Isabella's POV.
"So, it's wednesday tomorrow and your acquaintance party will be next Friday. Both of you should go home early kasi sasamahan ko kayo bukas sa boutique nila tita Stacey nyo para sa susuotin nyo. Kanina lang daw dumating from New York yung mga pinatahi kong gown and suit for you."
Masayang sabi ni tita Cassie.
"What? No mom, I won't go there with Isadora. Baka may makakita pa samin."
"Tsk. Jake, it's Isabella."
"Isadora sounds better."
"Uhm tita, sa Thursday nalang po siguro ako pupunta dun para kunin yung gown ko."
"Actually, mas ok sana kung masukat nyo pareho dun mismo sa boutique para kung kailangan irepair, marerepair agad."
"Mom. They know our sizes, so for sure the gown will fit well on her. What i am not sure about is if it will look good on her." He said sarcastically.
"Jacob Clinton!" Sigaw ni tita Cassie sa kanya pero di naman sya nagpatinag at tatawa tawa lang na nagbelat sa akin.
Pansin ko naman ang pagsiko ni tita Cassie kay tito Clint dahil sa pagpipigil ng tawa nito. "I've been there Jacob. Your mom and I have been there."
"Ssshhh! You're spoiling it!" Saway ni tita Cassie habang kinikilig sa sinabi ni tito.
Nagkibit balikat nalang ako at tahimik na tinapos ang pagkain.
Tinulungan ko lang si mama na tapusin ang paghuhugas ng mga pinagkainan bago umakyat sa kwarto ko. Si mama kasi ay mas gusto sa guest room sa ibaba magkwarto dahil nahihirapan daw syang umakyat sa hagdan kaya hindi kami magkasama ni mama sa kwarto.
'Cherererereren chenchenenenen'
Ringtone ko yan ba't ba.
**Chris calling**
"O hello." Bati ko sa kanya
"You free tomorrow? I mean, after class. Yayain sana kita lumabas after class tutal holiday naman sa thursday so wala tayo pasok." Excited na tanong nya.
"Uhm, kind of? I don't know. Pupunta daw kami sa boutique para kunin yung gown ko. Eh kaso parang nagdadalawang isip pa ko kung sasama ako kila tita Cassie dahil kasama si Jake." Paliwanag ko sa kanya. Si Chris lang ang bukod tanging nakakaalam na kasama ko sa bahay si Jake kaya ayos lang na pagusapan namin ito.
"Oh I see. Edi mas ok yun, sabihin mo na magpapasama ako sayo bumili ng suit bukas at sakin ka nalang sasabay."
"Wala ka pang susuotin?"
He chuckled. "Actually, wala pa, gusto ko sana makita muna kung isusuot mo para alam ko kung anong bibilhin kong suit para partner tayo."
"Wooshoo! Excited ka naman masyado sa date naten! Hahaha. Let me remind you, acquaintance lang po iyon sir. Anyway, sige samahan mo nalang ako bukas kunin yung gown tapos sasamahan kita bumili ng suit mo tapos coffee tayo. Goodnight."
"Haha it's still a date. Alright, see you tomorrow. Goodnight."
Nakangiti ngunit napapailing akong ibinaba ang tawag pero halos maestatwa naman ako ng makasalubong ko sa hallway ng 2nd floor ng bahay si Jake. Sa lakas ng boses ko ay hindi na ako magtataka kung narinig nya ang usapan namin ni Chris.
"Date huh?" Sabi nya habang masama ang tingin sa akin.
"Tch. Chismoso."
"You know what Isabella, you should be focusing on your studies instead of focusing on your lovelife. Wag mong sayangin ang pagpapaaral sayo nila mommy." Sarkastikong sabi nya sabay talikod sa akin. Alam kong seryoso sya at mukhang nainis pa dahil tinawag nya ako sa pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Kill for Love - Book 2
Teen FictionJake is the only son of two of the world's greatest assassins. He grew up being a cold hearted and a snob kid due to trauma that his kidnapper caused him. Can someone make him change? or will he stay being the meanest kid forever?