Kabanata 16

3.5K 78 2
                                    

Thank you
Dedicated to LigawNaDyosa

Naging busy ang sumunod na araw para kay Ayesha. Sunod-sunod ang schedule ng meetings ng boss niya. Halos hindi na nga sila nagkikita dahil laging nasa labas ang mga meetings nito. At hindi siya isinasama man lang.

Nakakapagtakang hindi siya kasama sa mga meetings. Para saan pa at naging secretary siya nito. Napahalukipkip siya.

Naiinis siya.

Hanggang ngayon kasi hindi pa rin niya nakakalimutan ang sinabi nito sa kanya.

"Because you're not just pretty. You are beautiful, Ayesha."

Kinikilig na naman siya. She might be crazy. Simula ng sabihin nito iyon sa kanya ay halos hindi na siya makatulog ng maayos. She doesn't want to believe it pero may bahagi ng isipan ang gustong i-absurb ang sinabi nito.

Napabuntong-hininga siya.

Mali.

Maling-mali.

Hindi siya dapat nagpaapekto sa sinabi nito. Sa hitsura pa lang ng binata ay mukhang wala pang sineseryosong babae.

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Bakit ba niya inaaksayahang isipin ang tungkol sa lalaking 'yon. She's here to work for him as his secretary. Nothing more, nothing less.

"Lalim nun ah." Tinig na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

"Oh, Brix ikaw pala. May kailangan ka ba?" Aniya na napaayos ng upo.

Napakamot ito sa batok. Tila nahihiya magsabi ng gusto nitong sabihin.

"Yayain sana kitang maglunch. Okay lang ba? My treat." Ngumiti ito sa kanya.

Napatingin siya sa relo niya. Lunch time na pala hindi niya namalayan ang oras. Ngumiti siya. Wala naman masama kung sasama siya dito.

"Ganon ba? Sige-"

"She's coming with me." Anang baritonong boses sa likuran niya.

Sabay silang napalingon ni Brix. Her eyes widened nang mapagsino ang nagsalita.

"Eh sir breaktime ko na po. Maglunch po muna kami." Nag-alangan niyang sabi.

Tsk. Kabute ba 'to at bigla-bigla na lamang sumusulpot.

"I'll be needing you there sa lunch meeting ko with Mrs. Chan. Get your things now and follow me." He said in an authoritative voice and turn his back to them.

"Sorry ha, next time na lang." Pagpapaumanhin niya kay Brix.

"Okay lang. Sige na baka magalit pa si sir sa 'yo." Nakangiting sabi nito pero hindi naitago ang lungkot sa mukha.

Dali-dali niyang kinuha ang bag niya at sumunod sa suplado niyang boss.

Huminto sila sa isang mamahaling restaurat. Mabilis itong umibis at pinagbuksan siya ng pinto na ikinagulat niya.

Gentleman naman pala.

"Thank you." Nangingiming ngumiti siya dito.

Nakita niyang napapalingon sa kanila ang mga customer na nasa loob. Paano ba namang hindi eh ang gwapo ng boyfriend niya este ng Boss niya.

Tsk. Ano ba 'tong pumapasok sa isipan niya.

Naririnig niya ang mga bulungan ng ibang naroon.

"Omg! Si fafa Claude!"

"Gosh he's so handsome!"

"Girlfriend niya ba 'yan? Hindi sila bagay!"

My Lover in the Dark (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon