Kabanata 8

4K 90 1
                                    

Thank You
Dedicated to EllenBarcita

Claude

Tumungo siya sa bar para makapagrelax para na rin matingnan ko madami ang bisitang pumupunta doon. Bukod kasi sa resort pinalagyan niya ng bar para kahit malayo man ang city ay maramdaman pa rin ng mga bisita ang night life.

Pumasok siya sa loob at tinungo ang bar. Nilibot niya ang paningin at nakitang marami din palang dumadayo sa loob. Wala naman siyang balak magtagal afte rng ilang shots ay babalik na din naman siya sa room niya.

Nakakatatlong shots na siya ng biglang makarinig ng pamilyar na boses.

Naipikit niya ang mga mata.

This woman is giving me such a headache. Hanggang kailan ba 'to titigil. Parang isang kabute bigla na lamang susulpot. Anas ng isip niya.

Inalok siya nitong uminom. Hindi niya ito pinansin pero mapilit. She's giv8nf her a shor after nun iiwan na daw siya nito.

Mabilis niyang kinuha iyon at diretsong ininom.

Clearly, he want her to leave kaya ginawa niya iyon. Tinupad naman nito ang sinabi pero bago umalis ay may ibinulong pa ito sa kanya.

"Thank you. Magiging akin ka din." At tinalikuran siya.

Baliw! Nababaliw ka na! I will never be yours! Gusto niya sanang sabihin dito pero mas pinili niyang itikom ang mga bibig.

Muli pa siyang humingi ng isang shot nang mapadako ang tingin niya sa isang pamilyar na mukha sa bandang sulok.

It's her! Yung babaeng nanampal sa kanya kanina. Sinundan niya ito ng tingin. Nakita niyang papunta ito ng cr. Maya-maya lumabas din. Napakunot noo siya ng mapansing hindi ito bumalik sa puwesto kung saan ito galing kanina.

Hindi niya iwinala ang paningin niya dito. Dali-dali siyang bumaba sa mahabang stool na kinauupuan at sinundan ito. Ngunit bago pa siya makalabas bigla siyang nakaramdam ng hilo.

Bigla siyang huminto. Ipinilig niya ang ulo niya at muling humakbang palabas. Paglabas niya nagpalinga-linga siya. Hinanap ang babaeng sinusundan ngunit hindi niya ito makita.

Naglakad siya konti. Napalingon siya sa gawing kanan kung saan may nakita siyang bultong naglalakad palayo patungo sa dalampisigan. Sinundan niya iyon.

Nang marating ang tabing dagat ay bigla siyang napatigil. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba. Ang init ng pakiramdam niya parang sasabog siya. Nasapo niya ang ulo niya. He can't explain what he's feeling right now. Ngayon niya lang naramdaman ito. He seems to explode anytime. He got a blurry vision o sadyang madilim lang talaga sa lugar na kinaroronan niya.

He tried to take few more steps, hinubad niya ang suot na damit baka sakaling mabawasan ang init na nararamdaman niya. Nakarinig siya ng mahinang boses, sinundan niya ang boses na 'yon. Naglakad siya ng naglakad hanggang sa may mabangga siya.

Ayesha

Muntik ng mapasigaw si Ayesha ng may mabangga siya, medyo madilim sa gawing iyon at hindi niya maaninag kung sino iyon. Nagulat siya ng pumulupot ang mga kamay neto sa beywang niya.

"Hmmm you smell so good baby..." Napasinghap siya sa mahinang bulong nito sa tenga niya. Iniharang niya ang mga kamay sa dibdib nito.

"S-sino ka?" Kinakabahan niyang tanong. Pilit niya itong tinutulak ngunit mas lalong hinigpitan neto ang pagkakayakap sa kanya.

"Your lover baby..." he said in a husky voice. Naaamoy niya ang alak sa hininga nito.Nakakaramdam na siya ng takot. Muli niya etong itinulak ngunit nabigo lamang siya sadyang malakas ang lalaking kaharap niya.

"P-please... m-maawa ka, bitawan mo ako." Nanginginig niyang sabi."Not so fast baby... Don't worry mag eenjoy ka sa gagawin natin... " nanlaki ang nga mata niya ng sakupin nito ang kanyang labi.

Diyos ko, tulungan niyo po ako! Sigaw ng utak niya. 

Sisigaw sana siya nang muli nitong sakupin ang labi niya. Mas marahas at malalim. 

Nag-uumpisa nang pumatak ang mga luha niya. Pero bakit ganon? His lips taste so sweet. This is her first kiss. Ang takot na nararamdaman ay onti-unting napapalitan ng kakaibang sensasyon. 

Bakit ganon? This can't be. Isang ekstranghero ang nasa harapan niya at may masamang balak sa kanya.

Naglulumikot ang dila nito sa loob ng bibig niya. Ngunit siya ay nanatiling tulala. Ang nararamdamang takot ay tila napalitan ng excitement.

"Kiss me..." Bulong nito sa tenga niya. Nanayo ang mga balahibo niya sa ginawa nito. Ramdam niya ang init ng hininga nito na tila naghahatid ng kakaibang kiliti sa kaibuturan niya.

Walang anu-ano'y sinunod niya ang ginawa nito. She responded with kiss. Nangunyapit siya sa batok nito para lalong lumalim ang halikan nila. Masarap at matamis iyon ang tanging nalalasahan niya sa kahalikang ekstranghero. Hindi niya alintana ang malamig na simoy ng hangin mas ramdam niya ang init ng katawan nito.

Strange. Pero gusto niya ang nangyayari. And she want more!

ooops! Bitin ba?

SPG Next update.

Thank you guys 😘😘😘

Xoxo ❤❤❤


My Lover in the Dark (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon