Chapter 18 - All mine

6 0 0
                                    

Jake's POV.

Narito na kami ngayon sa kwarto ni Isabella, tahimik lang kami pareho at ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Magkasama kami sa iisang kwarto at kahit minsan ay hindi namin ito nagawa sa bahay. Madalas pa kaming magkaaway.

Honestly, hindi na ako natatakot na ipakitang nagiging maayos ang pakikitungo sa kanya. Kung tutuusin ay mas gusto ko pang gawin iyon kesa naman sa matapos at mawala na ng tuluyan ang nararamdaman ko nang wala man lang ako ginawang kahit ano. Kaya kahit pasimple ay humahapyaw ako ng paramdam sa kanya.

Hindi ko alam kung nahahalata na ba nya iyon o hinde pero wala na akong pakialam. Tutal hindi rin naman ako out loud sa nararamdaman ko, hinahayaan ko lang ang sarili ko at alam kong lilipas din ito.

I promised myself na hanggang kaya ko ay pipigilan ko ang sarili ko at iiwas ako sa kanya.

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana at mukhang sinusubukan ako. Ilang linggo ko nang napapansin na parang mas lalo kaming nagkakalapit ni Isabella.

What kind of karma is this?

Maging sya ay napapansin ko ang pagiwas sa akin pero tadahana ang naglalapit sa aming dalawa.

Matapos lang ang problema namin na ito ngayon sa pamilya namin ay pinapangako ko sa sarili kong iiwas na talaga ako at babalik na sa maling pagtrato ko sa kanya, or better yet, tuluyan na syang alisin nalang sa sistema ko at magpanggap na hindi sya nageexist sa mundo ko.

Nasa kalagitnaan kami ng katahimikan ng biglang tumunog ang cellphone nya.

Pinanood ko lang syang nagmamadali at natatarantang tumayong papalapit sa bedside table para kunin ang telepono nya.

Napaayos ako ng upo nang walang anu ano'y humagulgol si Isabella. "Chris..bakit ang tagal mong tumawag." She cried as if she didn't her man for a hundred years.

Naglakad sya papalayo at pumasok sa banyo. Bahagya nya iyong isinarado pero dahil sa pagmamadali nya ay hindi iyon matagumpay na sumara.

Sa lakas ng boses ni Isabella ay dinig na dinig ko ang bawat salitang sinasabi nya sa kausap nya. Hindi rin naman kasi kalakihan ang kwartong ito kaya bawat tunog sa bawat sulok ay maririnig mo talaga. Idagdag mo pa ang echo sa loob ng banyo.

"Babe, i missed you. Sana nandito ka." Sabi nya habang humihikbi.

"Im okay now, patulog na rin. Kagigising mo lang?"

"I see, please don't skip your meals okay? Uuwi na din kami bukas."

"Okay. Thank you babe, i love you."

Napaayos ako ng upo nang biglang lumabas si Isabella sa banyo. Tumingin sya sakin pero agad din namang binawi iyon.

"Uhm, matulog ka na, dito nalang ako sa couch." Sabi ko sa kanya ng makabalik sya sa kama.

Hindi nya ako pinansin at muling naupo sa gilid ng kama. Nakatalikod na sya sa akin ngayon kaya hindi ko na nakikita ang mukha nya. Ilang saglit pa ay para akong patay na naubusan ng dugo dahil sa biglaang tanong nya.

"Who's Sabina?" She paused. "Ay mali, who is YOUR SABINA?" talagang pinagkadiinan pa nya ang pagkakasabi sa 'your sabina'.

Hindi ako agad nakasagot, i cleared my throat before answering her. "She's Tito Mike and tita Stacey's daughter." Paliwanag ko.

Never pa nyang nakita si Sabina, hindi naman kasi sila nagpupunta dito sa Pinas, palaging si tito Mike lang. Minsan dumadayo pa iyon sa bahay para lang makipaginuman kay daddy tapos babalik din agad ng New York gamit ang private choper.

Kill for Love - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon