Kabanata 42

3K 68 0
                                    

Thank You
Dedicated to kampanerang_chaka08


They decided to used his car. Siya ang nagmaneho while Gian is checking Scarlette's phone location. Nakipag-ugnayan na rin sila sa mga pulis. Pero nauna na sila sa location. It's a three hour drive pero naitakbo niya iyon ng isang oras lang. He want to be there as soon as possible.

My baby... Hold on. I'm gonna save you.

Halos kanina hindi mag-sink in agad sa isip niya na nakidnapped sina Ayesha at Scarlette. Ang movie na tinutukoy nito ay hindi naman talaga gustong panoorin. It was a message para ipaalam sa kaniya ang kalagayan nito.

Gusto niyang batukan ang sarili dahil hindi niya agad nagets. How stupid he can be? Nagdarasal siya na sana okay lang ito pati si Scarlette.

Hindi niya alam kung ano dahilan kung bakit at paano ito nakidnapped? At sino ang may kagagawan? Wala namang tumawag para manghingi ng ransom money. Kaya napapaisip siya. At 'pag nalaman niya he would never those bastards na hindi magbayad sa ginawa sa girlfriend niya.

"Malapit na tayo." Gian informed.

"Yeah, I think we should stop few blocks away para hindi nila makita ang sasakyan natin." Suhestiyon niya.

"That's a good idea. I'll call Chief Pelaez to inform him na andito na tayo sa location." Anito.

"Sige." ipinark niya ang kotse sa tagong lugar para hindi agad makita. Tinungo nila ang abandonadong building.

Sa labas ng building kitang-kita nila ang walong tao na puro armado na nasa labas at tila nagbabantay. Sinenyasan niya si Gian na magtago muna. Hindi sila puwedeng sumugod ng basta-basta.

Umikot sila sa likod ng building kung saan nakita nilang dalawang tao lang ang nakabantay sa labas ng pinto. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito. Si Gian naman ay nakasunod sa kanya.

Marahan niyang tinapik ang balikat nung lalaki. Napaigtad ito at biglang lumingon. Mariin niyang hinawakan ang ulo nito at sunod-sunod na sinuntok sa mukha. Bulagta ito sa sahig. Tiningnan niya si Gian at bagsak na rin ang isang bantay.

Maingat niyang binuksan ang pinto. Walang bantay sa loob pero napamura siya ng makitang apat ang palapag ng naturang building.

"Can you check their location?" Baling niya kay Gian.

"Third floor. Oh shit!" Mabilis na sagot nito pero agad ding napamura

"Why?"

"They're moving, we have to be quick."

"Fuck! Hold on baby we're coming." Mahinang bulong niya at mabilis na tinunton ang third floor.

Mabilis silang nagtago sa malaking poste sa third floor ng makitang may taong lumabas sa isa sa mga silid na nandoon. Papadilim na rin kaya hindi sila gaanong makita agad ng mga ito.

"Hindi ba sabi ko sa 'yo iready niyo na ang sasakyan?!" Singhal ng babae sa kausap na lalaki.

It's a familiar voice kaya naman bahagya siyang umuklo para mapagsino iyon. His eyes went wide ng makilala ito. No other than his ex-girlfriend, Maureen.

Naikuyom niya ang kamao.

Damn you Maureen! How could you do this?!

"Is that Maureen?" It's Gian.

Tumango siya para ikumpirma ang tanong nito.

"That bitch will gonna pay for this!" Galit na turan nito.

"Yeah and we'll never gonna let her away with it. Damn her!" Galit na sabi niya.

"Bakit ngayon ka lang?!"

"Natagalan sila boss nagkaroon daw kasi ng check point papunta dito." Sagot ng lalaki kay Maureen.

"Check point? And why would they'll be having check point eh tagong lugar ito?!" Muling singhal nito.

Napakamot sa ulo ang kausap nito. "Hindi kaya boss natunugan nila tayo? Na tinangay natin ang dalawa?" Tila nininerbiyos na saad nito.

Nagdilim ang mukha niya sa narinig.

So she planned it all along? Mukhang nagkaka-ideya na rin siya kung bakit bigla-biglang nakipaghiwalay ang dalaga sa kanya.

"Paano tayo matutunugan eh wala namang nakakaalam na-" Natigilan ito. Biglang may hinalungkat sa bag na dala-dala. Kita niya ang panlalaki ng mg mata nito habang hawak-hawak ang cellphone.

"Damn it! Sabihan mo silang ihanda na ang dalawang sasakyan ngayon din at magpapunta ka ng apat na  tao dito para kunin ang dalawa dito." Nagmamadaling utos nito.

"Ano po gagawin sa dalawa boss?"

"Dalhin niyo sa malayo kung kinakailangan patayin niyo o ilibing niyo ng buhay gawin niyo basta hindi na sila makikita kahit kailan!" Galit na galit na sabi nito. "Dalian mo at baka ikaw pa ang ilibing ko ng buhay!" Nanlaki ang mga mata nilang dalawa ni Gian sa narinig. Akmang susugod si Gian pero mabilis niyang inawat. Baka ikapahamak nila at mabulilyaso sila. Chief Pelaez sent a message na malapit na sila sa location. They need to hurry mukhang natunugan na nito ang ginawa ng kasintahan. Kaya galit na galit ito ngayon.

"Yess boss." at nagmamadaling umalis ito. Si Maureen naman ay pumasok sa loob ng silid.

Umalis sila sa pinagtataguan at dahan-dahang tinungo ang pinto ng naturang silid. Pigil ang hiningang marahan niyang inikot ang seradura nito. Nakaramdam siya ng kasiyahan na hindi nakalock 'yon.

Walang ingay na nabuksan niya ang pinto samantalang si Gian naman ay nakasunod sa likuran niya. Itinulak niya iyon pabukas. Nabungaran niya ang kasintahan at Scarlette na nakaupo habang nakatali ang kamay at paa.

"Baby..." Nahabag siya sa nakitang kalagayan ng nobya. Namamaga ang mga mata nito tanda ng pag-iyak. Magulo ang buhok at nadumihan na ang suot nito. Nagtama ang mga mata nila. Umiling ito na tila ba sinasabi na 'wag siyang papasok.

Akmang hahakbang siya palapit dito ng may malamig na bagay na tumutok sa sentido niya.

"Hello love." ani Maureen habang nakatutok ang baril sa kanya.

Nilingon niya ito at akmang aagawin niya ang baril dito ng mabilis itong nakaatras habang nakatutok pa rin ang baril sa kanya.

"Why are you doing this?" tanong niya.

"I'm going to answer your God damned question If you'll get inside pati na ang kasama mo. Or I'll shoot her?" Itinutok nito ang baril sa nobya na ikinanlaki ng mata niya.

Agad naman siyang pumasok kasunod si Gian. Pagkapasok niya ay doon niya lang napansin ang isang lalaki na nasa gilid at may hawak ding baril na nakatutok naman kay Gian.

"Alam mo kung bakit? Dahil sa 'yo! You are mine at ang babaeng ito ang dahilan kung bakit ayaw mong bumalik sa akin. So she better die para magsama tayo! Akin ka lang Claude, akin!" She's fuming mad at hindi niya puwedeng salubungin iyon. He needs to distract her.

"Then take me." He saw Ayesha's eyes widen sa sinabi niya pero inignora niya iyon. He has to do something para mailigtas ito.

Happy Reading.
We're almost near.
Xoxo❤❤❤

My Lover in the Dark (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon