Jake's POV.
Sa mga nakalipas na araw ay palagi na akong palihim na nakabuntot kay Isabella, nagaabang kung may mambubully pa sa kanya.
Not because I'm concern about her but because I am trying to save myself from being questioned by my parents and tita Cherry. I know for sure that they will somehow blame me for not protecting her inside the campus if something bad happens to her.
They know that I never wanted to let everybody know that Isabella and I are living in the same roof. My parents talked to me about itnand told me that I have to make sure that she'll be out of harm even if we don't talk inside the school.
So, kung mapapahamak sya, kahit wala akong kasalanan ay ako parin ang pagagalitan at sisisihin, kaya naman ganun nalang ang pagaalala ko nung saktan sya ni Krissy.
Simula tuloy ng araw na iyon ay pinagsusuot ko na si Isabella ng longsleeves shirt kahit nasa bahay para lang matakpan ang mga sugat nya. Sa una ay ayaw nya pa pero nung sinabi kong pareho kaming malilintikan pag nakita iyon ng mga magulang namin ay pumayag na din sya.
"Where the fuck is my Goddamn phone?!" Inis na sabi ko habang hinahalughog ang bag ko pagkarating sa school.
Naiwan ko pa yata ang phone ko nakakainis.
Irregular student ako dahil nagtetake ako ng special art class bukod sa regular classes ko para sa course ko. Siga ako sa school na to kaya kahit bawal ay hinayaan nalang ako ng administration na magtake ng dalawa sa major subjects ng interior designing.
Friday ngayon kaya bagot na bagot ako at gusto ko nang umuwi agad kahit kauumpisa palang ng klase.
Hindi ko kaklase ngayon sila Damon at Alden kaya magisa lang ako.
Mabilis na lumipas ang oras at magisa akong naglakad patungong cafeteria kung saan kami magkikita nila Damon.
Habang kumakain ay napalingon ako sa entrance ng makita ko ang nagaalalang mukha ni Isabella habang tumatakbo.
Unti unting nabalot ng kaba ang dibdib ko nang mapagtanto kong papalapit sya sa gawi namin.
No fucking way, wag kang lalapit dito.
Awtomatikong nabalot ng inis ang buong sistema ko ng hihingal hingal na tumigil sa tapat ng table namin si Isabella.
"J-jake. Kanina ka pa tinatawagan ni tito Clint may emergency tayo." Nagaalalang sabi nya pero dahil sa sobrang inis ko ay napatayo ako at kinaladkad sya papalabas ng cafeteria.
"How dare you talk to me in front of these people?!"
Habang naglalakad kami ay marahas nyang hinigit ang braso nya sa akin matapos ko iyong sabihin sa kanya.
"What the fuck Jake! Kanina pa kita hinahanap! Kanina pa tumatawag sayo sila tito Clint pero di mo sinasagot yun telepono mo!"
"Shut up now! You don't have the fucking right to talk to me!" Hindi ko na mapigilan ang galit ko kaya napasigaw na ako sa kanya kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao.
Hindi naman sya nagpatinag at patuloy na nilalabanan ang tingin ko kahit kitang kita ko kung papano pumatak ang mga luha nya.
"Hanggang dito ba naman Jake?!" Humikibing sigaw nya. "I told you may emergency tayo sa bahay! Hear me out before cursing and shouting at me!"
"I don't give a damn to every word that you say Isabella! I don't even give a shit about your existence!"
"Mommy Jes is in coma you ass fucking hole! She tried to ask help from your mom and dad but they're out of the country so they tried to reach out to you kaso hindi mo sinasagot ang tawag! We've been trying to call you since forever, lahat kami! Para lang puntahan mo si mommy Jes! Kanina pa ko paikot ikot sa buong campus para hanapin ka!"
She paused while sobbing and trying to catch her breath. "50:50 si mommy Jes ngayon, Jake! She had a heart attack and she was found unconcious inside her house! Dalawang beses na syang sinubukang irevive bago tuluyang na-comatose!"
"W-what?" Nanginginig na ang boses ko at pigil na pigil na rin ang luha ko.
Naramdaman ko nalang na hinaplos nila Damon at Alden ang likod ko na hindi ko namamalayang nasa tabi ko na palang nanonood sa pagtatalo namin ni Isabella.
Patuloy ako sa pagtitig sa umiiyak na si Isabella at bumalik lang ako sa huwisyo nang magsalita sya.
"Let's go home, we need to get some clothes. Pupunta pa tayo sa ospital para asikasuhin ang papers at bantayan si mommy Jes." Iyon lang at tinalikuran na nya ako.
Nanghihina ang tuhod kong napasandal sa gilid ng cafeteria at napayuko habang nakatukod ang dalawang kamay sa tuhod.
Pigil na pigil parin ang iyak ko habang sinusubukang habulin ang paghinga ko. Galit na galit ako ngayon sa sarili ko. Pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit nasa ganoong kalagayan ngayon si mommy Jes, kung sana ay hindi ko naiwan ang phone ko ay baka nalaman ko iyon agad at napuntahan sya.
Umayos ako ng pagkakatayo at walang habas na pinagsusuntok ang pader at malakas na sumigaw para ilabas ang galit ko. Nagdugo na ang kanang kamay ko kaya pinigilan ako nila Damon at Alden.
"Bro calm down, sundan mo na si Bella." Nagaalalang sabi ni Damon.
Kinalma ko ang sarili ko at nagsimulang maglakad para sundan si Isabella.
Naabutan ko syang umiiyak na nakasandal sa kotse ko sa may parking lot habang may kausap sa phone.
Nang makalapit ako sa kanya ay malamlam na ang mata nyang nakatingin sa akin. "Ok ma, babalitaan ko po kayo." She said while sobbing at ibinaba na ang telepono.
"J-Jake." Iyon lang ang sinabi nya at lalo syang napahagulgol. Hindi ko na magawang itago ang emosyon ko at tuluyang naluha ng bigla akong yakapin ni Isabella ng mahigpit.
Kahit nagaalangan ay dahan dahan kong inangat at isang kamay ko para haplusin ang likod nya at subukang patahanin pero mas lalong lumakas ang iyak nya dahil sa ginawa ko.
"Shhh. Tahan na, everything will be okay." I said while caressing her hair and hugging her gently.
"Is she gonna wake up? Do you think it was my fault too? Do you think that i will be able to save her if i went there alone instead of looking for you everywhere? Did i just waste my time while i can do better?"
Ramdam ko ang lungkot at takot sa bawat salitang binibitawan nya. She loves mommy Jes so much, mas close pa silang dalawa kesa saken. Mommy Jes spoiled her too much when we were still kids, actually kahit hanggang ngayon ay hindi nawala ang pagiging spoiled nya kay mommy Jes kaya naiintindihan ko kung bakit ganito sya magaalala.
"Shh. I'm sorry bella, i'm so sorry. Wag kang magisip ng ganyan. You tried your best so it's not your fault." I tried to calm her down as she started blaming herself. Walang dapat na ibang sisihin dito kundi ako.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya and the next thing i did almost made my heart drop. Kahit kinakabahan ako pinilit kong wag magpahalata and right then and there, I gently cupped her cheeks with both of my hands, looked straight to her eyes that's full of tears and kissed her forehead. I closed my eyes and made sure that every second of this moment will be enough to make her feel how sorry i am for everything.
"I can't calm down Jake. I just c-can't." She continued crying her heart out.
"Shh..Stay beside me Isabella, and I'll do everything I could to calm your heart down. Stay with me."
Sa hindi malamang dahilan, ay parang tumalon sa kaba ang puso ko ng tumango sya bilang pagsangayon sa sinabi ko at mas ilapit ang katawan nya sa akin para yakapin ng mahigpit.
Napapikit nalang ako sa biglaang tumakbo sa isip ko.
I am definitely trapped and lost inside your world now, Isabella. I just wish you won't show me the right way para makalabas ako, because even if you do, I will still close that door and pretend that I didn't see it just so as i can stay a little longer. Or maybe stay inside your world forever.
**********
Please vote and comment.
Non stop kilig na naman hay umay na umay na ko..papatayin ko na ang character ni Jake hahahahaha charot.
😘🖤🌸
BINABASA MO ANG
Kill for Love - Book 2
JugendliteraturJake is the only son of two of the world's greatest assassins. He grew up being a cold hearted and a snob kid due to trauma that his kidnapper caused him. Can someone make him change? or will he stay being the meanest kid forever?