TITUS
NAG-ALALA ako sa pag-iyak ni Angel. Pati ba naman sa panaginip hinahabol pa siya ni Abraham. Mas pinahigpitan ko ang pagbabantay sa bahay ko. Bawal ang mga taong papasok na hindi namin kakilala. Maliban na lang kay Logan at iba ko pang kaibigan.
I always checked the CCTV I installed outside my house. I was relieved because there had been no suspicious people so far. Ayokong magpakampante, porket walang umaaligid ligtas na. Sundalo ako kaya alam ko ang galawan ng mga kalaban. They would attack kapag alam nilang hindi handa ang kalaban. I should think ahead kaysa maunahan ako.
Isang buwan ang lumipas wala naman nangyaring masama. Sigurado akong hindi na kami nasundan ng lalaking yun.
"Puwede ka bang makausap, Titus?" sabi ni Angel. Umupo ito sa mahabang sofa. Tinipon ko ang mga papeles na nasa ibabaw ng center table at saka ko siya hinarap.
"What will we talk about, sweetheart?" Tanong ko. Tumayo ako at umupo sa tabi ni Angel.
"Gusto kong bumalik sa pamilya ko." Napahinto ito sa pagsasalita ng tiningnan ko siya ng seryoso. Ginagap niya ang kamay ko. "Kailangan ko ang pamilya ko kahit hindi ako sigurado kung tatanggapin pa rin nila ako. Mas mapapanatag ang loob ko kapag nasa kanila ako. Kapag kasi nasa malayo ako hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano. Kilala ko si Abraham, alam niya kung sino ang kahinaan ko. Ang pamilya ko." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko nang hindi ako nagsalita. Nagbuntonghininga ako. Naalala ko ang sinabi ni Logan na mas makakabuting nasa pamilya niya si Angel.
"Wala naman akong magagawa kung iyan ang kagustuhan mo. But don't stop me to protect you sweetheart. Kahit nandoon ka na sa pamilya mo susubaybayan pa rin kita. Magpapadala ako ng mga security para mabantayan kayo." Tumango si Angel.
Pumatak ang luha niya sa mata. Pinahid ko iyon ng daliri ko.
"Don't cry, sweetheart. Hindi kita pababayaan. Kahit hindi man tayo magkasama, lagi kitang dadalawin."
Hinagkan ko ang kanyang noo. I really love her. Kahit na ba ang nakaraan niya ay hindi naging maganda. Wala naman sa akin iyon. Ang mahalaga sa akin siya ang tinitibok ng puso ko. "I love you, my Angel," sabi ko. Mas lalong napaluha si Angel sa sinabi ko.
"Hindi ako nararapat sa pagmamahal mo Titus. Masama ako at isa kang mabuting tao." I cupped her face.
"Hindi ako perpekto my Angel. Masama rin ako. Ang mahalaga napagsisihan mo na ang mga nagawa mong kasalanan. Sino ako para husgahan ka? I'm just human too make mistakes just like you. Kaya huwag mong sabibin na isa akong mabuting nilalang. I have my flaws too." Napayakap sa akin si Angel. Hinaplos ko ang likod nito.
"Hush now my Angel. Alam kong napatawad ka na ng pamilya mo. Kaya huwag ka ng mag-alala. Remember I always be here whatever happens." Pangako ko sa kanya.
Ngayon ang araw na dadalhin ko siya sa pamilya niya. Nag-set up kami ni Logan para sa pagkikita nila. Walang alam ang pamilya ni Angel about dito. Si Marieyah ang kinausap namin para doon ang meeting place. Wala din alam si Isaac. Ang alam ko kasi ang karakas ng lalaking yun. Napakadaldal nun! Puro ka-machohan at kaguwapuhan lang ang ibibida niya.
"Are you ready?" Tanong ko kay Angel. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Binigyan ko siya ng ngiti sa labi.
"I am ready, Titus," sabi nito habang tumatango. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ni Angel tanda na ito ay kinakabahan.
"Nandito lang ako my Angel. Hindi kita iiwan kung ano man ang mangyari." Pagpapanatag ko sa kanya. Pumasok na kami sa loob ng restaurant na pagmamay-ari ni Marieyah.
ANGEL
HUMIGPIT ang hawak ko sa kamay ni Titus nang makita ko ang pamilya ko. Nagkakatawanan sila habang kausap nila si Isaac at si Marieyah.
BINABASA MO ANG
Barako Series #10 You're my Angel(Titus Nieves Story)
RandomNa love at first sight si Titus Nieves sa babaeng natagpuan nilang walang malay sa isang labanan. Ngunit ng magising ang babae hindi nito matandaan ang nakaraan o kahit ang pangalan nito. Sadyang mapaglaro ang tadhana. Bumalik ang alaala nito nguni...