Isabella's POV.
Alas otso na ng gabi nang makarating kami sa lugar na pinagmamalaki ni Jake.
Isa itong private town house sa pinakamataas na bahagi ng Tagaytay. Nasa kaduluduluhan ng subdivision itong bahay kaya naman siguro'y nasa ilang kilometro ang layo ng susunod na bahay dito. Puro bakanteng lote ang paligid at napakatahimik dito.
Mas maliit itong bahay kumpara sa mansyon nila sa manila, pero hindi maipagkakaila ang ganda ng Modernized "Kubo" Na tema ng bahay. Pagpasok palang namin sa gate ay manghang mangha na ako.
"Wow." Tanging nasabi ko pagbaba namin sa kotse habang titig na titig ako sa kabuuan ng bahay.
"I know." Nakangiting sabi ni Jake.
"Sa inyo to?"
"Nope."
Agad akong napalingon sa kanya na kunot na kunot ang noo. Natawa naman sya sa naging reaksyon ko.
"I mean, this house is mine. Mom and dad doesn't know about this, only me, you and...." Natigil sya sa pagsasalita at napabuntong hininga.
"...and?" Tanong ko.
"Remember Katrina?"
My eyebrows furrowed while trying to remember who Katrina is. Awtomatikong napalingon ako sa kanya nang maaalala kung sino ang tinutukoy nya.
"Katrina Montello? Y-y-your....."
Tatango tango lang syang tumingin sakin bilang pagsagot.
Naiwan akong nakatanga sa tabi ng kotse nya matapos nya akong iwanan at pumasok na sa loob dala ang mga gamit namin.
"Hey! Pasok ka!" Anyaya sa akin ni Jake nang makalapit sya sa pinto.
Natauhan naman ako at nagmadaling sumunod sa kanya. Pagpasok ko ay nakita kong sinalubong ni Jake ang isang babaeng nasa edad 50 pataas.
"Hi manang, kamusta po?" Bati nya dito.
"Hijo, andyan na pala kayo, ay mabuti naman ako. Nasan si Katrina?" Nakita ko ang pagiiba ng mukha ng babae nang makitang hindi ako si Katrina. "Ay naku naku pasensya na hijo, hija, akala ko ay...."
"It's okay manang. By the way, this Isabella, kababata ko po, sya po iyong bata na kasama namin sa bahay na kinuwento ko noon." Pagpapakilala nya sa akin. "Bella, this is manang Mel. Caretaker ng bahay."
"H-hello po manang Mel."
"Ay hello hija, kamusta ka. Ito na pala iyong batang nasa litrato ano? Aba'y kagandang bata."
Kunot noong napatingin ako kay Jake. Napakamot naman sya ng ulo at tatawa tawang hinawakan sa balikat si Manang.
"Ah hehe, manang, sige na po pwede na po kayong umuwi kaya na po namin dito. Salamat po. Ingat po kayo."
"Oh sya sige sige, magenjoy kayo. Sana magustuhan nyo ang iniluto ko para sa inyo. Mauna na ako." Nakangiting pagpapaalam ni Manang Mel at saka lumabas na ng bahay.
"Care to tell me about it?"
Pansin ko ang pagkataranta sa mukha ni Jake pero pinilit nyang magmaangmaangan at ibahin ang usapan.
"Ah wala yun, medyo tumatanda na yon si manang kaya kung minsan kung ano ano nang sinasabi. Tara kain muna tayo nagutom ako sa pagdadrive.
Iginiya nya ako patungong lamesa at kumuha sya ng mga plato at kubyertos.
"Mmmm. Ang sarap!" Pagpuri ko sa kare-kare na nakahain.
"I know right. The best talaga yan si manang mel magluto. May maliit na restaurant kasi sila malapit sa Sky Ranch at talagang dinadayo ng mga tao iyon.
BINABASA MO ANG
Kill for Love - Book 2
Teen FictionJake is the only son of two of the world's greatest assassins. He grew up being a cold hearted and a snob kid due to trauma that his kidnapper caused him. Can someone make him change? or will he stay being the meanest kid forever?