Chapter 23

3.3K 154 16
                                    

TITUS

"They are now in a stable condition. Good thing nasugod niyo agad sa ospital. Hindi pa kumakalat ang lason sa katawan nila," wika ng doktor na  kinalugod ko.

Abraham injected them with poison, bago ako nakapasok sa loob ng silid na iyon. Akala ko iiwan na ako ni Angel. Ang malaking katanungan sa akin. Sino kaya ang mga batang kasama niya?

"Brod, kumusta na si Angel?" Tinapik ni Logan ang balikat ko. Napasulyap ako sa malaki niyang muscle sa balikat na may benda. Nadaplisan kasi ng bala.

"Sorry brod, nadamay ka pa sa problema ko. Napagalitan tuloy ako ni Danica." 

Tumawag sa akin si Danica kanina, sinermunan niya ako. Dapat daw sa pulis ako humingi ng tulon atg hindi kay Logan. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Hindi naman trabaho ni Logan na samahan pa ako roon.

"Wala yun brod. Kung ako naman ang hihingi ng tulong ganoon din ang gagawin mo. Ano pa't magkaibigan tayo. Walang iwanan." Napangiti ako. Siyang tunay. He is my best friend sa hirap at ginhawa. Nagtapikan kaming dalawa. Napangiwi si Logan nang masanggi ko ang kanyang balikat na may tama.

Tapos na ang kalbaryo namin kay Abraham dahil sa madaming tama ng baril hindi na ito umabot sa ospital. Kung mayroon man akong kakaharaping kaso tatanggapin ko naman iyon. I only did it to protect myself. In any case, he deserves it.

ANGEL

NAGMULAT ako ng mata. Napabangon ako nang maalala ang nangyari. Hinanap ng mata ko ang tatlong batang kasama ko. Ngunit wala sila. Napatingin ako sa paligid. Nangunot ang noo ko dahil hindi ito ang silid kung saan sila natulog.

Kinabahan ako. Baka   may ginawang masama si Abraham sa tatlo. Bumaba ako sa kama upang hanapin ang tatlong bata. Bago pa ako makalalapit sa pinto bumukas iyon. Pumasok si Titus. Nagkatinginan pa kami at ilang segundong nagtitigan. 

"Sweetheart! Oh my god, you are awake!" Sinugod ako ni Titus ng mahigpit na yakap. Hindi ko napigilang mapaluha sa saya. Nakita ko na si Titus. Kumawala sa pagkakayakap si Titus. Hinawakan niya qng magkabila kong balikat.

"May ginawa bang masama sa iyo si Abraham?" Pag-aalalang tanong nito.  Umiling ako. Pinahid niya ang luha ko.

"N-Nasaan ang kasama kong tatlong bata?" tanong ko kay Titus. 

"They're okay now. Nasa kabilang silid sila. Kaya mo na bang tumayo. Gusto mo ba silang makita?" Wika ni Titus. Tumango ako. Inalalayan niyang makatayo si Angel na tila ba na hindi pa maayos ang pakiramdam niya.

Nang makapasok sila sa loob ng silid, gising ng ang tatlo. "Mama!" Sabay sabay nilang sambit at mahigpit na niyakap nang makalapit ako sa kanila.  Hindi niya alam kung bakit may kakaiba siyang nararamdaman sa tuwing binabanggit nila ang salita Mama.

Para bang may nag-uugnay sa aming apat. Hinaplos niya ang mga buhok nila.

Titus

HINDI ko maiwasang isiping may kaugnayan ang tatlong bata kay Angel. 

"Hi," bati ko sa tatlo. Napalingon ang tatlo sa akin. Napatitig ako sa mga mukha nila. Nangunot ang noo ko dahil parang nakikita ko sa kanila ang mukha ni Angel. 

"I am Titus," pakilala ko sa sarili ko sa tatlo. 

Nahihiyang napangiti ang tatlo. 

"Ako po pala si Ishamael. Ako po ang panganay." "Pakilala ng bata. 

"Ako po si Moses," anito saka nagtago sa likod ng panganay. 

"Ako po si Samuel," pakilala nito sa sarili at inilahad ang isang kamay sa harap ko. Nakipagkamay ako sa kanya. Napangiti ako dahil mukhang hindi ito mahiyain kagaya ng dalawa. 

Barako Series #10  You're my Angel(Titus Nieves Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon