Jacob's POV.
Alas tres na ako nakarating ng bahay. Halfday lang kami ngayon dahil acquaintace party na namin. Sa nakalipas na isang linggo ay hindi na naman kami nagpapansinan ni Isabella. Lagi naman kaming ganto, madalas lang kami magpansinan kapag actual na nagaaway kami, after non wala na ulit kibuan.
Pagakyat ko ng hagdan ay narinig kong parang nagkakagulo at ang lakas ng mga tawanan at impit na tilian nila mommy at tita Cherry sa kwarto ni Isabella. Sa tingin ko ay inaayusan na nila si Isabella, nauna kasing pinauwi ang mga babae kesa sa aming mga lalaki para makapagayos.
Nauuna ang pintuan ng kwarto ni Isabella kaya naman siguradong makikita ako nila mommy pag dumaan ako dito. Wala naman akong choice kasi nasa kwarto ko ang suit na susuotin ko.
Napairap ako sa kawalan nang biglang tumili si mommy. "iiiiih! Jacob, baby come here. Look at Isabella! She's so pretty!"
Kusa akong tumigil sa paglalakad at kunwari ay walang gana akong nilingon ang loob ng kwarto nya. Nang mahagip ng mga mata ko ang nakatayong si Isabella, sa di malamang dahilan ay para akong nestatwa sa kinatatayuan ko. Napalunok pa ako nang ngumiti sa akin si Isabella.
"Halika dali baby, magpicture kayo."
"Tch. No mom ayoko, baka iupload nyo pa yan at makita ng mga nakakakilala sa amin. Mamaya nalang sa school para ayos lang na magpicture kami at least hindi mahahalata."
"Tsk! Badboy! Sige na magbihis ka na at pipicturan ko kayo. Hmp!" Tinalikuran na ako ni mommy at naglakad pabalik sa loob ng kwarto ni Isabella. Muling akong napatingin sa kanya at agad din naman binawi iyon nang bigyan nya ako ng isang tipid na ngiti sabay iwas ng tingin.
Napabuntong hininga ako ng lampasan ko na ang kwarto nya.
Matapos kong magbihis ay panay ang balik ko sa tapat ng salamin. Pakiramdam ko ay nakukulangan ako sa itsura ko. For some reason, bigla akong nahiyang lumabas. "Tsk. I look stupid, she's too pretty para tabihan ko."
The heck am I saying? Erase. Erase.
Nagspray nalang ako ng paborito kong gamitin na perfume, Tom Ford Tuscan Leather. Ginagamit ko lang ito sa mga formal parties and gatherings tulad nitong acquaintance party namin.
Napahinto ako sa pagbubukas ng pintuan dahil sa kaba. Sa di malaman na dahilan ay biglang nagunahan sa pagtibok ang puso ko, pakiramdam ko ay ayokong makita si Isabella sa ganitong itsura ko. Hays ano ba kasing iniisip ko. Muli akong pumihit pabalik sa tapat ng salamin at pinakatitigan ang sarili ko.
"Dammit, Hakobo, ang panget mo!!"
Ilang beses akong bumuntong hininga habang nakapikit at sa huling pagkakataon ay tinitigan ko ang pangit kong mukha. Nakakabadtrip talaga.
Paglabas ko ng kwarto ay sinalubong ako ni mommy at daddy na ngiting ngiti. "Oh my God babyyyy! You're so pogi. Mmmmmm!" Excited na sabi ni mommy at gigil akong hinalikan sa pisngi.
"Tsk! Mom!"
"Hey, stop it, you're embarassing him." Tatawa tawang saway ni dad kay mommy.
"Oh sorry, hihi."
"Jake let's go, magpicture muna kayo ni Isabella bago kayo umalis."
"Dad, wag na, sa school nalang."
Hindi naman nila ako pinansin at naglakad na palayo sa akin.
"Isabella sweetheart, come on sa baba muna tayo." Tawag ni mommy kay Isabella pagtapat sa pintuan ng kwarto nya at nagpauna nang bumaba.
Maglalakad na sana ako para sumunod kila mommy pero bigla akong napatigil nang lumabas sa kwarto si Isabella. Tulad ko ay naestatwa din sya sa kinatatayuan nya at nagkatitigan kaming dalawa.
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nya and I can't deny it, she looks perfect tonight. I love how her long messy hair runs down her shoulder. The one side off shoulder gives more accent to her colar bone. As I examine her face, I suddenly stopped and stare at her pink lips. Bumalik lang ako sa huwisyo nang makita ko ang tipid na pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.
"Jacob."
"H-ha?"
"Tch. Let's go."
Iiling iling syang naglakad papalayo sa akin at agad naman akong nagpakawala ng isang malalim ng hininga na para bang kanina ko pa pinipigilang ilabas.
Nang makababa ako ng tuluyan ay sumunod na ako sa loob ng library namin at naabutan ko doon ang nagtatawanan na sila mommy kasama si Isabella.
"There you are. Tara na dali picture na kayo." Sabi ni mommy. "Solo pictures muna."
Kinuhaan kami ni mommy ng solo. "Ok kayong dalawa naman."
Kahit naiilang ako ay nilapitan ko si Isabella. Nakaupo sya ngayon sa isang vintage chair at ako naman ay nakatayo sa gilid nya.
"Ok kids, give us a good sophisticated pose."
Hindi ako ngumiti at nagserious face lang ako, ganun din naman si Isabella kaya napatitig na naman ako sa kanya dahil hindi ko akalain na ang galing nyang umanggulo. She looks so fierce on that pose.
"1, 2, 3!"
Bago pa man ako makatingin kay mommy ay nagflash na ang camera. "Perfect!"
Lumapit sa amin si mommy at ipinakita ang picture na kinuha nya. Napatikhim ako nang biglang kiligin si mommy. Pagtingin ko sa picture ay kuhang kuha pala ang seryosong pagtitig ko kay Isabella na seryoso namang nakatingin sa camera.
"Ok dali wacky naman."
"Mom, tsk. That's enou----"
Nahinto ako sa pagsasalita ng kapitan ni Isabella ang braso ko. Napatingin naman ako kay mommy nang bigla na naman syang magbilang.
Ngingiti na sana ako ngunit nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumiyad si Isabella at iangat at isang paa nya habang nakataas ang isang kamay. Nagpaduling sya ng mata at nag-ugly duckling ng labi.
Fuck, she's so damn cute.
Sa bilis ng pangyayari ay wala akong nagawa kundi saluhin at buhatin ang nagpapabigat na katawan ni Isabella.
Tatawa tawang lumapit sa amin si mommy at ipinakita ang picture namin. Hindi ko naman napigilan ang mapangiti hindi dahil sa nakakatawa ang itsura ko, halata kasing gulat na gulat ako sa ginawa ni Isabella kaya ang laki ng mata ko doon at namumula pa ang mga tenga. Napangiti ako dahil ito ang pinakaunang beses na nagpapicture kami ni Isabella. Noong prom night kasi namin ay talagang hindi ako nagpapicture na kasama sya, o kahit kailan man.
Nakakatuwa na ang ganda ng kuha namin na ito, very genuine. I love how she looks still so damn pretty even if she tried all her best just to look ugly.
Okay Jacob. That's enough. You hate her right? Tama. I hate her.
I hate this beautiful girl.
*********
Please vote and comment!
Maraming salamat! 😘
BINABASA MO ANG
Kill for Love - Book 2
Подростковая литератураJake is the only son of two of the world's greatest assassins. He grew up being a cold hearted and a snob kid due to trauma that his kidnapper caused him. Can someone make him change? or will he stay being the meanest kid forever?