Isabella's POV.
Matapos namin magcoffee ni Jake ay dumaan pa kami saglit sa ilang mga boutique na nadaanan namin at umuwi na rin kami. Medyo awkward ang eksena namin ni Jake pero pinilit kong maging casual sa kanya at ganun din naman sya. Sa tagal namin magkakilala at magkasama ay ngayon lang kami nakapagcoffee ng kaming dalawa lang.
Naging masaya naman iyon kahit papaano. Natawa pa ko sa kanya ng bigla nya akong kaladkarin ng makita nya ang isang sikat na waffle store dito sa New York. Ang laki laki ng ngiti nya nang ibigay sa amin ang order nya na dalawang magkapatong na 4x4 square waffle na may tatlong scoop ng cookies and cream na ice cream topped with strawberries and blueberries, sprinkled with chopped almond nuts and glazed with caramel syrup.
Hindi ako nagorder dahil nakita ko sa kabilang table na ang laki ng bawat serving nila kaya naman naisip kong makishare nalang sa kanya.
Pagkalapag ng order nya ay agad nyang sinunggaban iyon. Habang nanguya sya ay inagaw ko ang tinidor na hawak nya at nakikain sa pagkain nya. Pinalo nya pa ang kamay pero sininghalan ko lang sya at hinayaan na ako. So ang nangyari ay nagpalitan kami sa tinidor na gamit namin.
Nilapitan kami ng isang crew at nagtanong kung kailangan ba namin ng extra fork. Halos mamula ako at nanlaki ang mga mata ng biglang sumagot si Jake sa crew. "No thanks, we're good at this." Sinasabi nya iyon habang nakatingin sa akin at nakangiti. Natawa ang crew dahil sa pag-agaw nya ng tinidor na hawak ko at sinubo iyon habang sinisimot ang mga natirang waffle at syrup sa mismong tinidor.
Pagalis ng crew ay tatawa tawa syang nangaasar ng hampas hampasin ko ang kamay nya.
Para syang batang mabilis na inubos iyon at iisa pa sana sya pero pinigilan ko din dahil kakain pa kami pagdating sa bahay.
Pagbaba namin sa sinakyang Uber ay natanaw ko agad si mama kahit malayo pa kami sa kanya. Nauna akong bumaba dahil nagbabayad pa si Jake sa driver, wala kasing lamang credits ang uber app nya kaya cash payment kami ngayon.
Paglabas na paglabas ko ay agad na kumunot ang noo ko dahil sa lalaking kasama ngayon ni mama. Hindi ko makita ang mukha nya dahil nakatalikod ito sa gawi namin, tinutulungan nya si mama na buhatin at ilapag sa tapat ng pinto namin ang mga pinamili nya sa grocery.
"Ma, nagbeso at bahagyang yumakap muna ako kay mama bago tuluyan tumingin sa lalaki. All of a sudden, I felt my blood drained completely.
This man is staring at me with the same exact evil smile that he gave me many years ago.
Agad kong hinila si mama at iharang ang katawan ko sa kanya. "What are you doing here?" Pinilit kong magsalita kahit ang buong kalamnan ko ay nanginginig na.
Hindi nya inalis ang ngiti nya sa akin at saka masamang tinitigan ako. Narinig ko naman ang pagsigaw ni Jake ng pangalan ko at nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtakbo nya.
Unti unting umatras papalayo ang lalaki at kusang tumaas ang balahibo ko ng magsalita sya. "Happy birthday Isabella." At saka sya kumaripas ng takbo.
Nakalapit na si Jake sa amin at akma syang hahabulin ito pero mas pinili nyang dulugan ako na nakayakap na kay mama habang umiiyak. "A-are you okay? Huh?" Nagaalalang tanong ko kay mama habang sinusubukang pagaralan ang kabuuan nya kung nasaktan ba sya.
"Isay, ano ba ang nangyayari? Kilala mo ba ang lalaking iyon?" Natatarantang tanong nya.
Sa tanong na iyon ni mama ay tuluyan nang nanghina ang tuhod ko. Bago pa man ako mahawakan ni Jake ay napaluhod na ako sa lupa at nagumpisa nang maghisterical.
He bent down his knees para magpantay kami and he cupped my face and looked straight to my eyes, worries filled his eyes and I hugged him so tight, as if i am depending my whole life to him. "Hey, hey, bella calm down. What's wrong?" Mahinahon pero nagaalalang sabi nya.
Humagulgol ako ng pagkalakas lakas at wala akong pakialam kung sino mang makarinig noon. Hindi ko magawang kumalma.
"Th-that-that m-m-ma-man. I know that man. H-hindi ako p-pwed-pwedeng m-mag-magka-magkamali. Jake, that's him....." I paused and let myself cry out loud. "Jake that's him. He's back."
"Anak, sino?" Naluluha na ring sabi ni mama.
"The man who killed papa." Pinakatitigan ko si mama na nasa likod ni Jake at napatakip sya sa bibig nya.
"Hay diyos ko po. Tatawagan ko muna sila Cassandra at Clinton." Mabilis syang pumasok sa loob ng bahay habang umiiyak at naiwan kami ni Jake sa ganoong posisyon.
"Jake. He's back. I'm scared, i'm so scared."
"Sshhh..sshh.. Calm down bella, nandito na ko, andito lang ako."
Hindi na ako nagsalita at hinayaan lang ang sarili kong umiyak ng umiyak.
"Let's go inside, i'll take you to your room."
Sinubukan kong tumayo pero nanlalambot talaga ako. The next thing i know was everything that surrounds me started to double and i felt a severe dizziness until i completely lost conciousness.
----
Jake's POV."Isabella! Hey, Bella wake up!"
Shit!!
Bigla nalang nawalan ng malay si Isabella. Sobrang nanginginig ang buong katawan nya matapos nyang makita ang misteryosong lalaki. Wala akong kahit na anong ideya sa sinasabi nya at sa mga nangyayari.
I wrapped my arms around her body and carried her. Tita Cherry saw us and she started to panic.
"Ay diyos ko po! Isabella anak!"
"Tita ako na pong bahala kay Bella, please wait for mom and dad." Hindi ko na hinayaan pang malapitan nya si Bella dahil baka mas lalo lang syang magpanic kapag nakita nya na nasa ganoong sitwasyon ang anak nya.
Marahan akong naglakad paakyat sa guest room para ihiga doon so Bella na walang malay. Paglapag ko sa kanya ay tumunog ang cellphone ko, tumatawag si daddy.
"Hello Jake. How's everything?"
"Isabella fainted. She was histerical. Dad please tell me what's happening. I couldn't understand her when she told me that the man who killed her dad is back. Who was that?"
"Fuck!" Tanging naisagot ni daddy sa kabilang linya.
"Dad?"
"Stay inside the house and lock all the doors. Papunta na kami."
Binabaan na ako ni daddy ng cellphone. Muli kong sinulyapan si Bella at lumabas na ng kwarto.
Umikot ako sa buong bahay para ilock ang lahat ng pintuan maging ang malalaking glass windows. Pinapasok ko na rin si tita Cherry sa isa pang guest room kung saan sya tumutuloy.
Nang masigurado kong nakalock na ang lahat ay binalikan ko na si Isabella. Bagsak ang balikat ko syang pinagmasdan habang nakaupo ako sa gilid ng kama.
I held her right hand and gently caressed it with my thumb. Using my left hand, i touched her hair and combed it with my fingers.
"Chris...Chris.." Nanlulumo akong napapikit nang magsalita sya at tawagin ang pangalan ng kanyang nobyo habang mahimbing na natutulog. Hanggang sa panaginip ay hindi nya talaga ako magawang mapansin.
Pero ayos lang. Ayos lang talaga.
Nagpatuloy lang ako sa paghaplos sa ulo nya.
"Whatever it is that's bothering you, I promise that I won't leave you, kahit patago, kahit palihim. I will take all your pain and sacrifice my life if need be. From now on, I'll make sure that no one can harm you Bella."
"Chris...."
For the second time, he called Chris and not me.
I sighed deeply.
Helpless and defeated, i moved my left hand down to her cheek and cupped it. And with my body leaning towards her, I gently kissed her forehead before whispering the words that i have been wanting to tell her since forever. The words that I never thought to be possible for me to utter.
"I love you Isabella. Mahal kita kahit ang sakit sakit na."
*******
Please vote and comment!
😘🖤🌸
BINABASA MO ANG
Kill for Love - Book 2
Teen FictionJake is the only son of two of the world's greatest assassins. He grew up being a cold hearted and a snob kid due to trauma that his kidnapper caused him. Can someone make him change? or will he stay being the meanest kid forever?