Chapter 9 - Suitor

12 1 0
                                    

Chris' POV.

Sa nakalipas na mga araw ay lalong lumalalim ang samahan namin ni Isabella. It must be nothing for her but for me, it is something so special. Hindi ko alam kung ramdam na ba nya o talagang nasanay lang sya sa presensya ko kaya ganun nalang sya kakomportable na kasama ako.

Malapit na magumpisa ang group thesis namin at excited na ako dahil alam kong mas mapapalapit pa ako sa kanya, nakakainis lang at may asungot kaming makakasama.

Mabuti na lamang at lagi ko syang sinasamahan sa school, kung hindi ay baka hindi na talaga sya tinigilan ng mga bullies. Idagdag mo pa ang pagstandout nya noong gabi ng party. She gained a lot of "fans" That night.

She was so gorgeous. Like an angel sent from up above. Her smile makes me happy, i never got bored whenever i am with her. Sobrang galing nya kasing makisama sa kahit na kanino, lahat ng trip mo ay talagang sasakyan nya.

Kaya siguro kahit anong pagpapalipad hangin ko sa kanya ay parang wala lang sa kanya dahil akala nya'y biro lang ang lahat.

Wednesday ngayon at papunta na ako sa cafeteria kung saan kami magkikita ni Isabella para sabay na pumasok sa susunod na subject.

"Chris!" Rinig kong tawag sa akin ni Isabella na nakaupo sa isang table na nasa dulo ng cafeteria.

Kumaway naman ako at nakangiting lumapit sa kanya. Nakipag high five sya sa akin at ganun din naman ako. Kumuha ako ng fries na nasa platter nya at umupo sa tapat nya.

"Hindi ka kakain?" Tanong nya.

"Nope medyo busog pa ko, madami kasi akong kinain kaninang breakfast. Ikaw, parang gutom na gutom ka ah, dami mong orders." Pangaasar ko sa kanya.

"Tch! Eh nalate kasi ako ng gising kanina kaya di na ko nakapag almusal. Tulungan mo nga ko ubusin to, baka malate pa tayo sa last subject."

Natawa naman ako sa kanya dahil mukhang problemado sya kung papaano uubusin ang pagkain nya.

Kahit busog ako ay sinaluhan ko sya sa pagkain. Binuksan ko ang bottled water nya at iniabot iyon sa kanya. "Drink this."

"Thanks." Kinuha nya iyon at napanganga ako ng inisang tungga nya lang iyon sa harap ko.

"Grabe ka, may dragon ba jan sa tyan mo?"

"Haha baliw! Tara na!"

Tumayo na kami at naglakad na patungo sa classroom namin para sa last subject.

Pagdating namin sa loob ay naroon na ang halimaw na asungot. As usual, masama na naman ang tingin sa amin ni Isabella. Di ko alam kung anong problema nya sa mundo at bakit lagi syang galit sa amin.

Nasa kalagitnaan na kami ng lecture nang makaramdam ako ng antok, kaya para labanan iyon ay kinuha ko ang notebook ko at nagsulat sa likurang bahagi nito.

Ngingiti ngiti akong siniko si Isabella at marahang itinuktok ang ballpen ko sa notebook para basahin nya ang nakasulat doon. Nagets naman agad nya ang pagmumwestra ko kaya pasimple syang sumilip sa notebook ko.

"Coffee, after class?"

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi at binuksan nya rin ang kanyang notebook para magsulat. Habang nagsusulat sya ay tumingin ako sa nagsasalitang si Prof. Dizon para kunwari ay nakikinig ako.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang pasimpleng pagsiko sa akin ni Isabella. Habang binabasa ko ang sinulat nya ay sya naman ang nagkunwaring nakikinig.

" .!. "

Hindi ko alam kung papano pipigilan ang tawa ko dahil sa sinagot nya. Nakita ko rin kung papano sya magpigil ng tawa kaya nagsulat ulit ako.

Kill for Love - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon