Isabella's POV.
Over the past few months naging maayos naman ang lahat. Natapos namin ang 2nd year sa college at aminado akong hindi naging madali iyon. Mabuti nalang at napagdesisyunan naming magkakaibigan na mag group study lalo na kapag tuwing may exams. Kakaiba naman kasi sa school na pinapasukan ko, taon taon ang thesis. Tsk.
Nitong mga nakaraan na buwan ay medyo may gap sa pagitan namin nila tita Cassadra dahil nalaman na nilang lahat na nililigawan ako ni Jake. Mabuti nalang last month ay nagkaroon din kami ng pagkakataon na makapagusap ni tita Cassandra at tito Clint. Ako ang kusang lumapit sa kanila at sinabi kong maghahanap nalang ako ng apartment na matutuluyan ko at aalis na ako sa bahay. Sa una ay ayaw nila dahil nga naman sa magiging sitwasyon ko. Ang sabi nila ay hindi naman daw sila galit sa akin o kahit kay Jake, hindi lang daw nila inasahan na magiging ganoon kabilis ang mga pangyayari.
Sinabi pa nga nila na natutuwa sila dahil noon pa man daw ay ramdam na nila na may gusto sa akin si Jake. Nagulat pa ako sa sinabi nilang iyon dahil hindi lang pala ako ang nakakapansin sa mga wirdong kilos ni Jake towards me.
Sinubukan nila akong pigilan sa gusto kong gawin pero buo na ang desisyon ko. Maging si Jake ay tutol rin dito pero naging matigas ako. Ayokong magkaron pa ng ilangan sa pagitan naming lahat dahil lang sa nililigawan ako ni Jake. Naisip ko kasi na hindi rin maganda kung nililigawan ako ni Jake tapos nasa iisang bahay lang kami diba?
At isa pa, alangan naman na si Jake ang umalis diba? Ano ako legal na anak? Di naman ganoon kakapal ang mukha ko para paalisin si Jake sa sarili nyang pamamahay diba?
Magdadalawang buwan na akong nasstay dito sa condo unit na tinitirahan ko. Condo unit ito ni tita Cassandra na malapit sa kompanya nila. Mas malayo ito sa school namin pero ayos lang, besides, hindi rin naman ako nahihirapan pumasok dahil may kotse naman akong ginagamit na bigay rin ni tito Clint.
Si mama ay gusto rin sanang sumama nalang sa akin pero ang sabi ko ay ayos lang ako. Ayokong mahirapan sya kung mahihiwalay sya kay tita Cassandra dahil alam kong sobra pa sa sobra ang pagiging busy nila sa trabaho.
Masaya naman ako sa naging desisyon ko at pakiramdam ko ay mas naeenjoy ko ang pagiging independent kesa noong may mga kasama ako sa bahay. Mas natututo ako kung papaano mabuhay ng magisa.
Dalawang linggo nalang at magpapasukan na, maaga akong nagenroll para mas makapagfocus ako sa paghahanap ng part time na trabaho para kahit naman papaano ay may pandagdag ako sa gastusin. Ayoko rin kasing umasa masyado sa ibinibigay ni mama na allowance sa akin bukod sa weekly na grocery. Every friday, after ng shift nya sa trabaho ay talagang nagogrocery pa sya sa SNR na katabi lang ng condo na tinutuluyan ko at dadalhin nya dito sa bahay bago umuwi.
Kung saan saan na ako sumubok maghanap ng trabaho pero wala talaga akong mahanap. Either ang kailangan nila at full timer or wala silang opening.
Sabado ngayon pero maaga akong nagising. Siguro ay dahil sa ang aga kong nakatulog kagabi, alas siete palang yata ay humahagok na ako sa kama ko.
Alas singko palang ng madaling araw at sa tingin ko ay magandang simulan ang araw na to sa page-exercise. Nagtoothbrush lang ako at nagbihis ng pang jogging, mamaya nalang ako maliligo pag napagpawisan na ako. Medyo madilim pa sa labas at malamig ang hangin kaya ramdam na ramdam ko ang lamig paglabas ko. Nakasuot lang ako ng itim na sports sando bra na pinatungan ko ng itim na sports jacket sabay pinartneran ko ng itim na leggings at puting running shoes.
Patuloy lang ako sa pagtakbo habang nakikinig ng music sa nanoPod na dala ko. Marami rami na rin ang nagjojogging ngayon dito palibot sa mga naglalakihang mga buildings. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya napayuko ako sa may bulsa ng jacket ko at kinuha iyon. Patuloy parin ako sa pagtakbo kahit nagbabasa ng text na nagmula pala kay mama. Sinabi lang nya na ngayon palang sila babyahe papuntang Davao at nagbilin na kumain ako ng mabuti.
BINABASA MO ANG
Kill for Love - Book 2
Teen FictionJake is the only son of two of the world's greatest assassins. He grew up being a cold hearted and a snob kid due to trauma that his kidnapper caused him. Can someone make him change? or will he stay being the meanest kid forever?