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Ako ang asawa mo kaya may karapatan akong gawin kung anong gusto ko! Walang makikinabang sa iyo kung hindi ako lang, wala ng iba! At yang Titus na ipinagmamalaki mo malapit na niyang makaharap si Satanas at ang impyerno!" Napaawang ang labi ko. Hindi maaring idamay niya pati si Titus dito.

"Please, h-huwag mong idamay si Titus. Sasama ako sa iyo just leave him alone." Nagmamakaawang wika ko sa kanya. 

"Kung tutupad ka sa usapan madali naman akong kausap. Kung susuwayin mo ako alam mo na ang mangyayari. Masama akong magalit mahal kong asawa." Anito. Napatango ako. Napasulyap ako sa triplets, nakatingin sa akin. Takot ang nakikita ko sa kanilang mga mata. 

"P-Puwede ko bang mayakap ang mga anak ko?" Tanong ko sa kanya. 

Gusto kong iligtas ang tatlong batang ito. Kailangan ko ng magpanggap. Kusang binitawan ni Abraham ang triplets. Nagtatakbo ang tatlo sa akin. Napayakap ako sa kanila. Nang mayakap ko ang tatlo nakaramdam ako ng kakaiba sa puso ko. Kusang pumatak ang luha ko sa mga mata. hindi ko maintindihan kung bakit parang may masakit sa puso ko habang yakap ang tatlo.

Barako Series #10  You're my Angel(Titus Nieves Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon