Chapter 8 - That smell

8 1 0
                                    

Isabella's POV.

"Isabella!!"

Blag! Blag! Blag! Blag!

Napairap ako sa sunod sunod na kalabog sa pintuan ko. Antok na antok pa ako dahil napuyat ako sa kakaisip kagabi. Tamad akong bumangon at hindi pinansin ang nagwawalang si Jake.

Naginat inat muna ako bago dumerecho sa banyo para maligo. Halos isang oras din akong nasa loob ng banyo dahil tinatamad pa talaga akong kumilos. Pano ba naman kasi sabado ngayon at alas sais palang ng umaga ay nambubulabog na tong lintek na halimaw na to.

"Aaaaaaaaaaahhhhhhh!"

Awtomatiko akong napasigaw nang makita si Jake na prenteng prente na halflaid sa kama ko. Ang ganda ng sandal nya sa kama ko habang nakaupo doon.

Agad akong bumalik sa loob ng banyo at pilit na tinatakpan ang katawan ko sa pintuan. Nakalabas ang ulo ko para makita ang abnormal na halimaw.

"Hoy! Anong ginagawa mo dito?!"

"Bilisan mo na magbihis jan para makapaglinis ka na sa kwarto ko may lakad pa ko."

"Edi umalis ka na! Chupi! Magbibihis na ko! Mamaya jan silipan mo pa ko!"

"Tch. As if naman may makikita ako jan!"

"Manyak!"

Hindi nya ako pinansin at tamad na tumayo sa kama ko. Naginat pa sya ng pagkahaba haba bago mabagal na naglakad patungo sa pintuan ng kwarto ko.

"Bilisan mo na jan Isadora."

Paglabas nya ay agad akong nagtungo sa pinto at nilock iyon kahit alam kong wala rin namang silbi dahil mukhang nasakanya ang duplicate key ng kwarto ko.

Matapos kong magbihis ay dumerecho na ako sa kwarto ni Jake. Naabutan ko syang nagaayos ng mga gamit nya sa isang gym bag. Mukhang may lakad nga sya.

"Dapat pagbalik ko ay maayos na ang kwarto ko okay? Maaga ang practice namin ngayon sa basketball kaya hindi na kita mababantayan sa paglilinis dito. Siguraduhin mo lang na wala kang kahit na anong kukunin dito."

"Tch. Anong tingin mo sakin magnanakaw?! Kapal mo ah! Lumayas ka na nga!"

"Shut up!"

Sinimulan ko na ang paglilinis pagkalabas ni Jake sa kwarto. Sa dami ng ligpitin ay hindi ko alam kung anong uunahin ko.

Nilapitan ko ang built in cabinet nya para ayusin ang mga nakakalat na gamit doon. Nakita ko ang isang brown na bote ng perfume, isa itong Tom Ford Tuscan Leather. Nakabukas ang takip nito kaya naman kinuha ko ang bote at ang takip. Malakas ang amoy noon kaya kahit hindi ko ilapit ang bote sa ilong ko ay amoy na amoy ko parin iyon. Kumunot ang noo ko nang mapansin kong parang pamilyar ang amoy na iyon.

"That smell. I know that smell."

I almost stopped breathing when i finally recognized the scent. But I can't be too sure about it, there must be a lot of Tom Ford perfumes around the world.

Bumuntong hininga ako at tinakpan na ang bote at saka ibinalik sa tamang lagayan iyon.

Matapos kong ayusin ang cabinet nya ay isa isa kong pinulot ang mga nakakalat na damit. Maging ang dark blue suit na gamit ni Jake kagabi ay nakakalat din kaya dinampot ko iyon sa sahig.

Papatayo na ako ng mapansin kong may kumislap sa bandang dibdib ng coat nya. Pinakatitigan ko iyon at kusang nabitawan ko ang hawak kong coat nang marealize kung ano ang pulang stain sa coat nya na kumikintab.

"Oh my God."

I looked outside the window when I heard a set of tires loudly screeching. I hurridly stood up to see who or what it was, and to my surprise, i saw Jake stepped outside his car looking so worried.

Pakiramdam ko alam ko na agad kung bakit bigla syang bumalik. Nagmadali akong damputin ang coat nya at inamoy iyon and for fuck's sake, it was that smell. Lumapit ako sa cabinet kung nasaan ang perfume nya at muli iyong buksan para amuyin.

No  fucking way.

Gulat akong tumingin sa pinto nang bigla itong bumukas at iniluwa si Jake. Si Jake na nagaalala ngunit galit na nakatingin sa akin.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita syang pasugod na lumapit sa akin. Halos mapatalon naman ako at napasinghap ng walang habas nyang agawin sa akin ang hawak kong perfume at coat.

"Don't you dare touch these!" Galit na sabi nya at tumalikod sa akin.

"Was it you?" Lakas loob na tanong ko.

Tumigil sya sa paglalakad at nakita ko ang paggalaw ng mga balikat nya habang nagpapakawala ng isang malalim na hininga.

Lumingon sya sa kanan at bahagyang tumingin sa gawi ko.

"I don't know what you're talking about."

Naiwan akong tulala matapos nyang lumabas at padabog na isinara ang pintuan ng kwarto.

What are you up to Jake? I can't fucking understand you.

************

Sorry for the short UD! Promise hahabaan ko nanyung susunod na updates, busy lang talaga is me.

Please dont forget to vote and comment mga mamang!

Lovelots! 😘🖤🌸

Kill for Love - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon