Isabella's POV.
Natapos ang weekend namin na masaya. Laking pasasalamat ko kay Jake dahil dinala nya ako sa lugar na iyon, kahit papaano ay nakalimot ako sa sakit ng nararamdaman ko.
Maaga kaming bumyahe nang Sunday morning, tumawag kasi si mama at nagbilin na kailangan namin mag grocery dahil paubos na ang stocks namin sa bahay. Pagdating namin ay nagpahinga lang kami saglit at pagdating ng hapon ay umalis na kami Jake para mamili.
"What are we getting?" Tanong nya habang nagtutulak ng cart.
"Uhm, here's the list that mama sent." Ipinakita ko sa kanya iyon at tatango tango naman syang tiningnan iyon kahit di naman talaga nya binasa.
"Ok, unahin muna natin yung non perishable goods then sa mga kitchen needs, toiletries, personal needs then sa mga meats." Suggestion nya.
Lumabi naman ako dahil namangha ako sa sinabi nya. Di ko alam na may ganto pala syang ganap sa buhay.
"Alright, you brought your phone naman diba?"
"Uhm..yeah?"
"I'll send you the list, kita nalang tayo sa meat section. Ako na sa toiletries and perso------"
"No. Let's shop together. Stay with me." Putol nya sa sinasabi ko. Kumunot naman ang noo ko dahil doon.
"Uhm...remember we need to stick together, mahirap na, baka may mang haras na naman sayo."
"Tch. The last time i checked, someone named Jacob Clinton was the very first person to harrass me." Inirapan ko sya at halatang nagulat sya sa sinabi ko. Nagpamauna na akong lumakad, pero agad din naman nya akong sinundan.
"Hey, hey. Bella. A-about t-that. I'm s-sorry. I was just...."
"Just what? You know what never mind, ayos lang, ayos lang kasi kinuha mo lang naman yung first kiss ko, so ayos lang talaga." At saka tinalikuran ko na sya ulit.
"T-ta-talaga? A-ako ang f-first k-kiss mo?" Uutal utal na sabi nya. Napalakas ang pagkakasabi nya kaya naman napatingin sa amin ang ilang sa mga customers na namimili din.
Pinandilatan ko sya ng mata at sumenyas na manahimik sya, pero mas lumapit sya sa akin at saka pabulong na inulit ang tanong nya.
"Isabella, I'm asking you. Ako ang first kiss mo?"
Naramdaman ko ang pagiinit ng pisngi ko dahil sa tanong nya. "Shut up Jake! I don't want to talk about it!"
Hinarangan nya ang dinadaanan ko at natawa ako sa inis dahil sa ganda ng pagkakangiti nya sa akin ngayon. "Why don't you want to talk about it?"
"Oh for fuck's sake Jacob! Who would want to have that kind of first kiss? All my life, I was hoping to have a romantic first kiss but you just..you just, practically ruined it. Tara na nga! Anong oras na."
Nakita ko naman ang pagsimangot nya. "S-sorry na." Parang batang nakalabi sya at nakayuko habang nagsosorry.
Napairap nalang ako sa inaakto nya ngayon. Honestly, nakalimutan ko naman na talaga iyon. Hindi ko pa sya napapatawad sa ginawa nya na iyon pero ayos na sakin iyon kasi wala din naman mangyayari kung magtatanim pa ko ng sama ng loob.
Pero dahil gusto kong bawian sya kahit ngayon lang, nagpanggap akong galit sa kanya. Hindi ko na sya pinansin at nagpamauna nang maglakad. Hinahayaan ko lang syang tahimik na sumunod sa akin.
Maya maya ay napansin kong wala nang nakasunod sa akin. Nagumpisa na akong kabahan kaya hinanap ko na si Jake. Panay ang lingon ko sa paligid at halos mapatalon ako ng biglang may humawak sa braso ko.
BINABASA MO ANG
Kill for Love - Book 2
Teen FictionJake is the only son of two of the world's greatest assassins. He grew up being a cold hearted and a snob kid due to trauma that his kidnapper caused him. Can someone make him change? or will he stay being the meanest kid forever?