Isabella's POV.
"Balita ko, kaya lang naman nakapasa yan dahil kay Chris."
"Haha oo nga. Ang mas matindi, jinowa nya pa. Nakakaloka."
"What a slut!"
Dinig kong usapan ng mga babae na nakaupo sa tabi ng table na pinuwestuhan ko dito sa may cafeteria habang nakatingin sa akin ng masama. Inirapan pa ako ng isa sa kanila ng tapunan ko sila ng tingin.
Unang araw ng klase ngayon para sa second semester at kanina pa ako nakakarinig ng biglaang pangiinsulto sa kung sino sinong mga estudyante. Mukhang ginawan talaga nila ng issue ang pagiging mag-on namin ni Chris.
Totoong nahihirapan akong magadjust ngayong hindi ko kasama si Chris dahil nasanay na akong kasama ko sya araw araw dito sa school.
Ang buong akala ko ay tinigilan na ako ng mga bullies, iyon pala ay kaplastikan lang ang lahat, porke wala si Chris ay sinasamantala nila ito para ibully ako.
Nawalan na ako ng ganang kumain kaya iniligpit ko nalang ang gamit ko. Akma na sana akong tatayo ng biglang maramdaman ko ang pagbuhos ng napakalamig na tubig sa ulo ko. Nahugot ko ang hininga ko dahil sa sobrang lamig noon, basang basa na ang uniform ko ngayon and I worry na baka bumakat ang underwear ko. Wala pa naman akong dalang kahit anong extra na damit.
Narinig ko ang tawanan ng mga tao sa paligid at nilingon ko ang kung sino mang nagbuhos ng tubig sa akin.
"Fresh enough?" Mataray na tanong sa akin ng isa sa pinakasikat na grupo ng babae dito sa university. Kung hindi ako nagkakamali ay mga cheerdancers sila at ang nagbuhos ng tubig sa akin ay ang cheerleader na muse din ng buong campus na si Krissy.
"Hahahahaha." Tawanan ng mga alipores nya.
"What do you want?" Mahinahon na sabi ko. Maulan ngayon kaya naman pakiramdam ko ay nadagdagan ang panlalamig ko dahil basang basa ako.
"I want you out of our lives. Dahil sayo, dinededma ako ni Chris. And i can't accept that. I am the muse of this campus so dapat ako ang unang pinapansin ng mga lalaki dito at hindi ang isang tulad mo."
Ilang saglit pa ay narinig ko na ang walang kamatayang tili ng mga kababaihan sa loob ng cafeteria, alam ko na kung sino ang paparating. Hindi naman iyon pinansin ng mga malalanding nasa likod ko ang nagaganap sa paligid at mataman paring nakatuon ang atensyon nila sa akin.
Ayokong dumagdag sa kabadtripan ko ang makita si Jake kaya tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko. Maglalakad na sana ako para iwanan na sila pero agad akong pinigilan nitong maharot na Krissy na ito. Nauubusang pasensya ko syang tiningnan mula ulo hanggang paa bago impit na ngumiti sa kanya.
"Anong nginingiti ngiti mo jan?!" Taas kilay nyang tanong sa akin.
"Have you tried looking at yourself in the mirror?" I paused and stared at her once more. "You are ugly as fuck so wag kang magtaka kung bakit hindi ka pinansin ni Chris." Sabi ko sabay irap sa kanya. Marahas kong hinigit ang braso kong kinakapitan nya dahil sa sakit ng maramdaman kong pisilin nya iyon at halos bumaon na ang kuko nya sa balat ko.
Lalampasan ko na sana sya pero agad akong nasubsob sa sahig ng higitin nya ang ulo ko at itumba ako. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumigil sa paglalakad ang paparating na grupo ni Jake ng marinig ang impit na sigawan ng mga estudyante.
Hawak hawak ko ngayon ang buhok kong sinasabunutan ni Krissy. "Anong sabi mo?! Ha?!" Halos mapasigaw ako ng ingudngod nya ang mukha ko sa sahig at walang habas na ilampaso ang katawan ko, sobrang sakit noon at sigurado akong puro gasgas na ang balat ko. Sinubukan kong tumayo pero mas lalo nya akong idiniin, naluluha na ako dahil pakiramdam ko ay mapupunit na ang anit ko sa tindi ng pagkakasabunot nya.
BINABASA MO ANG
Kill for Love - Book 2
Teen FictionJake is the only son of two of the world's greatest assassins. He grew up being a cold hearted and a snob kid due to trauma that his kidnapper caused him. Can someone make him change? or will he stay being the meanest kid forever?