Warning: Medyo Bastos tong chapter na to, so read at your own risk!
Jake's POV.
"Aaaaaaaaaaahhhh!!!!!"
Blagag!!!
"Fuck! Oooowwww!! What the fuck?!"
Pipikit pikit pa akong nakahawak sa balakang ko dahil sa sakit ng pagkakalaglag ko, actually, di ko alam kung saan ako hahawak, kung sa balakang at puwitan ko bang napuruhan sa pagbagsak ko o kung sa ulo kong nauntog kung saan.
Lumingon ako sa likod ko kahit nakasara pa ang kaliwa kong mata para silipin kung saan ako nauntog. "Aissh!!!" Kaya pala sobrang sakit nun ay dahil mukhang nakanto pa yata ang ulo ko. Mukhang magkakabukol pa ko.
Nakaupo ako ngayon sa sahig at nakatabing sa katawan ko ang kumot na sa tingin ko ay nasama sa pagkakalaglag ko kanina.
"O-o-o-ooowww!" Pagismid ko dahil sa sakit ng balakang ko ng subukan kong tumayo.
"Yaaaah!!!! Anong g-ginagawa mo sa k-kwarto k-koooo???!!!" Malakas na sigaw ni Isa-bel-la.
Isa----
Isabe-----
"I-isabella?!!"
Taranta akong napatayo nang marealize na boses ni Isabella ang narinig ko. Tuluyang bumagsak sa sahig ang kumot na kaninang nakabalot sa hubad na pantaas na katawan ko.
"Aaaaaaaaahhhh!!!!! B-ba-bak-ba-bakit ka na-n-na-k-kahu-nakahub-ba-bad????!!!!!"
Mabilis kong sinipat ang katawan ko at pinagkrus pa ang mga braso ko para subukang takpan iyon at saka muling tiningnan si Isabella na ngayon ay may hawak na unan at nakaamba pa iyon para ihampas sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko at nanginginig ang kamay na itinuro si Isabella. "B-ba-bakit s-suot mo yung d-dam-damit ko?!"
Agad na nanglaki ang mata nya at yumuko sa katawan nyang tanging ang long sleeves polo lang ang suot, napakaiksi noon sa kanya at halos makita ko na ang panties nya dahil doon. Idagdag mo pa ang sinag ng araw na pumapasok sa buong kwarto nya kaya parang naka see through nalang sya dahil puti ang long sleeves ko. So technically, nakikita ko ang hubog ng katawan nya ngayon at bakat na underwear.
Napasinghap sya at nabitawan ang unan na hawak. "Y-y-yaaaah! Anong ginagawa mo dito?!" Muling tanong nya. Hindi nya yata napansin na kitang kita ko ang katawan nya kaya nag-iwas ako ng tingin at yumuko para pulutin ang kumot na nasa paananan ko at saka inihagis iyon sa kanya. "Aish! Ano ba?!"
Galit na sigaw nya sa akin matapos kong ihagis pataklob sa ulo nya ang kumot dahilan para matakpan ang buong katawan nya.
Pigil ang tawa ko dahil hirap na hirap syang alisin iyon sa pagkakataklob sa kanya dahil mabigat ang comforter nya. "Jaaaake!!!! Yah!"
Nang maalis nya ang kumot ay bumalik ako sa pagiging seryosong mukha para di nya makitang natawa ako sa kanya. Binalibag nya iyon at saka inis na bumaba sa kama. Agad akong patakbong napaatras dahil alam kong susugurin nya ako, halos madapa dapa na ako dahil sa pagatras ko kaya hindi nagtagal ay nahabol din nya ako.
Bog! Bog! Bog!
"Aray! Aray! Aray ko!!" Inis na sigaw ko habang panay ang pagsalag sa panununtok ni Isabella sa braso ko.
Huminga sya ng malalim bago nagsalita.
"Hoy Jacob Jake Hakobo Clinton na halimaw, anong ginagawa mo sa kwarto ko? Bakit ka nakahubad? Bakit ko suot ang damit mo? At b-bakit m-ma-magkatabi t-t-tayo?!"
Sunod sunod at mataray na tanong nya sa akin kahit nauutal na sya.
Saglit akong napaisip at agad rin namang iiling iling na napatawa. Napasinghap ako at inangat ang kanang kamay ko habang ang kaliwang kamay ko ay nakapamewang naman. Tinuro turo ko pa si Isabella habang ginagalaw galaw ang daliri ko at patango tangong inis na nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kill for Love - Book 2
Подростковая литератураJake is the only son of two of the world's greatest assassins. He grew up being a cold hearted and a snob kid due to trauma that his kidnapper caused him. Can someone make him change? or will he stay being the meanest kid forever?