Kabanata 38

2.8K 74 1
                                    

Thank you
Dedicated to GlendaDavid023


Hello guys, ilang chapters na lang po at matatapos na ang story ni Claude at Ayesha. Salamat po sa mga sumubaybay at nagbasa at magbabasa pa ng story nila. ❤❤❤

Ilang araw ng hindi pumapasok si Ayesha. Ilang araw na ring pabalik-balik ang binata sa bahay niya. Ngumit ni minsan hindi niya ito hinarap kahit pa inabot ito ng gabi kakaantay sa kanya na pagbuksan ito.

Ilang araw na din siyang walang ganang kumain. Pero pinipikit niyang kumain kahit konti para sa baby niya. I mean para sa baby na nasa tiyan niya hindi para sa baby damulag na hanggang ngayon ay nasa labas na naman ng bah seeay niya. Ni maligo ay kinatamaran na rin niya. Wala siyang gana. Wala siyang gana sa lahat ng bagay. Gusto niya lang magmukmok. Nababaliw na yata siya.

Nagiging tamad na siya. Ganito ba epekto ng pagbubuntis may mga bagay siyang kinakatamaran. Haist ano ba ang nangyayari sa kanya?

Tinatamad na bumangon siya. Tinungo niya ang bintana at sinilip kung nandoon pa ang binata. Nakaramdam siya ng lungkot ng makita ang binata na matamlay na sumakay sa kotse nito at umalis.

Napabuntong-hininga siya. Kahit hindi man niya aminin alam ng puso niya na namimiss na niya ang binata. Namimiss na niya itong kasama. Ang paglalambing nito, ang yakap at mga halik nito. Kahit naman nasaktan siya sa ginawa nito hindi naman nabawasan ang pagmamahal niya para dito. Mahal na mahal pa rin niya ito.

Miss na miss na kita baby...

Napakunot ang noo niya ng makarinig ng pagtawag sa labas. Muli siyang sumilip para mapagsino iyon. Nakita niya si Scarlette na nakatayo sa labas ng gate ng bahay nila.

What is she doing here?

Nagdadalawang-isip siyang pagbuksan ito at harapin. Kung tutuusin ito ang may dahilan ng lahat. Marahas siyang napabuga ng hangin. Pagkuway lumabas siya at pinagbuksan ito.

"Hi." Kiming bati nito.

Niluwagan niya ang pagkakabukas ng gate. Nag-aalangang pumasok ito dahil sa mukha niyang walang kaemo-emosyon.

"What brought you here?" She asked flatly. "Look kung pinapunta ka dito ni Claude para kumbinsihin ako please lang ayoko munang makausap kayo." Diretsang sabi niya ng hindi ito kumibo.

"First of all I'm not here dahil kay Claude. O dahil inutos niya." Umpisa nito. " I know it's my fault kung bakit kayo nagkakagulong dalawa. If it wasn't because of me sana okay kayo. I'm the one responsible for everything that happened. Dapat sa akin ka magalit huwag sa kanya. Claude loves you so much. I want both of you to be happy. Sana magbati na kayo. Kami nga napagbati mo ni Gian it's time for me to return the favor." Tumayo ito and went closer to her. She held her hands gently.

"Don't you love him anymore?" She asked her politely. Umiwas siya ng tingin.

"Mas nananaig ba ang galit sa puso mo kaysa sa pagmamahal mo sa kanya? Kasi sa nakikita ko you still love him pa. I know masyadong makapal ang mukha ko but still gusto kong humingi ng tawad sa nagawa ko sa inyo ni Claude. Masaya ako na napatawad na ako ni Claude, pero mas magiging masaya ako kung pati ikaw mapatawad mo 'ko. At kung magkakaayos kayong dalawa. Magiging ninong at ninang pa kayo sa baby namin. Ikaw pa ang maid of honor ko, remember?" may luhang namalisbis sa mukha nito. "I'm really sorry, Ayesha. I'm really am." Kita niya ang sinseridad sa boses nito.

Mataman niya itong tiningnan. Siguro nagmahal lang ito ng sobra kaya nagawa nito iyon sa binata. Pero nakikita niyang nagsisisi ito at humihingi ng kapatawaran ngayon sa kanya.

Pinalis niya ang mga luha nito. "Tahan na. Ayokong pumangit ang inaanak ko." She smiled. Napaawang ang labi nito sa narinig. Lalo itong napahagulgol. Niyakap siya nito.

"Haharapin mo na ba siya?" Pagkuway tanong nito.

Tumango siya. "I missed him." Pag-amin niya. Napakagat-labi siya.

"Miss na miss ka na din noon. Halos araw-araw sa amin siya ni Gian pumupunta and I saw how miserable he is 'til right now. Ikaw ang bukambibig niya. Halos hindi na siya pumapasok. Napabayaan na niya ang sarili niya. Ngayon lang ito nangyari sa kanya. And I don't wanna see him miserable lalo pa at ako ang dahilan. My conscience can't take it anymore. I feel so guilty kaya pinuntahan na kita dito. He loves you so much Ayesha." Mahabang paliwanag nito. May awang humaplos sa puso niya. Nag-aalala siya sa binata. "You still love him right?"

Ngumiti siya. "Never naman nawala iyong pagmamahal ko sa kanya. Nagalit lang ako but it doesn't mean I don't love him anymore. He 's still here."  Sabay turo niya sa puso niya.

"Surely matutuwa 'yon. Time to kick your ass from here. And... " pinasadahan siya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. "You stinks" Reklamo nito.

She rolled her eyes. "Ilang araw lang naman akong hindi naligo." Tumatawang sabi niya.

"You what?" Hindi makapaniwalang sabi nito.

"Eh sa tinatamad ako." Nakangusong sabi niya.

"Oh God please maligo kana. You looked like a mess. Hindi mo namang gugustuhing maungusan ka ni Maureen kay Claude na sunod ng sunod sa kanya. Bigla na lang sumusulpot sa kung saan na parang kabute." Pagpalatak nito habang nakatirik pa ang mata.

Napawi ang ngiti niya sa labi. "A-anong sinabi mo? Si Maureen?"

"Yeah, she's tailing Claude kahit panay taboy naman ni Claude sa kanya but she's too persistent. Nakakairita. Pinipigilan lang ako ni Gian dahil nag-aalala siya sa amin ni baby. Kung ako lang baka nasabunutan ko na siya. She really got the nerve." Pakiramdam niya umakyat ang lahat ng dugo niya ulo pagkarinig sa sinabi nito.

At ang hitad sinasamantala ang pagkakataon! Humanda ka sa 'kin! Balak mo pa kaming agawang mag-ina, hah! Gigil na sabi ng utak niya.

She clenched her fist. "Mukhang hindi niya na-gets ang pagpapakilala ko sa kanya last time. Baka gusto niyang magpakilala ulit ako." Her jaws tightened.

Ang kapal talaga ng mukha ng impaktang iyon! Akala niya hahayaan ko siyang maagaw sa akin ang baby ko. Hmp.

Manigas siya!

She composed herself. "I need to freshen up. Please wait for me." Aniya dito.

"Where to?"

"Sa lalaking mahal ko."

"Atta girl. Sige na ambaho mo." pagtataboy nito at binuntutan pa ng tawa. Inirapan niya ito at tinalikuran niya.

Last update for today.
Enjoy Reading.
Xoxo❤❤❤

My Lover in the Dark (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon