Chapter 22 - Out of my world

6 3 0
                                    

Jake's POV.

Matapos kong magbihis at magayos ng mga gamit ay bumalik na ako ng kwarto ni Isabella. Agad na kumunot ang noo ko at napairap sa kawalan nang makitang nakahiga parin sya doon. Alam kong ayaw nya talagang sumama pero hindi ko naman sya pupwedeng hayaan na magmukmok nalang dito maghapon magdamag.

Bago ako tuluyang makapasok sa kwarto nya ay ngumiti muna ako para hindi nya mahalata na nagaalala ako para sa kanya.

"Tsk! Sleepy head! Tayo na jan!"

"Tinatamad ako Jake. Ikaw nalang ang umalis kung gusto mo talaga. Isama mo sila Damon para di ka mabagot." Walang ganang sabi nya.

"No! Ikaw ang gusto kong kasama Isabella at hindi sila." Nilapitan ko sya para hawakan ang dalawang kamay nya at buong lakas na itinayo sya sa kama.

"Ugh.. Jake ayoko nga."

"Tatayo ka o bubuhatin kita papuntang banyo?" And to my surprise binawi nya ang kamay nya at muling nahiga sa kama. "Aba talagang sinusubukan mo ako ah."

Mabilis akong lumapit sa kanya at talagang binuhat sya.

"H-hoy Jake! Ano ba ibaba mo nga ako! Yah!" Pagpupumiglas nya pero di naman ako nagpatinag kahit hinahampas hampas nya na ako sa dibdib at braso.

"Baka nakakalimutan mo kung sino at ano ako Bella, I am still that mean guy that you know." Binuksan ko ang pintuan ng banyo at naglakad papapasok. Inupo ko sya sa nakatakip na toilet bowl at naglakad papalapit sa shower room.

Bubuksan ko na sana ang shower pero naisip kong nakabihis na nga pala ako. So i then stepped out of the shower room and took off my shirt. I smirked when I saw her look away because of what I did.

"H-hoy Jake ano bang ginagawa mo?!" Nauutal na sabi nya at napangiti naman ako.

"Nakabihis na ko at baka mabasa ako, tatantsahin ko lang itong heater mo."

"A-ako n-na..k-k-kay ko nam-naman y-yan eh." Lalo syang nauatl dahil nilingon nya ako at saka tumingin sa abs ko.

"Tinatamad ka diba? So I'll do it for you then."

Nang matantsa ko na ang init ng heater nya ay nilapitan ko na sya.

Nakayuko lang sya at pilit na iniiwas ang tingin sa akin.

"Maligo ka na."

"O-oo na! Oo na!"

"Bakit di ka pa tumayo jan? Gusto mo paliguan pa kita?" Nagbibirong tanong ko at nakita ko ang agarang pamumula ng mga pisngi nya.

"Yah! Jacob! Lumabas ka na kasi! Pano ko maliligo kung nandito ka!" Napatayo sya sa inis at sinigaw sigawan ako.

Lumabi naman ako na parang bata at inosenteng kakamot kamot ng ulo. "Eh sabi mo kasi tinatamad ka bak-----"

"Yaaaah!! Alis! Alis!" Sigaw nya at pinagpapalo ako habang tinutulak palabas ng banyo.

Natawa naman ako sa ginawa nya kaya nagpabigat pa ako ng husto para pagtripan sya. Hindi nagtagal ay napalabas nya din ako sa banyo nya at binagsakan pa ako ng pinto.

Iiling iling akong naupo sa kama nya. Inilibot ko ang mga mata ko at maya maya pa ay nahagip ng paningin ko ang isang nakabukas na puting envelope. Kinuha ko iyon at nabasa ang nakasulat. "Miss Cassandra" Kumunot ang noo ko ng mabasa ang pangalan ni mommu kaya inilabas ko ang laman nito. Agad akong napangiti nang makita ang litrato namin ni Bella noong acquaintance party, mukhang ngayon lang pinaprint ni mommy iyon.

Nakita ko na naman ang litrato namin kung saan titig na titig ako sa seryosong mukha ni Isabella habang nakatingin sa camera. Ang isang litrato naman ay ang kuha namin na nakawacky si Isabella habang ako ay nanlalaki ang mga mata na sinasalo ang katawan nya.

Kill for Love - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon