-Wakas-

5K 108 35
                                    

Thank you
Dedicated to kawaiiayesha

Hope you'll like it. ❤

Maureen was sent to jail. Pinuntahan nila ito doon. Umiiyak na humingi ito ng tawad sa nagawa nito sa kanila. Lalo na sa nobyo niya.  Kita nila ang pagsisisi dito kaya naman pinatawad na nila ito. Ayaw nilang magtanim ng sama ng loob dito gayong malapit na silang ikasal. Gusto nilang magsimula ng panibagong buhay. Yung walang tinatago sa isa't-isa.

Isinama ang binata kung saan naroon ang mga magulang niya. Gusto niya itong ipakilala sa mga ito bago sila ikasal. Mahirap na baka magtampo ang mga 'to at multuhin sila pareho. But seriously, gusto niyang malaman ng mga 'to na okay siya. Okay ang kalagayan niya at masaya siya. Marami siyang gusto ikuwento, yung lahat ng mga nangyari sa kanya. Na ikakasal na siya at magkakaapo na ang mga ito.

Nakangiting inilapag niya ang dala nilang bulaklak para sa mga ito. Nasa tabi nman niya ang nobyo. Natutuwa siya at hindi napapabayaan ang puntod ng mga ito. Malinis iyon. Mamaya dadaan niya ang care taker para makapagpasalamat.

"Hi mom and dad sorry kung ngayon lang ako ulit nakadalaw ha. Andami kasing nangyari, naging busy din sa trabaho. Huwag na kayong magtampo. Tsaka hindi ako nag-iisa ngayon. I'm with Claude, ang mapapangasawa ko. Gusto ko rin ipaalam sa inyo that I'm pregnant. Magkakaapo na po kayo. I know masaya kayong magkasama dalawa ngayon. Kayo na po bahalang mag-guide sa amin at sa magiging pamily ko." Nakaramdam siya ng lungkot. Naalala na naman niya ang mga ito. "Guess what mom, dad? I'm getting married." Ipinakita niya pa ang kamay kung saan naroon ang engagement ring niya. "How I wish na andito kayo. Miss na miss ko na kayo." Pumiyok ang boses niya. Tumulo na din ang luha niya. Ganito yata kapag buntis nagiging emotional.

Naramdaman niya ang masuyong pagyakap ng nobyo sa kanya. "Stop crying baka isipin nila pinapaiyak kiya. Baka multuhin ako ng parents mo." Pabirong sabi nito sa huling tinuran. Mahina siyang napatawa.

"Sobra ko lang silang namimiss." Aniya ng nakangiti na.

"I know." He cleared his throat and held her hand. "Hello po, tito, tita. I'm Claude Mendez, your daughter's boyfriend and soon to be her husband." Nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito. "I'm here to ask for your permission to marry your daughter. I'll take care of her at ang magiging mga anak namin. I love your daughter and I'll love her more for the rest of my life. I promise that." Sinserong saad nito at matiim na nakatingin sa kanya.

Naluluhang niyakap niya ito. She could not asked for more. Loving him was the best thing ever happened to her.

Isang linggo pa ang lumipas at idinaos ang wedding nila. Ginanap ito sa La Costa Resort where they first met. Imbitado ang lahat ng empleyado. Pareho nilang napili ang resort para sa venue ng kasal nila dahil dito ang naging simula ng love story nila. Ipanasara ni Claude ang buong resort ng isang linggo para daw sa kasal nila at gusto siyang masolo bago sila tumungo sa Italy para sa honeymoon nila. Ito ang regalo sa kanila ng parents nito.

Today isa na siyang ganap na Mrs. Mendez. Walang pagsidlan  ang kaligayan niya ng araw na iyon. Yung maumbok niyang tiyan ay hindi halata dahil sa gown na napili niya. Halos mangalay na paa niya sa kakangiti sa lahat ng bumati sa kanila. Kahit yung iba ay hindi niya kilala.

"Finally, you're my wife now." He said while holding her hands.

"And you are my husband now." She added.

It's late in the evening, nagkakasiyahan ang ibang bisita ng biglang magyaya ang asawa niya na maglakad-lakad sila sa dalampasigan.

Buti na lang napalitan na niya ang suot-suot na gown kanina. Malamig ang simoy ng hangin kaya napayakao siya sa sarili.

My Lover in the Dark (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon