Kabanata 5

4.5K 84 2
                                    

Thanl you
Dedicated to Viena1204

"Hello Scarlette, nice to meet you." Nakangiting sabi nito sabay lahad ng kamay sa kanya. Nag-aatubiling tinanggap niya iyon. 

Pinagmasdan niya ito. Maganda ito, she has an angelic face and has a sweet smile. Mukhang mabait kaya siguro nagustuhan ito ng binata. But they are not meant to be, kami ang bagay ni Claude! Sigaw ng isip niya.

"Mauna na kami, Scarlette." Paalam ng binata sa kanya. "Let's go," yaya nito sa katipan. Nagpaalam 'yung babae sa kanya pero tango na lamang ang naisagot niya.

Habang papalayo ang mga ito ay nanlalabo ang mga mata niya. Doon biglang bumuhos ang mga luhang kanina pa niya pinipigil.

Ansakit. She doesn't know what to feel right now. She felt devastated. Ang lalaking mahal niya may kasintahan na. Hindi niya matanggap, it's suppose to be me, ako ang dapat nasa lugar ng babae na 'yun.

But how? Ni hindi naman alam ng binata ang feelings niya towards him. And now malalaman niya may girlfriend na ito. 

Napahagulgol siya. Naihilamos niya ang dalawang palad sa mukha niya. Napasalampak siya ng upo sa damuhan. Daig pa niya ang batang inagawan ng laruan sa pag-iyak niya. Ganito pala ang feeling na masaktan. Mahal mo siya, pero iba ang mahal niya. She wasn't ready for this pain.

"Sinabi ko naman sa 'yo, masasaktan ka lang. Antigas-tigas ng ulo mo, you don't wanna listen." Basag ng isang tinig sa likuran niya. Sabay abot ng panyo sa kanya.

Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na 'yon. It was Gian, ang bestfriend ni Claude. Alam nito ang feelings niya para sa kaibigan nito. Tanging ito lamang ang nakakaalam ng sikreto niyang iyon. Kinuwento niya dito ang lahat kung ano ang dahilan kung bakit nasa andito siya sa school na 'to. It was all because of Claude.

Kinuha niya nag panyo na inalok nito. Muli siyang napahagulgol. Napayakap siya dito. Mahigpit naman siya nitong niyakap at inalo-alo.

"Ansakit. Ansakit sakit pala." She said. She can't explain how painful it is. Basta ang alam niya sobra siyang nasasaktan ngayon.

"Ssshh.. Tahan na. I'm here." Sabi nito.

"Tell me honestly, panget ba ako? Hindi ba ako kagusto-gusto?" Aniya ng humiwalay ng yakap dito. Patuloy pa rin sa pagbuhos ang mga luha niya.

"Hey, don't say that. You're beautiful." Hinawakan nito ang chin niya."Maybe he's just too blind to see it. Or sadyang sa iba lang talaga siya nakatingin kaya hindi ka niya makita." Sabi pa nito.

"You're not helping." kontra niya dito.

"Look, the thing is you love him and he doesn't love you back. You have to accept and move on. Marami pang iba diyan na magkakagusto sa'yo at magmamahal sa 'yo. You just have to look around hindi 'yung siya na lang lagi ang nakikita mo." Seryosong sabi nito.

"Can you just give me a ride, please?" Nasabi na lamang niya.

"Okay." Napabuntong-hininga ito.

Tahimik ang naging byahe nila. Hinatid siya nito pauwi.

"Thank you." Aniya ng makarating sa labas ng gate ng bahay nila. Binuksan niya ang pinto ng naturang kotse at lumabas.

"Scarlette-"

"You will never understand me, lalo na 'yung nararamdaman ko ngayon kasi hindi ka naman nagmahal ng ganito." Putol niya sa sasabihin nito at isinarado ang pinto ng sasakyan.

Hindi na siya nag-abalang lumingon pa at nagdire-diretso sa loob ng bahay nila.

Days, weeks, months passed. Madalas niyang makita ang dalawa  na magkasama. Kung gaano ito kasweet sa isa't-isa.

She thought magugustuhan na siya ng binata lalo pa at nagiging okay na sila. It was all ruined nang dumating ang babaeng ito sa buhay ng binata.

Matalim niyang sinundan ang tingin ng dalawa.

Claude is mine! Only mine! Galit niyang sabi sa isip.

"Kung nakakamatay lang ang tingin baka nakahandusay na silang dalawa."Gulat na napalingon siya sa pinagmulan ng boses. Nakahalukipkip ito habang matamang nakatingin sa kanya.

"Really? What is it right now, Gian? Ano bang ginagawa mo dito?" Magkasalubong ang kilay na sabi niya

"Pinagmamasdan kung gaano ka kaganda." Napaawang ang labi niya sa sinabi nito.

"Sana ganoon din tingin ni Claude sa 'kin." Biglang bulalas niya. Nalungkot siya bigla.

Hindi niya napansin ang pagtiim-bagang nito.

"Maganda nga tanga naman." Bulong nito.

"Anong sabi mo" kunot-noong tanong niya.

"Let go, have pity for yourself. Wake up, can't you see? He's happy with her. Hayaan mo na sila." Seryosong sabi nito.

"How dare you! Kaibigan ba talaga kita? Of all people ikaw pa talaga magsasabi sa akin niyan?" Nag-uumpisa nang pumatak ang mga luha sa mata niya. She's hurting again.

"I am your friend kaya sinsabi ko 'to dahil nasasaktan ako para sa 'yo. You deserve someone better. Na mamahalin ka din." Paliwanag nito.

"How many times do i have to tell you na si Claude ang gusto ko! Siya lang ang mahal ko at wala ng iba!" Naniningkit ang mga mata niya sa galit. Nilapitan niya ito at pinagbabayo sa dibdib. Hinayaan naman siya nito.

"That's it! Siya lang kasi ang iniisip mo! Siya lang ang nakikita mo! Wake up! He doesn't love you, iba ang mahal niya kaya 'wag mo na ipilit 'yang nararamdaman mo! Naiintindihan mo ba? Hindi ka niya gusto, hindi ka niya mahal!" Mataas ang boses na sabi nito.

Sinampal niya ito.

"Damn you! Hindi mo alam ang nararamda-"

"I knew it, i know how it feels. Mahal kita pero iba ang mahal mo. And it hurts like hell!" Malungkot na sabi nito sabay talikod sa kanya.

Nawindang siya sa sinabi nito. Matagal bago rumehistro ang sinabi nito sa kanya. Napasunod siya ng tingin sa bultong papalayo sa kanya.

Mahal siya ni Gian?

NOTE: Please Vote And Comment.

Thanks guys! ❤❤❤
Xoxo 😘😘😘

My Lover in the Dark (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon