Kabanata 31

2.9K 74 2
                                    

Thank You
Dedicated to @JoanneMarie1

Dinala siya ni Scarlette sa isang mall. Maglalunch na muna sila bago mag-iikot ikot at gusto mamili ng mag gamit pambata.

Kasalukuyan na silang kumakain ng bigla itong magtanong.

"So tell me, pano kayo nagkakilala ni Claude?" Tukoy nito sa binata.

"Sa resort kami unang nagkita." Pag-alala niya sa unang pagkikita nila ng binata. Ikinuwento niya dito ang unang encounter nila. Ang hindi nila magandang pagkikita hanggang sa maging sekretarya siya nito at maging nobya.

After niyang maikuwento ay tawa pa rin ng tawa ang kaharap niya.

"Seriously? Para kayong mga aso't pusa. Ang cute niyo. Happy ako para sa inyo. I'm happy for Claude." Naging malamlam ang mga mata nito.

She cleared her throat. "Can I ask you something?" Pagkuway sabi niya.

"Sure."

"Totoo bang nagkagusto ka sa kanya?" Lakas loob niyang tanong. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas para maitanong iyon. Hindi kasi siya mapakali kanina pa ng malaman na nagkagusto ito sa binata. What if until now may gusto pa rin ito?

Saglit itong natigilan ngunit marahan ding ngumiti. "Hear me out first, okay? Don't jump into conclusions while hindi pa ako tapos magkuwento, do you undertstand?" Nagpatangu-tango naman siya bilang sagot.

"Great. Isa sa mga investors si dad sa company nila. Minsan sa mga charity ball or gatherings sinasama ako ni dad kaya nakilala ko siya. Unang kita ko pa lang sa kanya gusto ko na siya that's why ultimo paglipat ng school kung saan doon siya nag-aaral ay ginawa ko." She chuckled and paused for a while. "Same course din kinuha ko to make sure na magiging magkaklase kami. Was it weird right?"

"M-medyo.. " kimi niyang sagot. Sino ba naman kasing balie na gagawin yun unless patay na patay talaga siya sa binata. Huh? Meaning ganoon niya kagusto ito? Parang may kumirot sa bahagi ng puso niya.

Dapat na ba akong mag-alala?

Erase. That was before, okay? No need to worry

"I'm sorry." Nakita ata nitong napaisip siya.

"It's okay. Matagal naman na 'yon." Pag-aasure niya.

"Are you sure?" Nag-aalalang tanong nito. "Do you want me to continue or should I stop?"

"Please continue..."

Humugot muna ito ng malalim na hininga at muling nagsalita.

"Yung pagkagusto ko sa kanya lalong lumalim to the point that I fell inlove with him. Kaya naman nung may bigla siyang pinakilala na girlfriend niya ay sobrang nasaktan talaga ako. Hindi ko matanggap. Saksi si Gian sa lahat ng sakit na dinanas ko. Kung paano ako nasaktan. Gian is his bestfriend. College pa lamang kami inamin na niya sa akin ang feelings niya and I rejected him because of Claude." Bahagya itong pumiyok. Ginagap niya ang kamay nito para ipaabot dito na okay lang. She'll understand.

"After ng ilang buwan nalaman kong niloko siya ng girlfriend niya. He was so broke to the point na bigla na lamang siyang umalis at sa ibang bansa nag-aral." Napasinghap siya nang malamang niloko pala ang binata.

But why?

"N-niloko siya? Paano?" She curiously asked.

"They made a bet over him." Simplen sagot nito.

"A bet?" Kunot-noong sabi niya.

"Yeah. A bet na magiging sila and after six months ay hihiwalayan siya ni Dianne and make sure na hahabol habulin pa siya ni Claude. Begging for her na makipagbalikan. At 'pag nangyari 'yon siya ang panalo." Madilim ang mukhang sabi nito.

Napahawak siya sa bibig niya. "Oh God, paano niya nagawa 'yon kay Claude?" Wala siyang maisip na dahilan para ganunin ang binata.

"Maybe for money, million kasi bet nila."

"Million?" Nanlaki ang mga mata niya. Hindi makapaniwalang saad niya.

"Yes, but I know Maureen, may kaya ang pamilya nila. Kaya hindi ko lubos maisip na magagawa niya iyon sa kanya. Maybe for fun? O dahil sulsol ng nga peste niyang kaibigan." She tsked. Napapailing-iling pa ito.

She clenched her fist.

"Wala silang karapatang gawin 'yon sa kanya. How dare them. Lalo na ang Maureen na 'yan!" Galit niya sabi. Gusto niyang hanapin ito at pagsasampalin.

How dare that woman hurt her baby?

"Hey relax. I know what you feel ganyan din pakiramdam ko dati." She smiled. "Anyway balik tayo sa topic natin at baka maimbyerna ka pa diyan."

"Sorry nadala lang ng emosyon." Paumahin niya.

"It's okay. After ilang years nagkita kami ulit ni Claude. Inaalam ko where abouts niya. To the point na buntot ako ng buntot sa kanya. Kahit na ipinagtatabuyan niya na ako." She chuckled. "Now ko lang narealized how stupid I am sa mga ginagawa ko dati sa kanya. Gosh!" Nahihiya pang sabi nito.

"At hindi lang doon natatapos ang kagagahan ko." Tila nag-alangan itong magsabi. Naging mailap ang mga mata nito.

"You can trust me. Handa akong makinig." Nakangiti niyang sabi.

"Nakakahiya kasi yung ginawa ko." Napatungo ito.

"I am not in the right position para husgahan ka."

She heave a deep sighed. "Nung huling pagsunod ko sa kanya I did something terrible.
I came up to a very desperate planned. Sinundan ko siya sa isang resort  na pagmamay-ari nila. I went to the bar. Nilapitan ko siya. I talked to him at nang malingat siya I drugged him. Nilagyan ko ang iniinom niyang alak." She gasped of what she heard. Napakagat-labi ito. Pinipigilan nitong maiyak pero hindi ito nagtagumpay. May humulagpos pa ring luha sa mga mata nito. Ginagao nito ang kamay niya. "I'm really sorry. I wasn't thinking straight that time. Hindi ko na alam ang ginagawa ko. Please forgive me." Tuluyan na itong napaiyak.

Hindi niya alam kung paano magrereact sa ginawa nito. Mali ang ginawa nito pero ayaw niyang husgahan ito. Siguro nagmahal lang ito ng sobra kaya nakagawa ito ng ganoong bagay.

"Wala kang kasalanan sa 'kin. Pero alam mo kung kanino ka dapat humingi ng tawad." Inabutan niya ito ng tissue.

"Thank you.I already did. Pero alam kung hindi niya ako mapapatawad." Pinahid nito ang mga luha.

"Mapapatawad ka rin nun. Hayaan mo muna siya." Pag-alo niya. "Ano bang nangyari after noon?" Curious niyang tanong. "May nangyari ba?" Pigil ang hiningang tanong niya.

"Yes-'' libu-libong karayom ata ang tumusok sa puso niya pagkarinig sa sinabi nito. "Pero hindi sa kanya kundi sa bestfriend niyang si Gian." Dugtong nito. She sighed in relief.

"Iniisip mo bang may nangyari sa amin?"

She nodded. Mahina itong napatawa. "That was my planned but it turned out into a mess. My planned was failed. Paggising ko siya ang kasama ko. And here I am now ipinagbubuntis ang anak namin." Napahimas ito sa tiyan nito.

"I thought Claude was the one that I loved. Siya kasi ang ideal man ko. Siya lang ang lagi kong nakikita to the point na hindi ko na nabibigyang pansin yung totoong nagmamahal sa akin. At marerealized ko na lang huli na ang lahat. Sinukuan na niya ako. I couldn't find him." Mapait itong ngumiti. "Kailangan ko siyang makita. Kailangan malaman niya na mahal ko rin siya at magkakaanak na kami. It's not too late for both us right?"

"Habang may buhay may pag-asa. Kung handa ka ng mahalin siya fight for it. Kapag nagkita na kayo don't blew your chance na ipadama yung pagmamahal na 'yon sa kanya."

"Thank you so much." Naluluhang sabi nito. Nginitian niya ito.

Enjoy.
Xoxo❤❤❤

My Lover in the Dark (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon