ANGEL
May tumawag sa kanyang phone. Number lang at walang nakarehistro sa phonebook ko. Hindi ko man alam kung sino ang tumatawag sinagot ko ang tawag.
"Hello," Sagot ko. Matagal bago magsalita ang nasa kabilang linya.
"Hi mahal kong asawa." Nanigas ang katawan ko nang marinig ang boses na iyon na ayaw na niyang marinig. Boses pa lang niya isang bangungot na sa akin. Nanginig ang kamay kong may hawak na phone.
Nilakasan ko ang loob na harapin na ang taong kinasusuklaman niya at kinatatakutan kahit nanghihina ang kanyang mga tuhod.
"Anong kailangan mo sa akin? Please, tigilan mo na ako. Tahimik na ang buhay ko. A-Ayoko ng bumalik sa iyo." Pakiusap ko.
Ang kaninang luha na nasa gilid lang ng kanyang mga mata ay nagsilaglagan na. "Ano bang gagawin ko para tigilan mo na ang pamilya ko?" Dagdag ko pa. Nangilabot ako ng tumawa si Abraham.
"You're asking if what I actually wanted? Paano kung sabihin kong ikaw ang kailangan ko. My Angel, believe me when I say I want you in my life. Don't worry hindi na kita sasaktan. Magpapakalayo tayong dalawa. Walang makakasunod sa atin doon. I want to start a new life again with you. Naghihintay na ang mga anak natin."
Napatakip ako ng tainga. Napailing ako. Nabitawan ko ang phone. Napaiyak ako. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya. Pinatay niya ang mga anak namin. Paanong naghihintay sila sa akin?
Napaupo ako sa sahig habang humahagulgol.
"Diyos ko anak!" Narinig kong sigaw ni Mommy.
"Mommy... Mommy..." Iyak ko na halos hindi ko na mabanggit ng maayos ang salita ko. Napayakap sa akin si Mommy.
"A-Ang m-mga anak ko." Ang tangi kong nabanggit nang nawalan ako ng malay tao.
TITUS
NAPASUGOD ako sa ospital kung saan na-admit si Angel.
"Ano pong nangyari kay Angel?" Tanong ko sa Mommy niya.
"Naabutan ko na lang na umiiyak si Angel habang nakaupo sa sahig. May binanggit siyang mga anak. H-Hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin niya. Iisa pa lang naman ang anak niyo." Umiiyak na wika ni Tita.
Hinagod ko ang kanyang likod. Wala ng katapusan itong pagdurusa ni Angel dahil lang sa lalaking iyon. Papatayin ko siya oras na magkrus ang landas namin. Hindi ko siya bubuhayin kahit makulong pa ako. Para matahimik na si Angel.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Kahit buhay ko itataya ko para sa kanila ng anak ko. Nakatulugan ko na ang pagtitig sa mukha ng aking si Angel. Nagmulat ako ng mata. Kinapa ko siya ngunit wala akong nakapa. Nag-angat ako ng ulo. Nangunot ang noo ko dahil wala si Angel. Tumayo ako upang pumunta ng CR ngunit walang tao roon. Napansin ko ang tubo ng dextrose na nakalaylay. Kinutuban ako kaya lumabas ako ng silid. Hinanap ko siya sa labas ngunit bigo akong makita siya. Nagtanong ako sa isang guard ngunit wala naman daw silang napansing naka-hospital gown na lumabas.
Kinuha ko ang phone para tawagan ang magulang niya.
"Hello, Titus. Bakit napatawag ka?" Tanong ng Mommy ni Angel.
"Wala po si Angel sa silid. Hinanap ko siya ngunit wala pong nakakita."
"Diyos ko! Saan naman pumunta ang batang yun? Alam naman niyang delikado sa kanya dahil hindi pa nahuhuli si Abraham. Pupunta ako riyan."
"Ako na pong bahala maghanap sa kanya. Huwag na po muna kayong pumunta rito. Baka mas lalong delikado." Tinapos ko ang tawag.
I asked the security of the hospital kung mayroon CCTV. Sabi ng pinaka OIC ng security meron daw. Pina-check ko ang bawat kuha ng CCTV sa araw na ito.
BINABASA MO ANG
Barako Series #10 You're my Angel(Titus Nieves Story)
RandomNa love at first sight si Titus Nieves sa babaeng natagpuan nilang walang malay sa isang labanan. Ngunit ng magising ang babae hindi nito matandaan ang nakaraan o kahit ang pangalan nito. Sadyang mapaglaro ang tadhana. Bumalik ang alaala nito nguni...