Chapter 13 - Why?

6 0 0
                                    

Jake's POV.

Tatlong linggo na ang nakalipas pero hindi parin nagigising si mommy Jes. Naging mahirap sa amin ang sitwasyon dahil kahit naka coma sya ay mas gusto ni daddy na may nagbabantay sa kanya. Sa unang linggo ay sya ang tumutok kay mommy Jes, nakita ko kung gaano nabalot ng pagaaalala at kaba si daddy dahil mahal na mahal nya ang mommy nya. Ang sabi nya ay hindi pa sya handa, natatakot syang maiwan na naman dahil noong  nawala si Lolo Jacob ay wala ring malay si daddy noon dahil nasa ospital sya.

Alam ko kung ano ang trabaho ni daddy, mas madalas na wala sya sa bahay dahil palaging may emergency meeting sa New York camp.

Nagkataon na Rank promotion nung araw na maospital si mommy Jes kaya wala sila rito sa Pilipinas ng araw na iyon.

Simula nang pangalawang week na nakacoma si Mommy Jess ay kaming dalawa na ni Isabella ang nagbabantay sa kanya. Rotational kami dapat pero pinagpipilitan ni Isabella na sya nalang daw ang magbabantay, paminsan kasi ay sinasamahan sya ni Chris dito.

Sila mommy at tita Cherry naman ay hindi rin pwedeng iwan ang trabaho dahil sa papalapit na merging ng hotel ni mommy at nang kasosyo nya sa business. Imemerge nila ang hotel namin sa katabi nitong private resort sa Davao branch. Sa laki ng dalawang Hotels nila mommy at sa dami ng private resorts na pagmamayari nila, hindi ko alam kung papaano ko iyon imamanage pag dumating ang araw na ako na ang magtetake over ng business namin.

Mahigit isang linggo nang nagbabantay si Isabella sa ospital, kada uwian ay doon na sya dumederecho at sa school ko nalang sya nakikita. Ni hindi na rin nya ako kinikibo dahil sa dami ng nambubully sa kanya. Mas lalong nadagdagan ang mga bullies simula nang nalaman ng buong campus na magkasama kami sa bahay, kaya panay na ang iwas nya sa akin. Ang sinasabi nila ay nilalandi daw nya si Chris sa campus at pagdating sa bahay ay ako naman.

Minsan pa kaming nagkairingan ni Chris dahil nagselos sya sa akin ng lapitan ko si Isabella para ibigay ang isang bag ng mga damit nya bago sya magpunta sa ospital. Pinadala sa akin iyon ni tita Cherry dahil hindi na naman nya naabutan sa bahay si Isabella.

Halos sapakin ko na si Chris dahil para syang tanga na nagseselos kahit alam naman nyang mahal na mahal sya ni Isabella.

Hindi ko sya hinayaan na mapunta kay Isabella para lang maghinala sya ng ganun sa kanya. Galit na galit ako nun dahil nakita ko kung papaano umiyak si Isabella sa harap nya because of disappointment, she said that she wasn't expecting that Chris will doubt her love for him.

Hindi ko napigilan ang sarili ko noon at maging ako nabigla sa sarili ko nang pagbantaan ko sya.

**throwback**

"Chris, calm down please. I just asked him to bring me some clothes."

"You're letting him touch your clothes? You're letting him search your closet? Huh?" Galit na galit na sabi nya kay Isabella.

"What are you saying?!" Umiiyak pero galit na tanong nya.

"What if he's fantasizing you while holding your underwear?! Huh?!"

"Chris! Stop it!"

Natawa ako sa sinabi nyang kagaguhan at nilingon nya ako.

"Anong nakakatawa ha?! Tama ako no?! Pinagpapantasyahan mo sya?! Ha?! Ano?!"

"I don't want to explain myself to you pero sa ikatatahimik ng kaluluwa mo sige i'll explain everything to you. Her mom gave that bag to me earlier this morning para ipaabot kay Isabella, her things were already packed so stop imagining stupid things." Naiinis pero kalmado kong sabi.

"Jake tama na please. Chris let's just go. Tama na."

"Ipagtatanggol mo pa tong gago na to? Ano mas matimbang na ba sya kesa saken? Porke ano, porke ba magkasama kayo sa bahay?!"

Kill for Love - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon