Isabella's POV.
Maaga akong nagising kahit alam kong jetlagged pa ako, maghahanda na ako para sa pagpunta namin sa puntod ni papa. Kagabi lang kami nakarating ng New York para sa birthday ko. And yes, i am 17 years old today. We do this every year, ayoko ng mga celebration, sabay kasi kami ng birthday ni papa so pakiramdam ko ay dapat lang na puntahan namin si papa sa araw na ito taon taon.
Namatay si papa noong iniligtas nya si Jake from his kidnapper. I can still remember his scary face. Even how Jake looked at me while screaming for help, i still thank him for looking away after seeing me that time. Nakatago ako noon pero nakita parin ako ni Jake at doon sya nagsimulang sumigaw and asked for help. Sumenyas pa ako sa kanya na "wait" Habang nakataas ang isang kamay na sa tingin ko ay naintindihan naman nya.
Iyong kidnapper naman ni Jake nakita ko ang mukha nya noong lumabas si mama matapos mabaril si papa. Nasa labas ako ng bahay namin habang si mama ay nasa loob ng kabilang bahay at dinig na dinig ko ang malakas na malakas na pagiyak nya habang tinatawag ang pangalan ni papa.
Nakatitig lang ako ngayon sa salamin at hinahayaang tumulo ang mga luha habang inaalala ang mga nangyari noong araw na iyon. That man took my dad's precious life. My superhero. Ang masakit pa, he's still on the run until now.
Hinding hindi ko makakalimutan kung papaano nya ako nginitian ng parang dimonyo nang makita nya akong nakatayo sa labas ng bahay namin habang nasa malayo syang papatakas na tumatakbo. Pakiramdam ko ay kasalanan ko rin na nakatakas sya dahil imbes na tawagin ko ang mga naghahanap at naghahabol sa kanyang mga pulis at sila tito Clint ay natulala lang ako sa takot at pinanood lang syang makatakas papalayo.
Tok. Tok. Tok.
Halos mapatalon ako sa gulat ng may kumatok sa pintuan ng guest room na tinutuluyan ko dito sa bahay nila tita Cassie sa New York.
Dahil sa sunod sunod na katok sa pintuan ay nagmadali akong tumayo para binuksan iyon.
"What took you so lo-----" Napigil ang masungit na pagsasalita ni Jake. Pareho kaming nagulat sa isa't isa nang magkatinginan kami. Nagulat ako sa biglaang presensya nya at sya naman ay nagulat dahil hindi ko nga pala napunasan man lang ang luha sa pisngi ko. "Are you crying?" Kunot noong sabi nya at agad ko naman pinunasan ang luha ko.
"What do you need?" Aligagang sabi ko.
"They're already waiting for us downstairs. Let's go."
Papalakad na sana ako ng pigilan nya ako. "Wait." Pigil nya sa akin at may kinuha sa bulsa nya. "Don't move." Sabi nya habang nilalapit ang katawan sa akin at iangat ang kamay nyang may hawak na panyo.
"Kumalat yung make up mo." Hindi na ako nakapalag pa ng punasan nya ang gilid ng mata ko kung saan siguro kumalat ang mascara ko. Iyon lang naman ang nilagay ko sa mukha ko pati lipcream.
"T-thanks." Naiilang na sagot ko at nilampasan na nya ako.
Pagdating namin sa baba ay naroon na nga sa baba ang kotse ni tito Clint na nakaabang sa amin. Binuksan ni Clint ang pintuan ng kotse sa backseat pero hindi agad sya pumasok. Nakatayo lang sya sa gilid ng pinto habang nakahawak dito at matyagang naghintay hanggang sa makalapit ako. Pinauna nya akong makapasok bago sya pumasok sa loob at saka sinarado iyon.
Tahimik ang naging buong byahe namin hanggang sa makarating kami kay papa.
Halos hindi ako makalapit dahil pakiramdam ko ay mahahawa ako sa pagiyak ni mama na ngayon ay nakaluhod na sa harap ng puntod nya habang hinahaplos ni tita Cassie para pakalmahin.
Ako naman ay nasa limang metro siguro ang layo sa kanila. Naramdaman ko naman ang bahagyang pagtabi sa akin ni Jake at nagbuntong hininga sya. Tahimik lang kaming dalawa na nakatayo doon sa tabi ng isang malaking puno.
BINABASA MO ANG
Kill for Love - Book 2
Teen FictionJake is the only son of two of the world's greatest assassins. He grew up being a cold hearted and a snob kid due to trauma that his kidnapper caused him. Can someone make him change? or will he stay being the meanest kid forever?